Thursday , December 26 2024

Maricris Valdez Nicasio

Innocent look ni Sean ng Click V, naging bentahe para magbida sa Anak ng Macho Dancer

KAPWA iginiit nina Direk Joel Lamangan at Joed Serrano, producer ng Anak ng Macho Dancer na napili nila si Sean de Guzman, isa sa miyembro ng Click V dahil sa hitsurang inosente nito dagdag pa na kamukha siya ni Allan Paule na nagbida sa Macho Dancer noong 1988. Bentahe rin ni Sean ang marunong umarte dahil nakalabas na ito sa Lockdown na idinirehe rin ni Lamangan at ang galing sa pagsayaw na siyang …

Read More »

ZOE TV, tatawagin nang A2Z

SIMULA ngayong Oktubre, tatawagin nang A2Z Channel ang kilalang Zoe Channel 11 TV, ito’y dahil sa pagsasanib-puwersa nila ng ABS-CBN.   Ayon nga sa Kapamilya Network, simula Oktubre 10, mapapanood ang mga programa nila at pelikula ng ABS-CBN sa A2Z channel bilang bahagi ng kasunduan ng ABS-CBN at Zoe Broadcasting Network Inc..   Kaya naman ngayong Oktubre, ang A2Z na ang bagong TV network ng mga …

Read More »

Aga Muhlach, balik-TV5

“I’M happy to be here again (TV5),” ito ang nasabi ni Aga Muhlach sa digital media conference na ginanap kahapon para sa Masked Singer Pilipinas na ang host ay si Billy Crawford at mapapanood na simula Oktubre 24, 7:00 p.m. sa TV5 Primetime block handog ng Viva Entertainment.   “Sabi ko nga rito rin pala kami magkikita-kita lahat, ha ha ha. Biro lang. I’m happy to be hear again,” sabi ni Aga. “I’m …

Read More »

Henry Omaga-Diaz, kapalit ni Ted Failon sa TV Patrol

ANG beteranong mamamahayag na si Henry Omaga-Diaz ang ipinalit ng ABS-CBN sa inalisang puwesto ni Ted Failon sa TV Patrol. Lumipat si Failon sa TV5 at ngayong Lunes din magsisimula ang kanilang radio program ni DJ Chacha sa Radyo 5. Ngayong Lunes (Oktubre 5), mapapanood na sa TV Patrol si Henry para maghatid sa mga Filipino ng pinakamalaking mga balita kasama nina Noli “Kabayan” De Castro at Bernadette Sembrano-Aguinaldo. Lubos ang pasasalamat ni Henry, na mahigit 40 taon …

Read More »

Bert “Tawa” Marcelo at San Miguel, buhay na buhay pa ang samahan

HINDI na inabutan ng yumaong si Bert “Tawa” Marcelo ang pagbabago ng kompanyang gumagawa ng paborito niyang beer. Pero tiyak na matutuwa ito, ayon sa anak niyang Gerard, kapag nalamang nakaalala ang San Miguel sa kanyang ama at magtatayo na nga ng paliparan sa Bulacan. “He would have loved to meet Mr. Ramon Ang, the San Miguel visionary who led the diversification. He would have …

Read More »

DJ Chacha, 1st love ang radyo kaya tinanggap ang alok ng Radyo5

AMINADO si DJ Chacha na sobra siyang nalungkot nang mawala ang pagbo-broadcast nila sa DZMM at MOR.   “Sabi ko nga po I started with ABS-CBN right after I graduated so ito ‘yun talaga ang first job ko, radio lang talaga. Kaya nang mawala ‘yung radio nalungkot talaga ako.     “And then nang magkaroon ng offer na radio rin, parang nasiyahan ako kasi firt …

Read More »

Ted Failon, tinanggihang magkaroon ng show sa telebisyon

INAMIN ni Ted Failon na tinanggihan niya ang alok ng TV5 na magkaroon ng show sa telebisyon. Kaya naman sa Radyo 5  mapakikinggan si Ted kasama si DJ Chacha sa Ted Failon & DJ Chacha, na naka-simulcast sa TV5 at One Ph.   Katwiran ni Manong Ted sa pagtanggi sa alok ng TV5 sa isinagawang mediacon kahapon, “Honestly, alam ni Ma’am Luchi (Cruz-Valdes) sa simula ng aming usapan, gusto niya akong mag-telebisyon. Pero …

Read More »

Julia sa bintang na walang utang na loob sa Star Magic — Close ba sila sa akin?!

“CLOSE ba sila sa akin? How should they know what I feel?” Ito ang tila natatawang may giit na reaksiyon ni Julia Barretto nang matanong namin ukol sa mga naglalabasang komento ng kawalan niya ng utang na loob sa pag-iwan sa Star Magic at paglipat ng pangangalaga sa Viva. “Hindi matatanggal sa akin ang gratefulness and my gratitude sa Star Magic,” giit ng aktres sa Virtual conference …

Read More »

Kim, isinama sa It’s Showtime

HINDI napigilang maging emosyonal ni Kim Chiu nang ipakilala ng mga kasamahang host sa It’s Showtime bilang kasama nila sa pagbibigay-saya tuwing tanghali. “Thank you na pinayagan niyo ako na tumuntong dito and makasama kayo. Masaya ako na araw-araw tayong tatawa kasama ang madlang people. Maraming salamat. Kapamilya Forever tayo,” sambit ng aktres na napanood na simula noong Lunes. Maraming fans ang natuwa kaya naman …

Read More »

Pag-aalala ni Kathryn sa mga kababayan sa Cabanatuan, pinawi ng San Miguel

GUSTUHIN mang umuwi ni Kathryn Bernardo sa bahay niya sa Cabanatuan hindi pwede dahil sa trabaho at travel restrictions. Kaya naman ganoon niya ito ka-miss “Nitong past few months noong nag-start ng lockdown, hindi na talaga ako nakauuwi kahit gustong-gusto ko at miss ko na ‘yung Cabanatuan at saka ‘yung house namin. Medyo nakalulungkot lang pero blessed pa rin po dahil maraming …

Read More »

Angelica, ‘di iiwan ang ABS-CBN kahit tigil na sa paggawa ng teleserye

BAGAMAT nagsabi na si Angelica Panganiban na hindi na siya gagawa ng teleserye after ng Walang Hanggang Paalam, iginiit naman niyang hindi niya iiwan ang ABS-CBN. Sa virtual digicom ng WHP sinabi ng aktres na ang WHP na ang huling teleserye niya. Aniya, ”Gusto ko nang magpaalam sa larangan ng teleserye, so maraming salamat sa lahat ng nagawa kong projects sa ABS, I am not leaving ABS-CBN, pero siguro …

Read More »

Mga pelikulang kalahok sa 4th PPP, posibleng mapanood sa mga sinehan

AMINADO si Film Development Council of the Philippines Chair Liza Dino na nagtatampo na sa kanya ang asawang si Ice Seguerra pati ang anak niya dahil hindi na niya naaasikaso ang mga ito. Abala kasi si Dino sa Sine Sandaan: The Next 100 na naka-line-up ang sandamakmak na activities. Pero nilinaw naman niyang naiintindihan siya ni Ice at ng kanyang anak. Aniya, “Hindi rin sila makaalma kasi alam nilang …

Read More »

Michelle at Paulo inisnab, offer ng ibang network; Mananatiling Star Magic talents

INAMIN kapwa kahapon nina Paulo Angeles at Michelle Vito sa pamamagitan ng virtual conference na may mga offer silang natatanggap mula sa ibang network. Simula kasi nang nagsara ang ABS-CBN marami sa Kapamilya talents ang nakatatanggap ng offer mula sa labas ng Kapamilya Network. Hindi naman sila pinipigilan ng Star Magic, ang may hawak sa kanila, na tanggapin ang mga offer na ito. Actually, binigyan sila ng go …

Read More »

Sylvia, ipinagluto ni Arjo

SOBRA ang saya ni Sylvia Sanchez nang pagdating sa kanyang bahay  sa Quezon City mula sa isang quick rest, na madatnan ang masasarap na pagkaing luto ng kanyang panganay na si Arjo Atayde.   Kuwento ni Ibyang (tawag kay Sylvia) sa kanyang Instagram kasama ang picture nilang mag-ina at ang mga pagkaing inihanda ng aktor, ipinagluto siya ni Arjo ng kimchi soup at pepper steak. …

Read More »

Asian at American Artists, pinagsama-sama para sa kantang Rise

ISANG kakaibang experience para kina Inigo Pascual at Sam Concepcion ang makasama sa isang collaboration sina Grammy Award-winning R&B artist na si Eric Bellinger, Manila-based producer na si Moophs, Malaysian singer-songwriter na si Zee Avi, at Black Swan composer na si Vince Nantes sa isang bigating kanta na pinamagatang,  RISE.   Ang awiting Rise ay ukol sa pagbangon at pagharap sa bagong mundo na ire-release ng Tarsier Records ng ABS-CBN ngayong araw, Biyernes (Setyembre 18).  “Ang buhay mismo ang …

Read More »

Rhea Tan, bucket list si Piolo Pascual (Most accomplished and respected artist in the industry)

NATUPAD na ang isa sa mga bucket list ng presidente at CEO ng Beautederm Corporation na si Rhea Anicoche-Tan. Ang maging endorser/ambassador ng kanyang produkto si Piolo Pascual. Pag-amin ni Tan, ”Nasa bucketlist ko na si Piolo magmula noong sinimulan ko ang kompanya 2009. With hard work, careful planning, and prayers nagkatotoo na ang aking pangarap to have him as one of my ambassadors.”  Kaya naman sa ikatlong quarter ng taon sa …

Read More »

Failon at DJ Chacha, mapakikinggan na sa Radyo5

ISANG four-hour morning news magazine program ang sisimulan ng veteran broadcaster na si Ted Failon sa Radyo 5, ang leading FM news station sa bansa, sa ilalim ng TV5 media banner. Excited na si Failon na simulan ang pagbabalik-radyo niya na makakasama si Czarina Marie Guevara, o mas kilala bilang si DJ ChaCha, na long-time radio partner niya rin sa Failon Ngayon sa ABS-CBN’s AM radio outfit na  DZMM. “We are excited …

Read More »

13 TV channels, sinagot ni Pacquiao para sa DepEd

IBANG talaga si Senator Manny Pacquiao! Aba eh, sinagot niya ang gastos para sa 13 TV Channels para magamit ng Department of Education (DepEd) ngayong darating na pasukan. Ani Pacman, hindi niya matiis na mapag-iwanan sa aralin ang mga estudyanteng mahihirap at nasa malalayong lugar na hindi kayang bumili ng mga laptop at gadgets para sa online learning. “Galing ako sa hirap kaya alam …

Read More »

Pinoy at ilang Asian singers, nagsama-sama para sa Heal

BONGGANG-BONGGA naman talaga itong pagsasama-sama sa unang pagkakataon ng mga Pinoy singer at kilalang performers mula sa iba’t ibang bahagi ng Asia para sa isang collaboration. Ang tinutukoy namin ay ang all female collaboration para sa kantang Heal na handog ng ABS-CBN Music International na ang mensahe ay  makapagbigay-inspirasyon na napakikinggan na ngayon sa lahat ng digital streaming platforms. Ang mga female singer na …

Read More »

Manay Ichu Maceda, pumanaw sa edad 77

MARAMI ang nalungkot sa pagpanaw ng itinuturing na isa sa haligi ng Philippine movies, si Ms. Maria Azucena Vera-Perez Maceda o mas kilala bilang Manay Ichu. Pumanaw si Manay Ichu kahapon ng umaga, Setyembre 7 sa edad 77 dahil sa cardio respiratory failure. Isang misa ang inialay kay Manay Ichu kagabi sa Arlington chapel at pagkaraan ay isinagawa ang cremation. Narito ang official …

Read More »

Ted Failon, nagpaalam na sa TV Patrol;  Lilipat na sa TV5

PAGKARAANG ianunsiyo ng ABS-CBN na hanggang Agosto 28 na lamang mapapanood ang kanilang TV Patrol sa 12 lokal na probinsiya, si Ted Failon naman ang magpapaalam sa kanyang mga programa. Tatlumpung taon ding nakasama si Ted sa paghahatid ng balita sa mga tahanan natin at ngayong gabi, Agosto 31, huling beses nang mapapanood ang batikang broadcaster sa TV Patrol at Failon Ngayon sa TeleRadyo dahil nagpaalam na ito. Balitang lilipat …

Read More »

Healing Galing ni Dr. Calvario, tinigbak?

KAYA pala hindi na namin naririnig ang mga payong pangkalusugan ni Dr. Edinell Calvario sa kanyang programang Healing Galing, balitang tinigbak daw ito sa Radyo 5? Sayang naman kung totoo nga ito dahil alam naming marami ang natutulungan ng programang ito ni Dr. Calvario bilang kami ay isa rin sa may simpatya at paniwala sa mga Naturopathy doctor na tulad ni Edinell. Sa pagkawala …

Read More »

Joy ng Sexbomb, balik-telebisyon via Tagisan Ng Galing

NAKATUTUWA naman ang ibinalita ng kaibigang Joy Cancio, dating manager ng Sexbomb. Paano’y magbabalik-telebisyon na siya. Ito’y sa Tagisan Ng Galing (Part 2) sa Net 25, Eagle Broadcasting. Ayon sa kuwento ni Joy, sa September 5 na ang pilot episode nito at 12 noon at makakasama niya ang dating alaga sa Sexbomb noong sina Mia Pangyarihan gayundin sina Joshua Zamora at Wowie de Guzman. Bale silang apat ang mga hurado …

Read More »

Sen. Grace, namahagi ng 50 electronic tablets

KAKAIBANG birthday celebration ni Da King Fernando Poe Jr., ang ginawa ng kanyang anak na si Sen. Grace Poe. Ito ay ang pagdo-donate ng 50 electronic tablets para sa mga mahihirap na estudyante na sasabak sa online at blended learning sa gitna ng Covid-19 pandemic. Anang senadora,”Tiyak kong matutuwa si FPJ para sa tulong na ito sa mga kabataang lubos na nangangailangan lalo …

Read More »