Friday , May 24 2024
Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy na si Gary Valencianomatapos pumirma bilang official artist ng Star Magic nitong Martes (Abril 16), kasabay ng pagdiriwang ng kanyang ika-40 na taon sa industriya.

Labis ang pasasalamat ni Gary sa patuloy na tiwala ng ABS-CBN nang mapabilang siya sa Star Magic. Para sa kanya, isa itong ‘reinvention’ ng kanyang sarili matapos ang apat na dekada sa showbiz.

Nais naman ni Gary na sa pamamagitan ng Star Magic ay magsilbi siyang inspirasyon sa kabataan. Aniya, “I am into being able to mentor and spend time with younger people, especially with students. I went to various schools, colleges, and universities where I shared my life, and I am going to continue doing that. I have seen the impact on the hearts of these people, and that’s another thing I wanted to do.”

Maliban dito, inamin din ni Gary na bukas siya sa pag-arte muli sa harap ng camera. 

“My doors are open for other artistic ventures. Like, I don’t mind going back into acting a bit more. If the right opportunity comes, I will certainly keep myself open to that.”

Sa loob naman ng 20 taon, nagsilbing Kapamilya si Gary bilang multi-awarded host at performer sa longest-running musical variety show sa bansa na ASAP Natin ‘To, pati naging boses sa likod ng mga theme song ng mga hit teleserye. Hindi rin matatawaran ang dedikasyon niya sa paghubog ng bagong henerasyon ng Kapamilya performers nang magsilbing celebrity mentor at judge sa talent shows na X Factor Philippines,  World of Dance Philippines, Your Face Sounds Familiar, Idol Philippines, at Tawag ng Tanghalan. 

Kasabay sa kanyang milestone bilang Kapamilya at panibagong Star Magic artist, lalarga naman si Gary V sa kanyang bigating solo concert na Pure Energy: One Last Time sa April 26, 27, 8:00 p.m. sa SM Mall of Asia Arena. Magkakaroon din ito ng dagdag pang show sa May 10. Para makabili ng tickets, bumisita sa smtickets.com o i-contact ang [email protected] para sa ibang katanungan.

Samantala, kasama ang kanyang misis na si Angeli Pangilinan Valenciano pati ang mga anak na sina Paolo at Kiana, pinangunahan naman nina ABS-CBN COO for broadcast Cory Vidanes, Star Magic head Laurenti Dyogi, at manager na si Alan Real ang naganap na pirmahan. Personal ding nag-abot ng kanilang pagbati sina ABS-CBN president and CEO Carlo Katigbak at chairman Mark Lopez bago ang pagsisimula ng event.

Naghatid din ng tribute performance sina Angela Ken, Khimo Gumatay, JM Yosures, Sheena Belarmino, at Jed Madela habang nagbigay din ng kanilang pagbati ang 40 Star Magic artists sa kanilang all-star video message. 

Mapapanood muli ang on-demand na The Magic of Pure Energy: Gary V Contract Signing sa YouTube channel ng Star Magic.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz at mga anak rumampa sa Filipinxt Fashion Show sa NY

MATABILni John Fontanilla HINDI malilimutan ni Lord Of Scents at CEO & President ng Aficionado Germany …

Beaver Magtalas Mutya Orquia

Beaver sa pagpasok sa isang relasyon: gusto ko handa na ako

MA at PAni Rommel Placente SA nagdaang Star Magic Prom 2024, na ginanap sa Bellevue Hotel noong …

Albie Casino

Albie proud maging ama, iba ang sayang naramdaman

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Ogie Diaz sa vlog nila nina Mama Loi at Dyosa Pockoh na Showbiz Update, na …

Jeraldine Blackman Anna Magkawas

Jeraldine Blackman may espesyal na diet

RATED Rni Rommel Gonzales ANG Blackman family ay pamilya ng content creators na naka-base sa Australia. Ito …

Caris Manzano Aica Veloso JD Aguas Jenn Rosa

Caris Manzano nagka-trauma, tinangkang halayin ng amain

RATED Rni Rommel Gonzales TRAUMATIC para sa Vivamax actress na si Caris Manzano ang attempted sexual harassment sa kanya …