Monday , November 18 2024

Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Uupuan kaya ng boksingero ang papel ng environmentalist sa makapangyarihang CA?

IBINITIN ng bicameral Commission on Appointments na pinamumunuan ng boksingerong senador na si Manny Pacquiao ang pag-aapruba sa nominasyon ng kilalang mapagmahal sa kalikasan na si Gina Lopez bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa mariing pagtutol ng mga kompanyang nagmimina sa bansa. Walong oras na magiting na idinepensa ni Lopez sa komisyon ang kanyang …

Read More »

Humingi kayo ng tawad

UMAANGAL ang mga taga-Liberal Party na sila raw ay ginigipit ng administrasyong Duterte dahil sa kanilang paninindigan laban sa extrajudicial killing, sa kasalukuyan ay itinataya ng naging sanhi ng kamatayan nang mahigit sa 7,000 pinaghihinalaang sugapa o tulak ng bawal na gamot. Ito ang dahilan kaya ngayon ay humihingi sila ng suporta sa mga mamamayan na panindigan na mali ang …

Read More »

Huwag pabulag sa kinang ng EDSA

NITONG nagdaang Sabado ang rurok ng paggunita ng mga Liberal Demoktrata sa ika-31 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution na nagpatalsik sa diktador at dating pangulo na si Ferdinand Marcos Sr. Marami ang dapat ipagpasalamat sa kaganapang ito pero hindi tayo dapat mabulag sa kakulangan ng EDSA-PPR na iluwal ang isang lipunan na may katarungan, katotohanan, kalayaan, pag-ibig at kapayapaan, …

Read More »

Salamin

DAHIL sa lumalaganap na protesta laban kay US President Donald Trump ay napag-usapan namin ng isa kong kuyang ang kanyang administrasyon at kung paano nito nililigalig ang marami lalo na ‘yung mga tinatawag na “Asian minority” at Latino. Dangan kasi marami ang naniniwala at nakapupuna sa pagiging inconsiderate, racist at sexist daw na pangulo ni Trump. Hindi raw da-pat naupo …

Read More »

Karma

NAPAKAINGAY nitong si Senadora Leila De Lima kaugnay sa tinataya niyang gagawin na pag-aresto sa kanya ng mga awtoridad dahil sa demandang isinampa laban sa kanya kamakailan ng Department of Justice sa Muntinlupa City Regional Trail Court. Ang demanda ay may kaugnayan sa kanyang kinalaman umano sa kalakaran ng bawal na gamot sa loob ng Bilibid noong panahon na siya …

Read More »

PNP-SAF na minasaker ng MILF sa Mamasapano pinarangalan na

SALAMAT naman at opisyal nang kinilala ng pamahalaan ang kabayanihan ng 44 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force na minasaker ng Moro Islamic Li-beration Front sa isang ambush sa bayan ng Mamasapano dalawang taon na ang nakararaan. Sa rekomendasyon ng National Police Commission kay Pangulong Rodrigo Duterte na gawaran ng pinakamataas na parangal ang nalalabi pang 42 PNP-SAF na …

Read More »

Huli man daw at magaling, aabot din (kaya?)

MATAPOS mapatay ang halos 7,000 tao sa pinakawalang digmaan ng administrasyong Duterte laban sa ilegal na droga ay ngayon pa lamang opisyal na tumitindig at naglilinaw ng posisyon ang simbahang Katoliko Romano laban sa malaganap na karahasang ito. Ang pahayag ay ipinalabas ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa isang Pastoral Letter na binasa sa mga simbahang Katoliko Romano …

Read More »

Treason

WALANG kahulilip na kawalanghiyaan ang ginawa ng mga pumatay sa Koreanong businessman na si Jee Ick Joo. Isipin na lamang na pinatay nila ang Koreano sa loob mismo ng Camp Crame, ang headquarters ng Philippine National Police, ang institusyon na dapat ay taga pagtanggol ng bayan. Bukod dito, ayon sa sinulat ng kaibigan natin na si Robert Roque sa kanyang …

Read More »

Ang Bagong Taon

UNA sa lahat ay hayaan ninyo akong ipanala-ngin ang pagiging mapagpalaya at makabuluhan ng Bagong Taon para sa ating lahat. Habang lumalaon ay napapansin ko na magkahalong lungkot at saya ang palagiang dala ng bagong taon. Lungkot dahil maraming alaalang nalikha sa loob ng nagdaang panahon, mga alaalang nagbigay ng matingkad na kulay sa ating buhay ngunit alam natin na …

Read More »

Tutulan GMO

DAPAT mag-doble kilos ang mga taong naniniwala na masama ang mga pagkain na may bakas ng Genetically Modified Organism sa kanilang information drive dahil kumikilos na ang mga dambuhalang dayuhang kompanya na nagsusulong nito sa ating bansa katulong ang ilang kababayan na siyentipiko at public relations practitioners. Malinaw na sa karamihan ng mga siyentipiko ng mundo na walang katiyakan ang …

Read More »

Andres Bonifacio (Ikalawang Bahagi)

  ITINATAK sa ating isipan na walang pinag-aralan si Bonifacio dahil alam ng puwersa ng reaksiyon na para sa atin, ang pinag-aralan ay napakahalahaga at ang kawalan nito ay malaking kahihiyan. Hindi tayo mahilig sa digmaan tulad ng ibang lahi kaya bakit pilit din na itinatanim sa ating isipan na si Bonifacio ay mandirigma lamang. Bakit palagian siyang ipinakikita na …

Read More »

Ang salot

IPINAGPIPILITAN ni dating Pangasinan Rep. Mark Cojuangco na ligtas gamitin ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) o Plantang Nukleyar kahit walang maipakitang pruweba na magpapatotoo sa kanyang sinasabi. Kasabay nito, may pahiwatig ang kasalukyang administrasyong Duterte na ibig niyang i-rehabilitate ang nasabing planta upang makapag-supply umano ng elektrisidad sa buong Luzon. Handa raw ang kasalukuyang pamunuan na gastusan pa ng …

Read More »

Alerta Bayan

HINARANG ng isang mambabatas na Amerikano ang pagtatangka natin na bumili ng mga U.S. made na assault rifles dahil umano sa lumalalang paglabag sa karapatang pantao sa ating bansa bunga ng mga napababalitang paglaganap ng sinasabing extrajudicial killings. Alam ng lahat na ang tunay na dahilan sa pagharang ni U.S. Senator Ben Cardin sa ating pagbili ng 26,000 assault rifles …

Read More »

Ang letra at espirito ng batas ay hindi laging magkaayon

MAY mga ilang abogado, lalo na ‘yung kaalyado ng dating ‘dilawang’ administrasyong Aquino, ang nagsasabi na hindi dapat balewalain ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon ng The Hague Tribunal kaugnay ng ating pagmamay-ari sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea o South China Sea. Sabi nila ay dapat igiit ni Pangulong Duterte sa Tsina ang karapatan natin sa nasabing mga …

Read More »

Panahon na para ipakita ang lakas ng ating pagkakaisa

MARAMI ang nangangamba na magdudulot ng masamang epekto sa ating bayan ang mga pahayag laban sa mga Amerikano ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Beijing. Bakit daw kailangan putulin ang ating pakikipag-ugnayan sa US? Nakalulungkot na nakikita ng mga kababayan natin ang maaaring masamang epekto ng pagputol sa kasalukuyan nating ugnayan sa U.S. pero hindi nila nakikita ang nagaganap na masamang …

Read More »

Kawawa ka naman brad…

NAKALULUNGKOT na may mga kababayan tayo na hanggang ngayon ay takot na takot lumabas mula sa lilim ng palda ng mga Amerikano, na mas pipiliin nila ang hindi parehas na pakikipag-ugnay sa atin kaysa magkaroon tayo ng malayang ugnayang panlabas. Ayon sa kanila ay malaki ang naitutulong daw sa atin ng mga Kano kaya hindi tayo dapat tumalikod sa kanila. …

Read More »

Ibang klase si Liza Maza

HINDI makapaniwala ang halos 100 kontraktuwal na empleyado ng National Anti-Poverty Commission na ganoon na lamang silang aapihin at sisibakin sa trabaho ng kanilang bagitong hepe na Liza Maza dahil nakilala bilang tagapagtanggol ng mga inaapi. Ang masakit pa raw nito, ayon kay Joseph Aquino, pangulo ng mga sinibak na kawani ng NAPC ay hindi sila hinarap ni Aling Liza …

Read More »

Salamat po

UNA sa lahat ay salamat sa Diyos at sa lahat ng mga naniniwala at sumusuporta sa akin. Nitong nagdaang Martes, ika-20 ng Septiyembre, ay malualhati po akong naordinahan bilang isang Misyoneryong Diakono ng Iglesia Catolica Filipina Independiente o Philippine Independent Catholic Church sa Katedral ng Kristong Hari sa Padre Burgos, Southern Leyte. Malaki po ang utang ko kay Rev. Isaias …

Read More »

Magsuri bago humusga

MABIGAT ang mga paratang ng testigo na iniharap ni Senadora Leila De Lima sa kanyang ginagawang imbestigasyon ng umano’y Extrajudicial Killings (EJKs) sa ating bansa. Hindi biro na paratangan ng pagpatay si Pa-ngulong Rodrigo Roa Duterte at kanyang anak na si Paolo na vice mayor ng Davao City. Dahil dito ay hindi dapat basta-basta natin balewalain ang mga sinabi ni …

Read More »

Mababaw na pagtingin sa kalalagayan

MALINAW sa reaksiyon ng ilang matataas na opisyal ng pamahalaan at mga komentarista sa radyo sa mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaugnay sa ating relasyon sa Amerika, na wala silang nalalaman, kundi man sadya nilang hindi pinapansin, ang pagiging neo-kolonyal na bansa ng ating bayan. Masyadong sopistikado ang ugnayang neo-kolonyalismo na hindi na nakikita ng mga biktimang bayan …

Read More »