Thursday , December 26 2024

Maricris Valdez Nicasio

Tagpuan wagi sa Samskara Int’l Filmfest

MULING nakatanggap ng pagkilala ang pelikulang Tagpuan na pinagbidahan nina Iza Calzado, Shaina Magdayao, at Alfred Vargas sa katatapos na Samskara International Film Festival sa India. Nasungkit ni Direk McArthur C. Alejandre ang Best Director sa Samskara International Film Festival. Nauna rito, nagwagi ang pelikulang ito ng 3rd Best Picture at Best Supporting Actress sa Metro Manila Film Festival 2020 na isinulat ng multi awarded screenwriter, Ricky Lee. Nakipag-compete rin ito sa apat …

Read More »

Marinella Moran balik-showbiz; gwapong anak ibabandera

IBA talaga ang kaway ng showbiz. Kahit sino ang umalis, tiyak na babalik at babalik. Ito ang nangyari kay Marinella Moran na bagamat maganda na ang career sa Singapore, heto’t babalik pa rin ng ‘Pinas para balikan ang career sa showbiz. Kaliwa’t kanan kasi ang alok sa dating sexy actress kaya naman hindi ito makatanggi. At sa pagbabalik-showbiz ni Kuting, (tawag kay …

Read More »

Gerald nabunutan ng tinik nang ilantad ang relasyon nila ni Julia

AMINADO si Gerald Anderson na tila nabunutan siya ng tinik nang finally ay aminin na niya ang relasyon nila ni Julia Barretto. Ani Gerald sa isang panayam, ”Personally, it’s just something na parang naramdaman ko na kailangan ko nang gawin for peace of mind. Nabunutan ako ng tinik. “After that, wala, tuloy lang ang buhay. Mayroon mas malalaking problema na hinaharap natin lahat …

Read More »

Direk JP sa lock-in taping: Mas napapaganda, mas polido ang script

THANKFUL si Direk JP Habac dahil siya ang kinuha ng TBA Studios para idirehe ang Dito at Doon na pinagbibidahan nina JC Santos at Janine Gutierrez. Ito ang ikalawang movie project ni Habac sa TBA na ang unang idinirehe ay ang I’m Drunk, I Love You noong 2017 na pinagbidahan naman nina Maja Salvador at Paulo Avelino. “Natutuwa ako na they approached me to direct this film kasi I can really relate with the characters …

Read More »

Fan Girl big winner sa 4th The EDDYS;  Paulo, Charlie waging best actor at best actress

HUMAKOT ng parangal ang pelikulang Fan sa katatapos na 4th The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd). Naganap ang maningning na digital awards night ng ikaapat na edisyon ng The EDDYS noong Linggo ng gabi na napanood sa FDCP Channel (fdcpchannel.ph) at iba pang online platforms kabilang na ang official Facebook page ng SPEEd. Pito sa 14 tropeo na ipinamigay sa gabi ng parangal …

Read More »

Luis kay Jessy: I promise to be your rock when you are weak

FEBRUARY 21, 2021 pa ikinasal via civil wedding sina Luis Manzano at Jessy Mendiola na ginanap sa The Farm sa t San Benito, Lipa City, Batangas. Pero noong Linggo lamang ito inihayag ng dalawa sa pamamagitan ng kani-kanilang social media account. Dalampu lamang ang bisita sa ginanap na kasalan kasama na sina Edu Manzano at Lipa City Rep. Vilma Santos at Sen. Ralph Recto. Sinabi nina Luis at Jessy …

Read More »

Rosanna Roces ipinagtanggol si Direk Darryl — ‘Di siya bastos!

“MABUTI ang puso ni Darryl!” Ito ang iginiit ni Rosanna Roces sa sunod-sunod na pagtuligsa sa isa sa paborito niyang director, si Darryl Yap. Pumapatol si Direk Darryl sa mga basher kaya naman tinawag na bastos at mayabang ang director. Pero para kay Osang, maling-mali ang paratang na ito sa director ng bago nilang series handog ng VivaMax Original, ang Kung Pwede Lang na pinagbibidahan ni …

Read More »

Osang ayaw isapelikula ang buhay: Mas gusto ko ilibro

Speaking of Rosanna Roces, hindi pala niya gustong isapelikula ang buhay niya. Aniya, ”Hindi ko gustong gawing movie ang buhay ko. Walang kabutihang mapupulot.” Kuwento ni Osang noong virtual media conference ng pelikula nilang Kung Pwede Lang ng VivaMax, ”Nagawa ko na sa TV5 iyong Untold Stories of Rosanna Roces…)’yung iba sa GMA, iyong nagpakasal sa kapwa babae, at kay Korina Sanchez. Siguro mas gusto ko …

Read More »

Robi Domingo, Ice Seguerra eeksena sa 4th EDDYS sa Easter Sunday

MAGKAKAALAMAN na sa April 4, Easter Sunday, kung sino-sino ang tatanghaling  pinakamagagaling sa mundo ng pelikula ngayong taon sa gaganaping 4th The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice). Tuloy na tuloy na ang pamimigay ng parangal ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa ikaapat na edisyon ng The EDDYS  sa Linggo ng Pagkabuhay, 8:00 p.m., sa FDCP Channel (fdcpchannel.ph), SPEEd Facebook page (Society of Philippine Entertainment Editors) at iba pang digital …

Read More »

Janine nahirapan at natakot kaeksena ang inang si Lotlot

LONG distance relationship, palitan ng maaanghang na salita sa social media, anxiety at iba pa ang ilan sa mga tinatalakay sa pelikulang Dito at Doon ng TBA Studios na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez at JC Santos. Ang Dito at Doon ay isang romance movie na napapanahon ang mga hugot ukol sa pandemic. Idinirehe ito ni JP Habac at isinulat nina Alexandra Gonzales at Kristin Parreno Barrameda. Ukol ito kina Len (Janine) at Cabs (JC) na …

Read More »

Kakai pinatitigil sa ‘paggamit’ kay Mario Maurer

IPINAHIHINTO ng talent management ni Mario Maurer ang paggamit ni Kakai Bautista sa Thai actor. Sa demand letter ng legal counsel ng Kwaonhar Nine Nine Co., Ltd.,  ang kompanyang nagma-manage ng career ni Mario, ipinatitigil nito ang  paggamit ng komedyana sa pangalan ni Mario sa kanyang mga interview. Lagi raw binabanggit ni Kakai sa mga interbyu niya na close sila ni Mario at kung ano-ano pang …

Read More »

Huwag Kang Mangamba patok, trending pa

MAINIT ang naging pagtanggap ng mga manonood sa pinakabagong inspirational series ng ABS-CBN Entertainment, ang Huwag Kang Mangamba, na nag-premiere sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5  noong Marso 22) na napapanahong kuwento. Pinuri ng fans ang mahalagang mensahe at inspirasyong hatid ng serye sa mga manonood, pati na rin ang pagganap ng mga bida nitong sina Andrea Brillantes at Francine Diaz, na nauwi sa trahedya …

Read More »

Anne, unang Pinoy na naka-14M followers sa Twitter

MULING pinatunayan ni Anne Curtis na siya pa rin ang itinuturing na most influential personalities in Asia dahil siya ang kauna-unahang Filipino na nagkaroon ng 14 million followers sa Twitter. Sa post ni Anne sa kanyang social media account ng screenshot ng 14 million Follower, sinabi nito ang ”Thank you, my tweethearts!”   Taong 2009 pa aktibo na si Anne sa kanyang Twitter account …

Read More »

Nadine to James — I wouldn’t say I’m completely healed

INAMIN ni Nadine Lustre na nasa healing process pa rin siya sa nangyaring hiwalayan nila James Reid. Ibig sabihin, bagamat nakikita silang magkasama, talagang tapos na ang apat na taon nilang relasyon? Sa isang interbyu kasi kay Nadine ay inamin niya ang pakikipaglaban  sa anxiety at depression gayundin sa trauma, at ang hindi pa paghilom ng sugat na dulot ng hiwalayan nila ni James …

Read More »

Top 12 songs ng Himig 11th Edition, inilabas na

MAPAKIKINGGANG na ang 12 kanta na tampok ang iba’t ibang kuwento ng mga Filipino gamit ang musika sa pinakamalaking songwriting competition sa bansa, ang Himig 11th Edition. Inilunsad na ng ABS-CBN ang 12 Himig song finalists noong Biyernes (Nobyembre 13) na masusing pinili dahil sa pagbibida nito sa lakas ng OPM sa pamamagitan ng mga lirikong isinulat ng ilan sa mga sumisibol na Pinoy songwriters. Binigyang-buhay …

Read More »

Coco at Julia magkasamang nagbakasyon sa Bora

HINDI na makatatanggi pa sina Coco Martin at Julia Montes sa kanilang relasyon ngayong kalat na kalat na sa social media ang mga larawan nilang makasama silang nagbakasyon sa Boracay. Limang pictures nina Coco at Julia ang naka-post sa socmed. Tatlong pictures ang ipinost ng isang @juliam.glow na patungo sa counter ang dalawa. Sumunod ang picture na nakatayo sa counter si Julia habang …

Read More »

Globe kaisa sa Global Recycling Day

BAHAGI na ng adbokasiya ng Globe na pangalagaan at proteksiyonan ang kapaligiran—sumali ang kompanya sa pandaigdigang kampanya sa pagre-recycle, tamang pagtatapon ng e-waste, pagpigil sa paggamit ng single-use plastic, at iba pang mga katulad na initiatiba kasabay ng pagdiriwang ng Global Recycling Day noong March 18. Inilunsad noong 2018, ang Global Recycling Day ay naglalayong makatulong na makilala at ipagdiwang ang mahalagang papel na …

Read More »

Live staging ng It’s Showtime, suspended

DAHIL sa pagtaas ng bilang ng mga nagpo-positibo sa Covid-19, kinansela muna ng ABS-CBN ang live staging ng kanilang noontime show na It’s Showtime. SA isang statement na ini-release nila noong Linggo, iginiit ng network na para matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga host at production team kasunod ang pagtaas ng bilang ng mga apektado ng COVID-19 cases sa bansa, wala munag live …

Read More »

Vin bilang bagong tatay — nakakapagod pero it’s the most rewarding thing

“MAS inspired ako ngayon.”  Ito ang sinabi ni Vin Abrenica sa digital story conference ng Nelia na pagbibidahan ni Winwyn Marquez handog ng A and Q Productions. Ang sagot ni Vin ay base sa tanong sa kanya ukol sa kung ano ang mga pagbabago sa kanya ngayong isa na siyang daddy. Ani Vin, mas inspired siya ngayong magtrabaho lalo’t limang araw pa lang nang magsilang …

Read More »

Vilma, Dingdong, pangungunahan ang maningning na 4th EDDYS

PANGUNGUNAHAN nina Batangas 6th District Representative at Star for All Seasons Vilma Santos at AKTOR Chairman of the Board Dingdong Dantes ang maningning na gabi ng parangal ng 4th The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa bago nitong streaming date sa April 4, Easter Sunday, 8:00 p.m., sa FDCP Channel (fdcpchannel.ph) at iba pang digital platforms. Si Rep. Vi, na kauna-unahang EDDYS best …

Read More »

Ina hot mama, bumagay pa rin kay Paulo

NATUTUWA si Ina Raymundo na kahit may asawa at apat na anak na siya, nabibigyan pa rin ng magaganda at challenging role. Ang tinutukoy ni Ina ay ang iWant digital series na Ampalaya Chronicles: Me & Mrs. Cruz. Isang May-December affair na may kakaibang twist ang istorya ng Mr & Mrs Cruz na makakatambal niya ang young actor na si Paulo Angeles. Ani Ina sa isinagawang vitual …

Read More »

Grade 1 students, mga guro tinutulungan ng Globe sa distance learning

MAHIGIT 100 mag-aaral na Grade 1, mga magulang, at mga guro ang tinutulungan ng Globe na magkaroon ng internet connection para makasabay sa bagong pamamaraan ng pagtuturo na ipinapatupad ngayon sa lahat ng paaralan sa bansa. Nakikipagtulungan ang Globe sa Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI), ABS-CBN, at Mary’s Way Foundation sa pamamagitan ng Big Blue Hearts Campaign para mabigyan ng libreng internet access ang mga mag-aaral. Sa ilalim …

Read More »

Diether ‘di iniwan ang showbiz, abala sa pagpipiloto

ITINANGGI ni Diether Ocampo na iniwan niya ang showbiz. Sa virtual mediacon ng Huwag Kang Mangamba, iginiit ng actor na hindi siya nawala sa showbiz. Taong 2013 pa ang huling teleseryeng ginawa ng actor, ang Apoy Sa Dagat at sinabing naging abala lamang siya sa mga ilang bagay. Kaya naman nagpapasalamat siya kina Deo Endrinal at Rondell Lindayag ng Dreamscape Entertainment sa pagkakasama sa kanya sa proyektong ito na …

Read More »

Gardo sa Biyernes Santo — puwedeng isabay sa Hollywood

NAPAPANAHON ang bagong handog na pelikula ng Viva Films, ang Biyernes Santo na nagtatampok kina Ella Cruz, Gardo Versoza, Mark Anthony Fernandez, Andrea Del Rosario, at Via Ortega na idinirehe ni Pedring A. Lopez. Ang Biyernes Santo ay ukol kay Roy Asuncion (Gardo), isang dating senador na dinala ang kanyang traumatized na anak na si Aurora (Via) sa isang rest house sa probinsiya para sa Semana Santa at ito …

Read More »