Wednesday , August 10 2022

Most wanted rapist sa Tarlac nakalawit

NASUKOL ng mga awtoridad ang isang lalaking nakatala bilang most wanted person (MWP) sa lalawigan ng Tarlac nitong Miyerkoles ng umaga, 24 Nobyembyre, sa bayan ng Magalang, lalawigan ng Pampanga.

Batay sa ulat ni P/Col. Erwin Sanque, acting provincial director ng Tarlac PPO, dakong 10:00 am kamalawa, nang maglatag ang operating troops ng Tarlac CPS ng manhunt operation sa Brgy. San Pablo, sa nabanggit na bayan na nagresulta sa pagkaaresto sa suspek na kinilalang si Romnick Basco, 22 anyos.

Nabatid na si Basco ay may kabit-kabit na warrants of arrest para sa dalawang bilang na kasong Rape; Rape by Sexual Assault at paglabag sa R.A. 7610 (Anti-Child Abuse Law), lahat ay inilabas ni Presiding Judge Joeferson Toribio, ng Tarlac City Family Court Branch 11 na may petsang 9 Nobyembre 2021. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

P120-K shabu nasabat live-in partners nasakote

P120-K shabu nasabat live-in partners nasakote

NASAMSAM ang P120,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa live-in partners sa ikinasang drug buy …

Sa Rizal P1.1-M DROGA NASABAT 6 HVI SWAK SA SELDA

Sa Rizal
P1.1-M DROGA NASABAT 6 HVI SWAK SA SELDA

DERETSO sa kulungan ang anim na nakatalang high value individual (HVI) makaraang makompiska sa kanila …

dead gun police

Kaanak ng suspek sa Ateneo shooting  itinumba

PINASLANG ang isa pang kaanak ng suspek sa pamamaril sa Ateneo de Manila University na …

Bulacan Police PNP

3 wanted criminal nasakote, 6 astig na pasaway lumambot

ARESTADO ang tatlong indibidwal na pinaghahanap ng batas at anim na iba pa sa ikinasang …

PNP PRO3

23 sugarol timbog sa Central Luzon

SA PAGPAPATULOY ng PRO3 PNP sa kanilang hakbang laban sa illegal gambling, iniulat ni Regional …