Thursday , May 26 2022
Angel Locsin Leni Robredo

Angel ipinasa ang ‘bato’ ni Darna kay VP Leni; nagpaka-fan girl pa

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ANIMO’Y simpleng tao at ‘di sikat na nagtatalon sa isinagawang rally sa Pasig noong Linggo  si Angel Locsinpara kay Vice President Leni Robredo.

Talagang napatili si Angelnang mapansin ng presidential aspirant ang ginawa niyang placard na may nakasulat na, “Ma’am Leni! Sayo na ang bato!” Nagpaka-fan girl ‘ika nga si Angel nang makaharap niya nang personal si VP Leni sa campaign rally.

Agad nag-viral sa social media ang video ng pagsigaw ni Angel. Ito ‘yung  lumapit sa kanya si VP Leni at nasabi nito paulit-ulit ang, “Oh, my God!!! Oh, my God!!!”

Ipinagmalaki rin ni Angel ang nangyaring iyon kaya naman ipinost niya rin agad sa kanyang official Facebookaccount ang mga naging mga kaganapan sa pagsugod niya sa tinaguriang People’s Rally.

Napansin yung project kong inabot ng 3am (laughing emoji). Thank you po Ma’am @bise_leni @aikarobredo @jpgrobredo at mga kuya marshals.

“Sabi ng asawa ko ‘tama na, tama na….’ nu’ng nagsisigaw ako. Tapos hinila na ako palayo, LOL,” pahayag pa ni Angel.

Ipinakita ng misis ni Neil Arce ang ginawang placard na ilang oras nga niyang kinarir. Ang“bato” na sinabi ni Angel ay ang mahiwagang bato na isinusubo ni Narda para maging si Darna na unang sumikat sa komiks na nilikha ni Mars Ravelo.

Hindi lang sa telebisyon nagiging Darna si Angel, maging sa totoong buhay, itinuturing siyang  Darna ng publiko dahil sa walang tigil niyang pagtulong sa ating mga kababayan na biktima ng sakuna at trahedya. 

Samantala, ilang rock bands, pop artists, actors at celebrities ang nakiisa sa libo-libong nag-rally para kina VP Leni at Sen. Francis Pangilinan.

Ilan pa sa nagbigay-saya at sumuporta sa Leni-Kiko tandem sina Donny Pangilinan na umawit ng Ikaw Lang Ang Aking Mahal ng Brownman Revival at nagbigay ng mensahe para sa kanyang Tito Kiko.

“Noong bata pa ako nakita ko na, na mahal niya talaga ang mga magsasaka at mga mangingisda and I’m speaking from the heart, nandoon ang puso niya sa mga Filipino kaya sabi ko sa kanya, Tito, I will support you all the way,” sambit ni Donny. 

Inawit din ng Ben&Ben ang bago nilang kantang Sabel, gayundin ang Pagtingin,   Kapangyarihan at Araw-Araw.

Nakipag-duet naman si Jolina Magdangal sa Rivermaya.

Dumalo rin sa rally sina Kokoy De Santos at Elijah Canlas samantalang nagsilbing host sina Melai Cantiveros, Julia Barretto, at Robi Domingo.

Naging top trending topic sa Twitter noong Sunday at nakakuha ang livestream nito ng 3.1 million views sa Facebook at 380,000 views naman sa YouTube.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Blind Item, Man Leaving Sad Woman, magandang aktres

Male star kompirmadong gurl

HATAWANni Ed de Leon “KUNG hindi siya bading, bakit siya ‘nag-land of the morning’ noong …

Joshua Garcia Trina Guytingco

Joshua nilinaw ‘di niya syota si Trina Guytingco

HATAWANni Ed de Leon NILINAW ni Joshua Garcia na hindi niya syota kundi tinukso lang sila ni Trina …

Angeli Khang Sharon Cuneta

Sorry Sharon mas feel na ng netizens si Angeli Khang

HATAWANni Ed de Leon MARAMING observers ang nagsasabi, iyon daw nakaraang eleksiyon ay sobrang maraming …

Rhea Tan Marian Rivera Beautéderm Home

Marian budol ng buhay ko; Pinayaman pa niya ako — Rhea Anicoche Tan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SA apat na taong pagiging endorser ni Marian Rivera-Dantes ng Beautederm Home lumalim na …

Rhea Anicoche Tan Marian Rivera Dantes Beautéderm Home

Beautéderm Home at Marian Rivera-Dantes, solid na solid pa rin!

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ENGRANDENG pagdiriwang ng pagmamahalan at pagkakaibigan and idinaos ng Beautéderm Home …