Monday , December 5 2022

Mababaw na pagtingin sa kalalagayan

MALINAW sa reaksiyon ng ilang matataas na opisyal ng pamahalaan at mga komentarista sa radyo sa mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaugnay sa ating relasyon sa Amerika, na wala silang nalalaman, kundi man sadya nilang hindi pinapansin, ang pagiging neo-kolonyal na bansa ng ating bayan.

Masyadong sopistikado ang ugnayang neo-kolonyalismo na hindi na nakikita ng mga biktimang bayan ang pagsasamantala na ginagawa sa kanila ng kanilang dating panginoong kolonyalista. Bagkus ay tinanggap nila ang pagsasamantalang ito bilang biyaya at isang natural na kalalagayan sa mundo.

Ito ang dahilan kaya ang nakikita lamang ng mga pinuno at komentaristang mababaw ay biyaya umano na hatid nang patuloy na pananatili sa ating bayan ng puwersa at impluwensiyang Amerikano. Sa lilim ng sari-saring palusot, na kung tawagin ay tratado, ay nakuha ng dati nating panginoong kolonyalista na palabasin na tayo ay nakikinabang sa kanilang patuloy na pananatili sa bansa.

Bukod pa rito ay hindi natin napapansin na ang mga tratadong ito ay nakuha sa pamamagitan ng tinatawag na “subtle pressures” o hindi halatang pamimilit.

Ito ang dahilan kung bakit nndito sa bayan ang walang silbi at mapanganib na Bataan Nuclear Power Plant, kung bakit lubog tayo sa utang sa International Monetary Fund/World Bank, kung bakit komersyalisado ang sistemang edukasyon sa ating bayan na nagbubunga ng mataas na tuition, kung bakit hanggang ngayon ay paurong ang kalalagayan ng ating hukbong sandatahan, kung bakit mahal ang mga medisina at iba pang kahalintulad na kapariwaraan.

Habang pinakikinggan ko ang sinasabi ng mga mababaw na opisyal at komentarista tungkol sa puna ni Pangulong Duterte sa mga ginawa ng mga Amerikano sa ating bansa, lalo na noong panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano, parang ang naririnig ko ay hindi mga tapat na Filipino kundi mga mersinaryong kababayan natin.

Nakamumuhi ang kababawan nila.

* * *

Lumalaki ang bilang ng mga menor de edad na nasasangkot sa krimen ayon sa Department of Social Welfare and Development. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang aking bagong e-news website, www.beyonddeadlines.com

Ang website na ito ay maglalaman ng malalalim na talakayan kaugnay sa mga pangyayari sa ating bayan at iba pang mahalagang impormasyon para sa pang-araw-araw nating buhay. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin ang website na ito. Pakikalat ang balita tungkol sa www.beyonddeadlines.com

Salamat po.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala nang mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

USAPING BAYAN – Nelson Flores

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

YANIG ni Bong Ramos

Vendors pinalayas sa puwesto kapalit ng pay parking slot ng mga motorsiklo

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang sinapit ng maraming vendors dito sa Maynila matapos silang palayasin …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

DOJ, na-‘wow, mali’ kay Bantag

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NANANATILING kompiyansa ang Department of Finance (DOF) na bababa …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

 “You are my under watch!”

AKSYON AGADni Almar Danguilan BABALA ito ni bagong talagang Bureau of Fire Protection National Capital …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Bigyang-pugay ang bagong BIR chief

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NABABAHALA sa walang kahirap-hirap na pagkakaroon ng access ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Makataong anti-illegal drug campaign ni PBBM, nakaisa ng shabu lab

AKSYON AGADni Almar Danguilan PUWEDENG-PUWEDE naman pala e. Ang alin? Ang malinis na pagpapatupad ng …

Leave a Reply