Wednesday , June 24 2026
ABS-CBN AllTV AMBS

Kapamilya program itatampok sa AMBS AT ABS-CBN, TV Patrol mapapanood din sa AllTV 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

INIHAYAG kahapon ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS) at ABS-CBN Corporationang kanilang partnership na maghahatid ng mga minahal na entertainment program at makabuluhang balita sa mga manonood sa pamamagitan ng free-to-air channel na ALLTV.

Naganap ang contract signing ceremony sa Brittany Hotel Villar City para sa content agreements na magbibiday-daan sa ALLTV na ipalabas ang ilang nostalgic Kapamilya shows sa ilalim ng Jeepney TVbrand at ang longest-running primetime newscast sa bansa na TV Patrol.

Simula Mayo 13, mapapanood ng ALLTV viewers ang mga pinakatumatak at pinaka-paboritong Kapamilya teleserye na handog ng Jeepney TV sa iba’t ibang oras pati na rin sa primetime pagkatapos ng TV Patrol.

Dumalo sa contract signing ang Chairman ng Villar Group na si Manny Villar, gayundin sina Sen. Mark Villar, Vista Land & Lifescapes Inc. president at CEO Paolo Villar, at All Value Holdings Corp. president at CEO Camille Villar. Kinatawan naman ang AMBS nina president Maribeth Tolentino at CFO Cecille Bernardo.

Sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, president at CEO Carlo Katigbak, chief operating officer Cory Vidanes, Group CFO Rick Tan, at chief partnership officer Bobby Barreiro naman ang kumatawan sa ABS-CBN.

Layunin ng bagong partnership na maghatid ng saya at balita sa mga manonood ng ALLTV na available sa Channel 2 sa free TV, cable, at satellite TV nationwide.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …