Monday , December 23 2024

Micka Bautista

17 pasaway sa Bulacan tinalangkas sa selda

Bulacan Police PNP

LABIMPITONG indibiduwal na pawang lumabag sa batas ang sunod-sunod na naaresto sa iba’t ibang anti-criminality operations na isinagawa ng pulisya sa Bulacan kamakalawa. Sa ulat na ipinadala kay P/Lt. Col. Jacqueline P. Puapo, officer-in-charge ng Bulacan PPO, magkahiwalay na buybust operation ang isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Sta. Maria at Obando municipal police stations na pitong drug …

Read More »

Babala ni P/BGen. Hidalgo
SOLICITATIONS, REGALO BAWAL SA LESPU

PBGen Jose S Hidalgo Jr

NAGPAHAYAG ng mahigit na mensahe si Police Regional Office 3 Regional Director P/BGen. Jose S. Hidalgo, Jr., bilang babala sa mga tauhan ng pulisya laban sa paghingi at pagtanggap ng mga regalo ngayong Kapaskuhan. Binigyang-diin ni P/BGen. Hidalgo, Jr., ang pangangailangan para sa mahigpit na pagsunod sa mga pamantayang etikal, lalo sa mga mapanghamong panahong ito na marami ang nahihirapan …

Read More »

Halos Php2-M halaga ng ‘omads’ nakumpiska sa mga durugistang tulak Bulacan

marijuana

TINATAYANG halos dalawang milyong pisong halaga ng marijuana ang nasamsam at walong durugistang tulak ang naaresto sa isinagawang anti-criminality operations ng pulisya sa Bulacan kamakalawa Disyembre 7, 2023.  Sa ulat na isinumite kay P/Lt/Colonel Jacquiline P. Puapo, officer-in-charge ng Bulacan PPO, nakasaad na dakong alas-11:20 ng gabi nang matagumpay na nagkasa ng drug sting operation ang San Jose Del Monte …

Read More »

Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, State of California, pinatibay ang sisterhood relationship sa pamamagitan ng mga resolusyon

Bulacan California

MAAARI nang makamit ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at State of California ang benepisyo ng pagpapalitan sa larangan ng edukasyon, ekonomiya, at kultura sa pagpiprisinta ng dalawang panig ng resolusyon bilang suporta sa kanilang sisterhood relationship sa Marco Polo Hotel Ortigas, Manila kamakalawa ng gabi. Noong Agosto 2023, ipinasa ng California Senate ang Senate Concurrent Resolution No. 57 na iniakda ni Senador …

Read More »

DSWD, kinilala ang Tahanang Mapagpala sa Bulacan bilang isa sa 10 outstanding social work agencies sa bansa

DSWD Tahanang Mapagpala bulacaN

BILANG resulta ng kanilang mahalagang kontribusyon sa lipunan, kinilala ng Department of Social Welfare and Development ang Tahanang Mapagpala ng Immaculada Concepcion Foundation, Inc. mula sa Lungsod ng Malolos bilang isa sa 10 Outstanding Social Work Agencies (SWAs) and Auxiliary Social Welfare and Development Agencies (SWADAs) sa bansa sa isinagawang awarding ceremony nito sa SM City Novaliches, Quezon City kamakalawa. Sa kanilang pangunahing …

Read More »

Bulacan ipagdiwang ika-90 anibersaryo ng DOLE sa pamamagitan ng job fair

Bulacan DOLE

SA pagdiriwang ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng kanilang Ika-90 Anibersaryo ngayong taon, nakatakdang magsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office ng Bulacan Trabaho Service: Job Fair sa Bulacan Capitol Gymnasium sa Lungsod ng Malolos, Bulacan ngayon, Disyembre 7, 2023. Sinabi ni Gobernador Daniel R. Fernando na mag-aalok …

Read More »

Bulacan jail guard, sumailalim sa skills at competence seminar

Bulacan jail guard, sumailalim sa skills at competence seminar

SA paghahangad na mapataas ang kanilang kahusayan at mas mapabuti ang kanilang mga kakayahan, nagsagawa ang Provincial Civil Security and Jail Management Office (PCSJMO) ng ‘Custodial Intervention Seminar in the Bulacan Provincial Jail’ noong buwan ng Nobyembre sa Gusali ng Kapitolyo ng Bulacan sa Lungsod ng Malolos, Bulacan na dinaluhan ng mga miyembro ng Bulacan Provincial Jail Custodial Force. Sa …

Read More »

Sa 2 araw police ops sa Bulacan
P.2-M ILEGAL NA DROGA NAKUMPISKA, 13 TULAK ARESTADO; 4 PANG PASAWAY INIHOYO

Bulacan Police PNP

LABING-PITONG indibiduwal ang sunod-sunod na naaresto sa dalawang araw na anti-criminality operations ng Bulacan police kamakalawa at hanggang kahapon ng umaga, Disyembre 6. Sa ulat na isinumite kay P/Lt/Colonel Jacquiline P. Puapo, officer-in-charge ng Bulacan PPO, na ang Station Drug Enforcement Unit ng PIT, RIU 3, PDEA Bulacan, San Jose Del Monte, Bocaue, Plaridel, Norzagaray, San Ildefonso, Santa Maria at …

Read More »

Digitalization ng mga Creative Products sa Bulacan, isinusulong ng DTI

Bulacan DTI

AAGAPAYAN ng Department of Trade and Industry o DTI ang mga micro, small and medium enterprises o MSMEs sa Bulacan, partikular ang nasa larangan ng Creative Industry, na makapasok sa digital services at digital training platforms. Ito ang tiniyak ni DTI-Region III Officer-in-Charge Assistant Regional Director at siya ding DTI-Bulacan Provincial Director Edna Dizon sa ginanap na OTOPamasko Holiday Fair …

Read More »

2 araw police ops  
P.2-M ‘obats’ nasamsam sa Bulacan

shabu drug arrest

NAKUMPISKA sa pinaigting na serye ng mga operasyon ng pulisya laban sa ilegal na droga P258,000 halaga ng hinihinalang shabu sa lalawigan ng Bulacan, hanggang nitong Miyerkolas ng umaga, 29 Nobyembre.  Bukod sa pagkakakumpiska ng pinaniniwalaang ilegal na droga, nagresulta din ang mga operasyon sa pagkakadakip sa 16 indibiwal na nangangalakal ng droga at lumabag sa batas. Sa ulat na …

Read More »

 ‘Bayani City’ Phases 1 at 2 ng FSRR, naitayo na sa Camp Tecson

Bayani City FSRR Camp Tecson San Miguel, Bulacan

NAITAYO na ang Phases 1 at 2 ng tinaguriang ‘Bayani City’ sa loob ng Camp Tecson, sa bayan ng San Miguel, lalawigan ng Bulacan. Sentro ng mga pasilidad na inilagak dito ang isang Military Operations on Urban Terrain o MOUT Training Facilities para sa mga kawal ng First Scout Ranger Regiment o FSRR ng Philippine Army. Dinisenyo ang MOUT bilang …

Read More »

Paninindigan at Pamana, inalala sa ika-100 Taon ng Pagkamatay ni Padre Mariano Sevilla

Bulacan Padre Mariano Sevilla

GINUNITA ng mga Bulakenyo ang ika-100 anibersaryo ng pagkamatay ni Padre Mariano Sevilla, ang kilalang nagpasimula ng tradisyon ng Flores De Mayo sa Bulacan na lumaganap sa buong bansa. Sentro ng paggunita ang pormal na paglalagak ng panandang pangkasaysayan na ipinagkaloob ng National Historical Commission of the Philippines o NHCP. Pinangunahan ni NHCP Chairman Emmanuel Calairo ang seremonya ng paghahawi …

Read More »

23 pinakamahusay na koop sa Bulacan kinilala ng Gawad Galing Kooperatiba

Bulacan Gawad Galing Kooperatiba

KINILALA ng taunang Gawad Galing Kooperatiba ang 23 pinakamahuhusay na kooperatiba sa Bulacan sa ginanap na parangal sa The Pavilion, sa Hiyas ng Bulacan Convention Center, lungsod ng Malolos. Nahahati ang GGK sa walong parangal kabilang ang Gawad Galing Kooperatiba; Outstanding Performance; Notable Performance; Special Distinction; Special Citation; Golden Year Award; Gawad Galing Guardian at Laboratory Cooperative; at Special Recognition. …

Read More »

P1.8-M ilegal na droga nakompiska sa 2 araw na anti-drug ops sa CL

P1.8-M ilegal na droga nakompiska sa 2 araw na anti-drug ops sa CL

SA MAAGAP at walang humpay na pagsisikap na labanan ang mga aktibidad ng ilegal na droga, matagumpay na naisagawa ng pulisya ng Central Luzon ang serye ng mga operasyon laban sa droga sa Bataan, Bulacan, at Pampanga nitong 23-24 Nobyembre 2023, na nagresulta sa pagkakakompiska ng mga ipinagbabawal na sangkap na nagkakahalaga ng mahigit P1.8 milyon. Sa masinsinang dalawang araw …

Read More »

Mga durugista at nagtatagong kriminal sa Bulacan arestado

Bulacan Police PNP

PITONG durugista na nagbebenta rin ng droga, at tatlong kriminal na nagtatago sa batas ang naaresto ng pulisya sa Bulacan sa iba’t ibang operasyon na isinagawa kamakalawa, 25 Nobyembre 2023. Sa ulat na isinumite kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, sa hiwalay na buy-bust operation na ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng San Miguel, …

Read More »

P.7-M ‘omads’ kompiskado 2 durugistang tulak arestado

marijuana

TINATAYANG nasa P963,000 halaga ng marijuana ang nasamsam at dalawang tulak ang nahuli sa isinagawang anti-criminality operations ng pulisya sa Bulacan kahapon ng madaling araw, 24 Nobyembre 2023. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, dakong 12:25 am nang matagumpay na nagsagawa ng drug sting operation ang Malolos CPS sa Bgy. Pinagbakahan, Malolos, …

Read More »

Lider ng grupong criminal arestado sa P2-M shabu

shabu drug arrest

MULING umiskor ang mga awtoridad laban sa mga grupong kriminal na nagresulta sa pagkaaresto ng pinuno ng kilalang Janawi Criminal Group at dalawang miyembro nito sa isang anti-drug operation sa Subic, Zambales, Miyerkoles ng gabi, 22 Nobyembre. Sinabi ni PRO3 Regional Director P/BGen. Jose S. Hidalgo, Jr., ang Subic Municipal Police Station kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Zambales …

Read More »

18 dating mga rebelde sumuko, 34 pa tumalikod ng suporta sa CTG

NAKAGAWA ng malaking tagumpay ang puwersa ng pulisya ng Central Luzon (CL) laban sa insurhensya sa loob ng isang buwan sa pagsisikap sa ELCAC, kung saan labing-walo (18) dating rebelde ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad.  Bukod pa rito, tatlumpu’t apat (34) na tagasuporta ang tumalikod sa kanilang katapatan sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA). Kabilang sa …

Read More »

Mahigit 2500 barangay ng Central Luzon drug- cleared na

PNP PRO3

SINABI ni Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo Jr. na natuwa siya matapos ideklarang drug-cleared ang 2,568 sa 3,105 barangay ng Region 3. Sa 7 probinsya at 2 lungsod sa Central Luzon, Aurora, Bataan at Tarlac ay nakakuha na ng 100% drug-cleared barangays habang 161 barangay sa buong rehiyon ay drug free na. Bago ideklara na ang …

Read More »

Wanted na mga kriminal at drug dealer sa Bulacan arestado

Bulacan Police PNP

ANG isinagawang operasyon ng pulisya  sa Bulacan ay humantong sa pagkahuli sa mga indibidwal na sangkot sa mga aktibidad na kriminal sa lalawigan kamakalawa at hanggang kahapon ng umaga. Ang matagumpay na operasyong ito ay nagresulta sa pag-aresto sa mga wanted na kriminal at mga nagbebenta ng droga. Sa ulat na isinumite kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng …

Read More »

151 Mangingisdang Bulakenyo, tumanggap ng fuel subsidy cards mula sa DA-BFAR 3

151 Mangingisdang Bulakenyo, tumanggap ng fuel subsidy cards mula sa DA-BFAR 3

ISANDAAN at limampu’t isa na Bulakenyong mangingisda ang tumanggap ng fuel subsidy cards mula sa Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources 3 sa pamamagitan ng Provincial Agriculture Office sa ginanap na “Distribution of Fuel Subsidy Card to Fisherfolks in the Province of Bulacan” sa Eco Commercial Complex, Capitol Compound sa Lungsod ng Malolos, Bulacan kahapon. Apat …

Read More »

600 bagong recruits na pulis sa PRO3 nanumpa sa tungkulin

600 bagong recruits na pulis sa PRO3 nanumpa sa tungkulin

PINANGASIWAAN ni Police Regional Office 3 Regional Director PBGeneral Jose S. Hidalgo Jr ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong recruit na pulis kasunod ng kanilang presentasyon ni PColonel Rudecindo L. Reales, Deputy RD for Operations kamakalawa, Nobyembre 20 sa PRO3 Parade Ground, Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga. Ang 600 matagumpay na mga aplikante ay binigyan ng ranggong …

Read More »

Mall terminal inararo ng bus, estudyante patay, isa sugatan

Mall terminal inararo ng bus, estudyante patay, isa sugatan

PATAY ang isang estudyante habang sugatan ang isang pasahero  makaraang araruhin ng isang pampasaherong bus ang loob ng terminal ng isang mall sa Barangay Ibayo, Balanga, Bataan kamakalawa ng gabi. Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Balanga City Police Station {CPS, nakaparada ang bus sa terminal nang biglang matapakan ng drayber ang accelerator pedal dahilan para ito ay umandar at …

Read More »

Sa National Children’s Month
Kamalayan, karapatan, at kagalingan ng mga bata sa Bulacan itinataas

National Children’s Month Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Children’s Month (NCM) ngayong Nobyembre, itinampok ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan ang pagsasagawa ng mga gawaing magtataas sa kamalayan hinggil sa karapatan ng mga bata sa probinsiya. May temang “Healthy, nourished, sheltered: Ensuring the right to life for all!” naghanda muli ng iba’t ibang aktibidad ang PSWDO sa pakikipagtulungan ng …

Read More »