Thursday , October 3 2024
Jackeline Chua Jyotirmoy Saha PopTV

Unang in-transit streaming service sa mga bus, kasado na
POPTV MAGPO-PRODUCE NA NG SARILING SHOWS

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris V. Nicasio

NAGSIMULA na noong Linggo ang pinakabagong handog ng all-Pinoy streaming app ng POPTV, ang POPTV Kids.

Ang POPTV Kids ang kauna-unahang all-kids programming sa mobile streaming para sa Pinoy bulilits na may edad 3 hanggang 10. Nagsimula ito noong Linggo (Nov 21).

“Kami ang unang SVOD platform sa bansa na nag-offer ng isang all kids programming lalo na sa panahon ngayon na madalang na tayo makakita ng kids content sa telebisyon. Dito, mae-enjoy ng mga bata ang iba’t ibang pre-school at kids shows ng libre kahit walang subscription. Bukod pa riyan, lahat ng palabas dito ay naka-dub sa Filipino kaya naman mas maiintindihan at mas makare-relate talaga sila sa kuwento,” sabi ni Jackeline Chua, COO ng POPTV.

Babandera sa listahan ng kids shows sa POPTV Kids ang Filipino-dubbed version ng International Emmy Kids Awards-nominated pre-school show na Tish Tash, na mapapanood sa Pilipinas sa kauna-unahang pagkakataon.

Mapapanood din ang George of the Jungle, The Journey of Long, Ella Bella Bingo, Tilda Appleseed, at The Kids from Seagull Street na pawang co-produced ni Chua kasama ang CEO ng POPTV na si Jyotirmoy Saha sa pamamagitan ng kanilang animation companies na Synergy88 Entertainment Media at August Media Holdings.

Sa isang pindot lang ng button ay mapapasok na ng mga chikiting ang mundo ng POPTV Kids gamit ang POPTV app. Dahil sa child-lock feature nito, hindi kailangang mag-alala ng mga magulang na mapanood ng mga bata ang mga programang hindi angkop sa kanila dahil kinakailangan nila ng password bago muling makita ang mga programang para sa adult viewers.

Ang isa pang pasabog na inihahanda ng POPTV ay ang POPTV Trip. Ito ang kauna-unahang in-transit streaming service sa bansa na tiyak mae-enjoy naman ng mga pasahero na sasakay sa espesyal na POPTV buses.

“Mahalaga ang data para sa overall experience ng anumang streaming service lalo na rito sa Pilipinas. Kaya naman, gumawa ng paraan ang POPTV na mapadali ang panonood habang sila ay lulan ng aming partner bus companies. Simula pa lang ang POPTV Trip sa marami pang paraang ine-explore namin para mas maging accessible sa lahat ang aming app,” sabi ni Saha.

Simula ng maging available ang POPTV sa Pilipinas noong September 2020, ang subscription-based video-on-demand platform ay nakakuha na ng mahigit 1.5 milyong users nationwide sa kabila ng limitasyon at mga hamong dulot ng pandemya.

Ka-partner na rin ng POPTV ang ilan sa pinakamalalaking producers at distributors sa loob at labas ng bansa tulad ng ABS-CBN, Regal Films, at TBA Studios gayundin ang SBS, CJE&M, at JTBC ng South Korea, Medialink ng Hong Kong, at GMMTV at LINE TV ng Thailand sa patuloy nitong paghahatid ng ‘da best’ local entertainment at ‘DUBest’ international hits.

“Masaya kami sa positibong feedback na natatanggap namin lalo na kaugnay ng aming dubbing. Seryoso at mabusisi kami sa proseso ng aming pag-localize ng content mula sa script, voice quality, voice acting at iba pa. Gusto namin na pareho pa rin ang experience ng manonood na para bang pinanonood pa rin nila ito sa orihinal nitong wika,” dagdag pa ni Chua.

Ilan sa mga titulong dapat abangan ay ang KDrama na LUCA starring Kim Rae Won, animes na Jujutsu Kaisen at Citrus, at BL series na I Promised You The MoonTogether With Me, at Our Skyy.

Dahil parehong IP creators, inanunsiyo rin nina Saha at Chua ang nalalapit na pag-produce ng POPTV ng sarili nilang shows sa susunod na taon.

“Hindi lang kami bumibili ng pinakamagagandang content simula ibang bansa para ibahagi sa mga Filipino kundi layunin din namin na kami mismo ay gumawa ng dekalidad na mga pelikula at serye kasama ang pinakamalalaking pangalan sa industriya, local man o international,” sabi ni Saha.

Malapit na ring mapanood ang POPTV sa mga Android o Smart TVs.

Para i-download ang app, hanapin lang ang POPTV PINAS sa Google Play, Huawei App Gallery, at Apple App Store. Mapapanood mo lahat ng palabas sa POPTV sa halagang P20 (2 days), P49 (10 days), P99 (30 days) at P300 (6 months).

Mayroon ditong local movies (blockbusters, indie at classics) at tagalized Pinoy foreign favorites (KDramas, animes, BL series, asian movies, at marami pa).

Maaring mabili ang POPTV subscriptions at ikaltas sa iyong Smart load o ‘di kaya via Google Pay. Maaari rin itong bayaran gamit ang credit/debit card o via GCash app. May mabibili ka rin nito sa Shopee, Lazada, sa lahat ng branches ng M Lhuillier at RD Pawnshops nationwide, at sa mga sari-sari store sa Luzon.

Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa facebook.com/poptvph o bumisita sa official website na www.poptv.ph.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Maine Mendoza BingoPlus Pinoy Drop Ball

Maine enjoy sa bagong laro ng BingoPlus na Pinoy Drop Ball

RATED Rni Rommel Gonzales SI Maine Mendoza ang celebrity endorser ng Pinoy Drop Ball na bagong larong in-introduce ng BingoPlus kaya …

DOST capacitates 39 DA-SAAD farmers with food safety, good manufacturing practices

DOST capacitates 39 DA-SAAD farmers with food safety, good manufacturing practices

TANGCAL, LANAO DEL NORTE—To provide modern technical guidance and assist farmers in value-adding production, the …

Mindanao gears up for disaster challenges with DOST’s ‘Handa Pilipinas’

Mindanao gears up for disaster challenges with DOST’s ‘Handa Pilipinas’

THE Department of Science and Technology (DOST), through its office in Region XII, has launched …

Salome salvi Emil Sandoval Tahong Candy Veloso

Romansang Salome Salvi at Emil Sandoval, totohanan na!

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAY bagong pelikula ang Vivamax sexy actress na si Salome …

RSTIW In CaLaBaRzon

2024 Regional Science, Technology, and Innovation Week (RSTIW) in CALABARZON

Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa at Panatag na Kinabukasan. Providing Solutions and …