Saturday , December 21 2024

Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Isang maikling paglilinaw tungkol sa Simbahang Pilipino Iglesia Catolica Filipina Independiente (Aglipay)

USAPING BAYAN ni Nelson Flores

ni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD ANG ICFI, Philippine Independent Catholic Church sa Ingles, na kilala rin sa pangalang Simbahang Aglipay ay katoliko sa pangkalahatang paniniwala at tradisyon at hindi protestante gaya ng pagkakaalam ng iba, bagamat ito ay may mga bahid ng mapagbagong kamulatan. Ito ay naniniwala sa tatlong persona nang nag-iisang Diyos (Trinity) at tanggap nang buo …

Read More »

Hunyo 12, dapat bang ipagdiwang?

Usaping Bayan ni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD

USAPING BAYANRev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. ANG pagpapahayag ng kalayaa’y tanda ng pagbawi sa sariling kaakohan (national identity) mula sa isang mapanakop na kapangyarihan. Gayon man hindi lahat ng pagpapahayag ng kalayaan ay nauuwi sa tunay na paglaya. Mayroong huwad o hilaw na pahayag. Ngayong darating na ika-12 ng Hunyo, gugunitain ng marami sa ating mga Pilipino ang ika-125 …

Read More »

Hunyo 12 pekeng araw ng kalayaan

USAPING BAYAN ni Nelson Flores

USAPING BAYANRev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. ANG pagpapahayag ng kalayaa’y tanda ng pagbawi sa sariling kaakohan (national identity) mula sa isang mapanakop na kapangyarihan. Gayon man hindi lahat ng pagpapahayag ng kalayaan ay nauuwi sa tunay na paglaya. Mayroong huwad o hilaw na pahayag. Nitong nakaraang 12 Hunyo, ginugunita ng pamahalaan ang ika-124 taong deklarasyon ng Artaw ng Kalayaan …

Read More »

Takot sa sariling multo

USAPING BAYAN ni Nelson Flores

USAPING BAYANRev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. NANGANGAMBA umano si Senadora Risa Hontiveros dahil sa pagtatalaga ni President-elect Ferdinand Marcos, Jr., kay Vice President-elect Sara Duterte Carpio bilang susunod na kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon o Department of Education (DepEd). Ayon sa impormasyon na nakalap ng inyong lingkod, ang pangamba ni Hontiveros ay batay sa kanyang paniniwala na babaguhin ni …

Read More »

Tambak na wiped out pa

USAPING BAYAN ni Nelson Flores

USAPING BAYANRev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. TAPOS na ang halalan pero hanggang ngayon ay hindi matanggap ng sobrang minoryang ‘pinklawan’ ang resulta kaya kabi-kabila ang kanilang pag-iingay sa mga pangunahing lansangan, sa campus ng mga elitistang paaralan at social media. Ibig baguhin ng 14 milyon ang pasya natin na 31 milyong Filipino. Gusto nilang payukuin o paluhurin tayo sa …

Read More »

Isang Bukas na Liham

USAPING BAYAN ni Nelson Flores

USAPING BAYANRev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. SA MGA KASAMA, ngayon at dati; kamag-anak, kamag-aral at kaibigan, Para sa inyong kaalaman, ako po ay hindi nagbabago. Ang buod ng aking katauhan at paniniwala ay pareho pa rin. Aaminin ko na talagang naging kagulat-gulat ang aking mga huling pasya pero ito ay bunga ng mahabang pagninilay. Marami sa mga lumang paniniwala …

Read More »

Bakit siya?

USAPING BAYAN ni Nelson Flores

USAPING BAYANRev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. HINDI lingid sa ating kaalaman na ang mga miyembro ng mga umano’y “kilusang progresibo ng masa”  at mga aktibista nila ay halos magkandarapa sa pagsuporta sa kandidatura ni Bise Presidente Leni Robredo para sa pagka-presidente ng bansa. Bukod sa kanila, naiulat din kamakailan na ang Communist Party of the Philippines at ang hukbo …

Read More »

Tiwala sa Diyos at bayan sagot sa hamon ng mga mabalasik na moralistang neoliberal

USAPING BAYAN ni Nelson Flores

USAPING BAYANRev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. PERO paulit-ulit silang nagtanong, kaya tumayo si Jesus at sinabi sa kanila, “Kung sino sa inyo ang walang kasalanan ay siya ang maunang bumato sa kanya.”  – Juan 8:7 “Sino sa inyo ang walang sala?” Ito ang mapangahas na tanong ng ating Panginoong Hesus sa mga taong pakiwari ay wala silang pagkakasala. Ganun-ganun …

Read More »

Bakit BBM ako

USAPING BAYAN ni Nelson Flores

USAPING BAYANRev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. MARAMI sa mga dati kong kasama ang nanunuya sa akin kung bakit si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang napipisil ko para maging pangulo ng ating bansa sa panahong ito dahil noong araw ay napasama ako sa isang napakaliit na kilusang anti-rehimeng Marcos. Simple lang ang sagot ko, ito ang lumabas sa aking mahabang …

Read More »

Peke pala

Usaping Bayan ni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD

USAPING BAYANRev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. LUMABAS na ang tunay na kulay ng mga nagkukunwa’y progresibo. Imbes suportahan ang kandidato na tulad nila ang pinaniniwalaan pagdating sa mga usapin ng ekonomiya, politika at kultura ay mas pinili nilang ayudahan ‘yung kandidato na nagsusulong ng neoliberalismo, isang sistema na makadayuhan at nagpapahirap sa ordinaryong mamamayan. Ito ang aking napagtanto matapos …

Read More »

Bakit ayaw ko sa mga Neo-Liberal

Usaping Bayan ni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD

USAPING BAYANRev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.  (Basahin at pag isipan kung bakit. Huwag lang basta mag react nang negative). BAKIT hindi ako susuporta sa isang Neo-liberal tulad ni Leni. Walang sinisino ang kasaysayan. Iiwan ka nito kung babagal-bagal ka at makikita mo lamang ang kinang nito ilang taon matapos maganap ang pangyayari. Ito ‘yung tinatawag na ‘hindsight.’ Noong 1986 …

Read More »

Green Power hindi angkop sa pambansang industrialisasyon 

Usaping Bayan ni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD

USAPING BAYANRev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. ANG hatid na aral ng krisis sa enerhiya na kinakaharap ng Kanlurang Europa ngayong taglamig o winter ay dapat pag-aralang mabuti ng ating pamahalaan kung ibig makaiwas sa kahalintulad na krisis dito sa ating bayan. Malinaw ngayon, minadali ng mga Europeo ang transition o paglipat sa tinatawag na “renewable energy” o “green power” …

Read More »

Gomburza

Usaping Bayan ni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD

USAPING BAYANRev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. EWAN ko kung bakit walang ginagawang kapansin-pansin na pagpapahalaga ang pamahalaan kina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora sa kabila ng katotohanan na utang natin sa kanila ang ating kamalayang Filipino ngayon. Hay! Naku, ang kamatayan yata ng tatlong pari sa pamamagitan ng garote ang gumising at nagpaalab sa diwang makabayan …

Read More »

Isang maikling pagpapaliwanag tungkol sa Neo Liberalismo

Usaping Bayan ni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD

USAPING BAYANni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD ANG neo-liberalismo ay isang sistemang pang ekonomiya at politikal na nagmula sa kanluran. Isang Austriano-Ingles ang utak nito, si Friedrich von Hayek. Ayon sa siste ni Hayek, dapat ay bigyang layaw ang walang patumanggang pagkahayok at pamamayagpag ng kapital sa pamamagitan ng deregulasyon at “minimum state interference” na niyakap ng America at …

Read More »

Sino ka?

Usaping Bayan ni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD

USAPING BAYANRev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. MARAMING umaangkin sa karangalan na masabi na sila’y Filipino pero kundi man, ‘di nila alam ay utal sila sa katutubong wika at walang malalim na ugnayan sa lahing pilit na inaangkin? Paano ‘yun? The truth of the matter is most Filipino immigrants to America or any Anglo-Saxon countries, especially those who can no …

Read More »

Sa gitna ng katahimika’t kaordinaryohan maririnig at makikita ang Diyos…

Usaping Bayan ni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD

USAPING BAYANni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. ANG Salita ng Diyos nitong nagdaang Araw ng Linggo sa pamamagitan ni San Lukas (3:1-6) ay nagtuturo kung saan natin makikita ang Diyos at kung sino ang kanyang mga kasama’t pinagkakatiwalaan. Pansinin na binanggit sa mga talatang ito sina Emperador na si Tiberius Caesar ng Roma, ang Gobernador ng Judea na si …

Read More »

Adviento

Usaping Bayan ni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD

USAPING BAYANni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. NITONG nagdaang araw ng Linggo ay nagsimula na ang panahon ng adviento o advent para sa maraming  Kristiyano lalo ng ‘yung mga sumusunod sa Katolikong tradisyon. Ang Adviento ay mula sa salitang Romano na “Adventus” na ang ibig sabihin ay pagdating. Kaya para sa ating mga mananampalataya ang Panahon ng Adviento ay …

Read More »

Paalam pre…

Usaping Bayan ni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD

USAPING BAYANni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. LABIS akong nabigla at nalungkot nang mabalitaan na pumanaw ang aking kaibigan na si Jerry Yap. Naalala ko pa rin hanggang ngayon kung paano kami nagkakilala sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong dekada 90, habang ako ay naka-assign doon bilang reporter ng Philippine Daily Inquirer. Ang aming pagkakakilala ay …

Read More »

Ang tunay na pagbibigay

Usaping Bayan ni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD

USAPING BAYANni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. NAPAKAGANDA po ng homilya nitong nagdaang araw ng Linggo sapagkat muling ibinisto ng Poong Hesukristo ang kaipokritohan ng mga nagpapasasa sa kawalan ng karamihan. Ayon kay San Marcos (Marcos 12:41-44) nag-obserba o nagmasid ang Poong Hesus sa pag-aabuloy na ginagawa ng mga tao sa Kaban ng Bayan. Napansin ng ating Poon na …

Read More »

Mensahe ng Diyos

Usaping Bayan ni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD

USAPING BAYANni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. KUNG tayo ay nakinig sa Salita ng Diyos nitong mga nagdaang ilang araw ng Linggo ay malalaman natin na malinaw na malinaw pala ang ang kagustuhan ng Diyos para sa atin. Bukod sa kanyang kagustuhan na dapat nating gawin ay itinuro rin niya ang paraan kung paano natin makakamit ang buhay na …

Read More »

Ang Judaismo at Kristiyanismo

Usaping Bayan ni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD

USAPING BAYANni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. ALAM ba ninyo na ang ating Panginoong Hesukristo ay hindi nagtayo ng relihiyon? Ang nangyari ay nabuo ang isang uri ng pamumuhay dahil sa kanyang mga katuruan na pilit sinusundan ng bilyong tao ngayon. Hindi rin siya Kristiyano bagkus siya ay naniniwala sa Judaismo, isang relihiyon ng mga Hudyo na sumusunod sa …

Read More »

Idalangin natin ang kaharian ng Diyos dito sa lupa

Usaping Bayan ni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD

USAPING BAYANni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. NAKALULUNGKOT na ang ating lipunang ginagalawan ay pinaghaharian ng kawalang katotohanan, kalayaan, kapayapaan, pag-ibig at katarungan. Ang mga ito ang ilan sa mga pangunahing dahilan kaya marami sa ating mga lider sa iba’t ibang larangan ay sinungaling. Ito rin ang mga dahilan kung bakit ang ating bayan, ekonomiya at kultura ay pinaghaharian …

Read More »

Kilates ng isang lider

USAPING BAYANni Rev. Fr. Nelson Flores Ll.B. MSCK HUWAG nating kalilimutan na walang mararating ang isang bagito sa larangan ng pamumuno. Kailangan nitong magpahinog muna at magkaroon ng suporta mula sa malawak na sambayanan mula Luzon hanggang Mindanao. Hindi rin natin kailangan ‘yung naglilinis-linisan at oportunista. Lalong ayaw natin sa mga pulpolitiko na lahat ay ipangangako manalo lamang at walang …

Read More »

Mga salamisim 14

HINDI magpapatuloy ang bentahan ng metamphetamine hydrochloride o shabu sa kalye kung walang malaking sindikato sa likod nito at hindi naman makatitindig ang sindikato kung walang makapangyarihang pul-politiko o negosyante ang nasa likod nito, iyan ang totoo. Dahil dito ay naniniwala ang Usaping Bayan na tama si Philippine Drug Enforcement Agency Director General Aaron Aquino sa kanyang naunang pahayag kamakailan …

Read More »