Tuesday , January 20 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Checkpoint sinalpok ng motorsiklo Pulis sugatan, rider timbog

Checkpoint sinalpok ng motorsiklo Pulis sugatan, rider timbog

SUGATAN ang isang pulis nang sadyang sagasaan ng driver ng motorsiklo sa pagtatangkang umiwas sa joint COMELEC checkpoint operation sa Brgy. Nagbunga, sa bayan ng San Marcelino, lalawigan ng Zambales, nitong Lunes, 10 Pebrero.

Kinilala ang sugatang alagad ng batas na si P/Cpl. John Nelson Flores, 36 anyos, residente sa Brgy. Pamatawan, Subic, Zambales, na tinamaan sa kaniyang kanang paa matapos sagasaan ng motorsiklo ng suspek.

Samantala, kinilala ang suspek na si alyas Bert, 25 anyos, residente sa Brgy. Cawag, Subic, Zambales, nagmamaneho ng itim na Honda TMX 155, may plakang UF 4677 nang siya ay i-flag down para sa inspeksiyon.

Imbes sumunod, mabilis niyang pinaharurot ang motorsiklo patungo kay P/Cpl. Flores at sinalpok ang pulis bago nagtangkang tumakas na kalaunan ay naaresto rin ng pulisya.

Kasalukuyan nang nakakulong ang suspek sa San Marcelino MPS custodial facility at nahaharap sa kasong frustrated homicide at disobedience to lawful orders.

Mariing tinuligsa ni P/BGen. Jean Fajardo, Regional Director ng PRO3 PNP, ang pag-atakeng ito sa isang pulis na nakatalaga para sa pangkapayapaan at kaayusan na kanilang sinumpaang tungkulin.

Aniya, anumang pagtatangkang suwayin o saktan ang mga nagpapatupad ng batas ay may haharaping kaso nang alinsunod sa umiiral na batas. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

PIPC Philippine International PyroMusical Competition FEAT

Philippine International PyroMusical Competition: Experience the magic above us

MANILA — A dazzling spectacle of lights, music, and color is set to light up …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Sakit at kati ng lalamunan mula pa noong December kailangan ng alagang Krystall Nature Herbs at Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                 Ako po …

Villa Kabila Cádiz Spain

Kongresista nabuking sa pag-aaring multi-milyong dolyar na bahay

NABUKING ng investigative report ng  Rappler si Leyte Representative at dating House Speaker Martin Romualdez …

Lito Banayo Martin Romualdez Toby Tiangco

Lito Banayo pinuri katapatan ni Tiangco vs Romualdez

PINURI ng dating kinatawan ng Filipinas sa Taiwan at beteranong political strategist na si Lito …

ACE Store Opens at Baliwag Bulacan

Asia’s Biggest ACE Store Opens at Baliwag, Bulacan 

A new benchmark in home and building retail is set to begin on January 16, …