Monday , May 23 2022
Usaping Bayan ni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD

Paalam pre…

USAPING BAYAN
ni Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

LABIS akong nabigla at nalungkot nang mabalitaan na pumanaw ang aking kaibigan na si Jerry Yap. Naalala ko pa rin hanggang ngayon kung paano kami nagkakilala sa loob ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong dekada 90, habang ako ay naka-assign doon bilang reporter ng Philippine Daily Inquirer.

Ang aming pagkakakilala ay nauwi sa halos tatlong dekadang pagkakaibigan, hanggang sa panahon na nilisan niya ang ating mundo para bumalik kamakailan sa sinapupunan ng ating Dakilang Manlilikha.

Nakita ko ang paglago niya at ang kabutihan ng kanyang kalooban. Hindi lamang iilan ang kanyang natulungan, lalong-lalo na ‘yung maliliit nating kasamahan sa hanapbuhay, (kabilang po ang inyong lingkod sa kanyang natulungan nang makailang ulit) at lahat ng kanyang ginawa ay walang inaantay na sukli.

Masigasig niyang sinuportahan ang aking pagpapari at iba ko pang mga gawain para matulungan ko rin ang mga kapwa mamamahayag sa Lungsod ng Kyusee.

Kahit noong kami ng aking pamilya, kasama na ang kanyang inaanak na si Bayang, ay nangibang bansa na ay hindi naputol ang aming ugnayan. Napag-usapan pa nga namin ang kanyang pamamasyal dito sa amin. Sayang at hindi na ito matutuloy sa ngayon.

Hindi ko na hahabaan ito sapagkat ang kolum na ito ay isang pagpupugay ko sa kanya. Bago ko tapusin ito ay hayaan ninyo akong manalangin para sa aking kumpadre.

“Nakikiramay kami ng aking pamilya sa pagdadalamhati ng pamilya Yap at ng iba pang naging bahagi ng kanyang paglalakbay. Harinawa ay magkaroon ng walang hanggang katahimikan at pagmamahal ang aking kumpareng Jerry sa piling ng ating manlilikha. Amen.”

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

PROMDI ni Fernan AngelesI

Consumer dehado sa batang Arroyo

PROMDIni Fernan Angeles SA NAPIPINTONG pag-upo bilang Energy Secretary ng artistahing anak ng isang dating …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

P33.00, hindi nakabibili ng corned beef

AKSYON AGADni Almar Danguilan MAGKAKANO na ba ang isang de latang sardinas ngayon? Depende sa …

USAPING BAYAN ni Nelson Flores

Isang Bukas na Liham

USAPING BAYANRev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD. SA MGA KASAMA, ngayon at dati; kamag-anak, kamag-aral …

PROMDI ni Fernan AngelesI

Eksperto, hindi polpolitiko sa DOE

PROMDIni Fernan Angeles SA NAPIPINTONG pag-upo ni President-elect Bongbong Marcos bilang ika-17 Pangulo sa Hulyo, …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Ikinayaman ang presyohang turon

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ALAM ng mga nakatrabaho ko sa Tempo sa loob …