Monday , August 15 2022
Marco Gumabao, Kylie Verzosa

Kylie itinodo ang pagpapa-sexy sa My Husband, My Lover

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

AMINADO si Kylie Verzosa na may maseselang eksena ang pelikulang My Husband, My Lover ng Viva Films na pinagbibidahan din nina Marco Gumabao, Cindy Miranda, at Adrian Alandy na idinirehe ni McArthur C. Alejandre.

Kaya naman naging challenge iyon sa kanya. ”It was really a challenge for me. I had to think twice kung tatanggapin ko pa ang role because of the requirements, dahil talagang sexy siya. But I was able to display my acting.”

At bago pa man sinimulan ang pelikula at matapos makita ang trailer, kabado ang beauty queen. Tila kasi itinodo na nito ang pagpapa-sexy sa pelikulang ito.

Paliwanag ni Kylie kung bakit niya tinanggap ang pelikula.

“Direk Mac said, ‘Hindi ako tatanggap ng sexy lang for the sake of being sexy, too. I think of sex as sacred at hindi ko kayo babastusin dito,’”

“For me, sex is also a sacred thing. It’s about love. That was when I fully trusted my director,” giit ni Kylie.

Ang My Husband, My Lover ay isang romance-drama na mapapanood na sa Nov. 26 sa Vivamax. Ito rin ang ikalawang pelikulang magkasama sina Kylie at Marco. Ang una ay ang Parang Kayo Pero Hindi.

“Nag-upgrade na kami ni Marco, mag-asawa na kami in this movie,” ani Kylie na sinabing komportable na sila isa’t isa dahil bukod sa nabanggit na pelikula nagkatrabaho na rin sila sa ilang TV series.

“The chemistry was already there when we started doing our love scenes for this movie,” sambit pa ni beauty queen.

Sa kabilang banda sobrang nae-enjoy na ni Kylie ang pag-arte dahil, ”I can show a different side of me by being an actor.

“I fell in love with acting. I fell in love with the craft.”

“I fell in love with expressing myself, which I didn’t get to do before. I fell in love with the whole process of acting. Ang sarap niyang gawin. It’s such a good feeling to be in someone else’s shoes, experience someone else’s experiences without technically experiencing them yourself. I really enjoy acting,” giit pa ni Kylie.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Imee Marcos Maid in Malacanang

Maid in Malacanang patuloy na pinipilahan; Sen Imee tiyak ang pagtulong sa industriya

COOL JOE!ni Joe Barrameda TULOY-TULOY ang mga nanonood ng Maid In Malacanang na tumatabo sa takilya. Ang …

Arrah Garcia

Arrah Garcia, type maging kontrabida sa pelikula

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG newbie actress na si Arrah Garcia ay kabilang sa …

Sean de Guzman Cloe Barreto

Sean de Guzman, nagulo ang buhay dahil kay Cloe Barreto

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LANGIT sa kama ang mararanasan ng isang lalaki kasama ang …

ABS-CBN TV5 MVP Mediaquest Mark Lopez Carlo Katigbak Jane Basas Al Panlilio

Pagsasanib ng ABS-CBN at TV5 pinalawak pa: Investment signing agreement sinelyuhan 

LEVEL-UP na ang pagsasanib-puwersa ng ABS-CBN at TV5 matapos ang naganap na contract signing para sa isa na namang …

Arnel Ignacio malacanan

Arnell itinalagang OWWA Administrator, pag-aartista ‘di iiwan

MA at PAni Rommel Placente BONGGA si Arnell Ignacio dahil may posisyon na ulit siya sa gobyerno, …