Tuesday , March 17 2026

Micka Bautista

P2.38-M shabu nasamsam tiangge vendor timbog

ARESTADO ang isang tindero sa tiangge na nahulihan ng P2.38-milyong halaga ng hinihinalang shabu sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga, nitong Biyernes, 10 Disyembre. Sa ulat ni P/Lt. Col. Heryl Bruno kay P/Col. Robin King Sarmiento, provincial police director ng Pampanga PPO, kinilala ang suspek na si Rasul Sadic, alyas Elyas, kasalukuyang naninirahan sa Jao Ville, Brgy. Panda, lungsod …

Read More »

Units ng PRO3 PNP ipinaalerto sa firecracker ban

BILANG pagsunod sa direktiba ni PNP chief, P/Gen. Dionard Carlos, naglabas ng Operational Guidelines si PRO3 PNP Regional Director P/BGen. Matthew Baccay upang matiyak na magiging ligtas at payapa ang pagdaraos ng Kapaskuhan sa taong ito. Ayon kay P/BGen. Baccay, titiyakin ng PNP na ang probisyon sa pagsasaayos, pagmamanupaktura at pamamahagi ng mga paputok ay mahigpit na ipatutupad base sa …

Read More »

Notoryus na tulak nadakma sa Mabalacat, Pampanga P.7-M shabu nasamsam

ARESTADO ang isang pinaniniwalaang notoryus na tulak ng ilegal na droga, nakompiskahan ng higit sa P.7-milyong hinihinalang shabu sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga, nitong Sabado, 4 Disyembre. Ayon kay PRO3 Regional Director P/BGen. Matthew Baccay, nagkasa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Regional at Provincial Drug Enforcement Units …

Read More »

Kilabot na holdaper tiklo sa ‘Oplan Sita’

NAGWAKAS ang maliliga­yang araw ng isang kilabot na holdaper nang masabat at maaresto ng mga awtori­dad sa Oplan Sita sa Brgy. Bigte, bayan ng Norza­ga­ray, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado ng gabi, 4 Disyembre. Sa ulat na ipinadala ni P/Lt. Col. Cresenciano Corde­ro, acting chief of police ng Norzagaray Municipal Police Station (MPS), kay P/Col. Manuel Lukban, Jr., provincial director …

Read More »

Bebot timbog sa ‘nakaw’ na SUV

NASAKOTE ang isang babae ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos mahulihan ng pinaniniwalaang nakaw na sports utility vehicle (SUV) sa isang talyer sa lungsod ng Meycauayan, lalawigan ng Bulacan. Kinilala ang suspek na si Mary Jean Aranas, dinakip ng mga awtordiad nang bigong magpakita ng dokumentong magpapatunay na kanyang pag-aari ang sasakyang dala-dala sa isang talyer. Ayon sa NBI, …

Read More »

3 rapists, 18 pasaway nasakote sa Bulacan

NASUKOL ang kabuuang 21 katao kabilang ang tatlong hinihinalang rapist sa iba’t ibang operasyong ikinasa ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang Miyerkoles ng umaga, 1 Disyembre 2021. Sa ulat kay P/Col. Manuel Lukban, Jr., acting provincial director ng Bulacan PNP, dinampot ang siyam na drug suspects sa mga serye ng anti-illegal drug operations na ikinasa ng Station Drug Enforcement …

Read More »

Huli sa aktong nagka-Cuajo
4 SUGAROL TIMBOG SA TARLAC

ARESTADO ang apat katao nang mahuli sa akto ng mga awtoridad habang nasa kainitan ng pagsusugal sa bayan ng Bamban, lalawigan ng Tarlac, nitong Martes ng tanghali, 30 Nobyembre. Batay sa ulat ni P/Maj. Edward Castulo, OIC ng Bamban Municipal Police Station (MPS), nakatanggap sila ng impormasyon mula sa mapagkakatiwalaang impormante na may grupo ng mga indibiduwal ang kasalukuyang nasa …

Read More »

Sa Bulacan
MOTORNAPPER, 4 PUGANTE TIMBOG SA POLICE OPS

INARESTO ng mga awtoridad ang isang kawatan ng motorsiklo at apat na pugante sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya laban sa krimen sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Martes ng umaga, 30 Nobyembre. Kinilala ni P/Col. Manuel Lukban, Jr., acting provincial director ng Bulacan PNP, ang suspek sa pagnanakaw ng motorsiklo na si Reynaldo Lozada, ng Brgy. Pulong Buhangin, bayan …

Read More »

100K Bulakenyo target bakunahan
3-ARAW NATIONAL COVID-19 VACCINATION DAY SINIMULAN

Daniel Fernando Covid-19 Vaccine Bulacan

SINIMULAN ng lalawigan ng Bulacan ang pagbabakuna sa mga Bulakenyo sa lahat ng sektor sa pagsisimula ng tatlong araw na National CoVid-19 Vaccination Day na isinagawa sa iba’t ibang lugar na naglalayong mabakunahan ang 182,982 indibidwal mula 29 Nobyembre hanggang 1 Disyembre 2021. Ayon kay Dr. Hjordis Marushka Celis, direktor ng Bulacan Medical Center, mula sa 98 lugar ng bakunahan …

Read More »

Sa kampanya kontra krimen
TULAK, PUGANTE, 14 PA, TIMBOG SA BULACAN

INARESTO ang isang drug suspect, isang pugante, 9 sugarol at limang suspek sa iba’t ibang krimen sa serye ng anti-criminality drive na isinagawa ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan mula Linggo, 28 Nobyembre, hanggang Lunes ng umaga, 29 Nobyembre. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Manuel Lukban, Jr., acting provincial director ng Bulacan PPO, kinilala ang drug suspect na si …

Read More »

5 tulak nakalawit
DRUG DEN NABUWAG SA SUBIC

ARESTADO ang limang drug suspects habang nabuwag ang isang hinihinalang drug den ng mga awtoridad sa ikinasang anti-illegal drug operation ng mga awtoridad sa Subic, lalawigan ng Zambales, nitong Biyernes ng tanghali, 26 Nobyembre. Isinagawa ang drug sting ng mga tauhan ng PDEA Zambales Provincial Office kasama ang Zambales PPO PDEU at ang local police na nagresulta sa pagkakadakip ng …

Read More »

Driver sugatan sa ambush
KANDIDATONG KONSEHAL, 1 PA TODAS

PATAY sa pamamaril ng mga hindi kilalang suspek ang isang kumakandidatong konsehal at ang kanyang kasama sa bayan ng San Simon, lalawigan ng Pampanga, nitong Sabado, 27 Nobyembre. Kinilala ang mga biktimang sina Rogelio “Jon” Salvador, 42 anyos, kumakandidatong konsehal sa nabanggit na bayan, at kasama niyang si Joel Salvador. Ayon sa ilang testigo, bumibiyahe ang mga biktima sakay ng sports …

Read More »

Most wanted rapist sa Tarlac nakalawit

NASUKOL ng mga awtoridad ang isang lalaking nakatala bilang most wanted person (MWP) sa lalawigan ng Tarlac nitong Miyerkoles ng umaga, 24 Nobyembyre, sa bayan ng Magalang, lalawigan ng Pampanga. Batay sa ulat ni P/Col. Erwin Sanque, acting provincial director ng Tarlac PPO, dakong 10:00 am kamalawa, nang maglatag ang operating troops ng Tarlac CPS ng manhunt operation sa Brgy. …

Read More »

2 nang-abuso, inihoyo 3 huli sa pot session, 3 pugante arestado

DINAKIP ng mga awtoridad ang dalawang lalaking may kasong pang-aabuso gayondin ang tatlong hinihinalang drug users, at tatlong pugante sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles, 24 Nobyembre. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Manuel Lukban. Jr., acting provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang dalawang suspek sa pang-aabuso na sina Dionne Silvestre, alyas Toto, …

Read More »

Sa Pampanga
KASO NG PAMAMARIL NG PULIS SA TEENAGER NASA PISKALYA NA

NAISAMPA na sa piskalya ang kasong Homicide na inihain laban sa isang pulis na nakadestino sa Bacolor Municipal Police Station (MPS) matapos mabaril at mapatay ang isang 19-anyos lalaki habang nasa kustodiya ang suspek ng nasabing estasyon. Kinilala ni Pampanga PPO Director P/Col. Robin Sarmiento ang pulis na si P/Cpl. Alvin Pastorin, nakatalaga sa Bacolor MPS bilang intelligence officer, habang …

Read More »

Sa Bulacan
24 LAW OFFENDERS DERETSO SA HOYO

ARESTADO ang 24 katao, pawang lumabag sa batas, sa iba’t ibang operasyon na inilatag ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 23 Nobyembre. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Manuel Lukban, Jr., acting provincial director ng  Bulacan PNP, 11 sa mga naaresto ay mga drug suspek na kinilalang sina Romulo Arcilla, Jr., ng Brgy. San Roque, San Rafael; Jeffrey …

Read More »

Alitangya sumalakay sa Pampanga

NAITALA sa ilang lugar sa lalawigan ng Pampanga ang pananalasa ng rice black bug o alitangya. Matapos manalasa sa lungsod ng Cabanatuan, sa Nueva Ecija, at sa Asingan, Pangasinan, nakitaan na rin ang ilang lugar sa Pampanga ng mga rice black bug. Ayon sa Department of Agriculture, apektado na ang ilang bahagi ng Brgy. San Jose Malino sa bayan ng …

Read More »

Naingayan sa kuwentohan
BINATA TODAS SA BOGA NG PARAK

PATAY ang isang binata matapos barilin ng isang pulis na sinasabing naingayan sa kuwentohan sa bayan ng Bacolor, lalawigan ng Pampanga nitong 20 Nobyembre 2021. Nabatid na tinamaan ng bala ang dibdib at leeg ng biktimang kinilalang si Abelardo Vasquez, Jr., 19 anyos, mula sa baril ng suspek na pulis na kinilalang si P/Cpl. Alvin Pastorin. Ayon sa pinsan ng …

Read More »

Farmed shrimp welfare campaign isinusulong ng NGO

Tambuyog Development Center Farmed shrimp welfare campaign

Isinusulong ng Tambuyog Development Center, isang non-government organizatiom, ang kampanya para sa farmed shrimp welfare sa buong bansa na sinimulan kamakailan sa pamamagitan ng online press launch. Kabilang sa mga naging guest speaker ay si Wilfredo Cruz, regional director ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa Gitnang Luzon, na isa sa pangunahing rehiyon ng bansa na nag-aalaga ng mga …

Read More »

Sa Bulacan
2 TULAK, ARSONISTA, PUGANTE, TIMBOG

PINAGDADAKIP sa iba’t ibang operasyong ikinasa ng mga awtoridad ang apat na personalidad na pawang lumabag sa batas sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 20 Nobyembre. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Manuel Lukban, Jr., acting provincial director ng Bulacan PNP, nadakip ang dalawang hinihinalang tulak sa magkahiwalay na buy bust operations na ikinasa ng Station Drug Enforcement Units (SDEU) …

Read More »

MWP ng Aurora tiklo sa Pasay

INARESTO ng mga awtoridad ang pang-apat na most wanted person sa lalawigan ng Aurora sa isinagawang manhunt operation sa lungsod ng Pasay, nitong Biyernes ng tanghali, 19 Nobyembre. Sa ulat mula kay P/Col. Julio Lizardo, acting provincial director ng Aurora PPO, naglatag ang mga elemento ng Counter Intelligence Division-IG, Maria Aurora MPS, Aurora PPO, Pasay CPS, SPD, NCRPO at Bongabon …

Read More »

Sangkatutak na alitangya prehuwisyo sa Cabanatuan

ISANG linggo nang prehuwisyo ang mga ‘black rice bugs’ o alitangya sa mga residente sa lungsod ng Cabanatuan, lalawigan ng  Nueva Ecija. Ang alitangya ay insektong tila maliliit na salagubang na madalas lumilitaw sa gabi at nagliliparan malapit sa ilaw kung saan may liwanag. Halos pagbahayan ng mga alitangya ang maraming lugar sa naturang lungsod tulad ng mga karinderya, tindahan, …

Read More »

Dahil sa ‘rice scam’
EMPLEYADO NG BOCAUE PNP NASA ‘HOT WATER’

NALALAGAY sa ala­nganin ang isang non-uniformed personnel ng Bocaue Municipal Police Station (MPS) sa lalawi­gan ng Bulacan dahil sa reklamong pang-i-scam sa negosyong bigasan. Ayon kay P/Lt. Col. Ronnie Pascua, acting police chief ng Bocaue MPS, lumitaw sa imbestigasyon na si Ayla Joy Dela Cruz, residente sa JMJ Subd., Abangan Norte, Marilao, at empleyada sa naturang estasyon ay pinangakuan ang kanyang …

Read More »

Top 1 most wanted ng Olongapo City timbog sa Bulacan

ARESTADO ang isang lalaking may kabit-kabit na warrants of arrest at itinuturing na top 1 most wanted person ng lungsod ng Olongapo matapos magtago ng apat na taon sa isinagawang manhunt operation sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 13 Nobyembre. Kinilala sa ulat ni P/Col. Manuel Lukban, Jr., acting provincial director ng Bulacan PPO, ang …

Read More »

Sa Nueva Ecija
TULAK NANLABAN, UTAS SA ENKUWENTRO

PATAY ang isang hinihi­nalang tulak ng ilegal na droga matapos manlaban sa mga awtoridad sa isinagawang anti-illegal drug operation na nauwi sa enkuwentro sa Science City of Muñoz, lalawigan ng Nueva Ecija, nitong Sabado, 6 Nobyembre. Batay sa ulat ni P/Col. Rhoderick Campo, acting provincial director ng Nueva Ecija PPO, dakong 1:20 am kamakalawa nang magkasa ang mga operatiba ng …

Read More »