Saturday , May 28 2022
Rhea Tan Bea Alonzo Beautederm

Bea isinusulong optimum digestive health ng Beautéderm Reiko Slimaxine at Reiko Fitox

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

IPINADIRIWANG ng Beautéderm Corporation ang huling bahagi ng unang quarter ng 2022 dahil sa isang malaking milestone sa pagsalubong nito kay Bea Alonzo bilang opisyal na brand ambassador ng Beautéderm REIKO Slimaxine at REIKO Fitox.

Ang REIKO Slimaxine at REIKO Fitox ng Beautéderm ay Japan-made, 100% safe, epektibo, FDA-compliant, at mga all-natural na supplements. Ang REIKO Slimaxine ay isang Diet Enhancer habang ang REIKO Fitox naman ay isang Digestion Enhancer – na parehong masusing nilkha upang makapagbigay ng daily optimum digestive wellness na tumutulong palakasin ang overall wellbeing ng bawat indibidwal lalo na ngayon na mahirap ang buhay at ang magandang pamumuhay ay binibigyang kahulugan ng holistically sound physical, emotional, at mental conditions.

Mahalaga ang digestion dahil kailangan ng katawan ng nutrients upang gumana ito ng maayos at manatiling malusog. Ang REIKO Slimaxine at REIKO Fitox ng Beautéderm ay parehong meticulously developed and formulated upang matulungan ang katawan para magkaroon ng optimum digestive health. Ang kombinasyon ng dalawang supplements na ito ay nakatutulong upang ma-regulate ang pagpasok ng unhealthy food sa katawan at tinutulungan din nito ang sikmura sa absorption ng nutrients na distributed evenly sa katawan while allowing the consumption at digestion ng pagkain ng walang discomfort. Ang malusog na sikmura ay mayroong good bacteria at immune cells na nakatutulong sa pag-iwas sa mga infectious agents gaya ng viruses at fungi.

Bilang isa sa pinaka-accomplished at respetadong aktres ng industriya ngayon, nagbida si Bea sa consistent string ng mga blockbuster films at top-rating primetime TV series. Isa siya sa pinaka-abalang artista sa showbiz. Sa kanyang illustrious career na dalawang dekada na ang itinatakbo, nakuha ni Bea ang respeto at kredibilidad na siyang dahilan kung bakit siya ay isang top celebrity endorser.

Binabalanse ni Bea ang kanyang personal na buhay at trabaho at isa siyang self-confessed foodie. Ginagantimpalaan niya ang kanyang sarili ng masasarap na pagkain habang pinananatili niya ang isang active lifestyle upang mapangalagaan niya ang kanyang katawan at isip.

“Perfect na digestive supplements para sa akin ang REIKO Slimaxine at REIKO Fitox ng Beautéderm because aside from being all-natural they help me in eating right at the right time while aiding my stomach to break down the food while strengthening my gut,” ayon kay Bea. “Para sa isang very health conscious na katulad ko, perfect combination ang REIKO Slimaxine at REIKO Fitox sa pag- maintain ng isang healthy lifestyle. Kailangan kong maging malusog dahil para sa akin true beauté is really loving and taking care of myself first, and then I could extend that love and care to others.”

Ang President at CEO naman ng Beautéderm na si Rhea Anicoche-Tan ay naniniwala na si Bea ang best ambassador na kakatawan sa REIKO Slimaxine at REIKO Fitox ng Beautéderm. “Inspirasyon si Bea dahil she always see to it that she takes care of herself kahit na very hectic ang schedule niya,” pahayag ni Rhea. “Focused at humble si Bea at alam niya ang kanyang mga prioridad. Masaya ako dahil sinisiguro ni Bea na nananatili siyang malusog dahil for the past two years, natutunan natin ang value ng good health. I proudly welcome her as the official brand ambassador ng REIKO Slimaxine at REIKO Fitox ng Beautéderm.”

Totoo nga talaga na ang tunay na kagandahan ay ang pagmamahal sa sarili at ang malusog na pangangatawan ang susi sa isang mahaba at maligayang buhay. Ang REIKO Slimaxine at REIKO Fitox ng Beautéderm ang best partners sa pagtamasa ng mga benepisyo ng isang malusog na sikmura.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa REIKO Slimaxine at REIKO Fitox ng Beautéderm at pati na rin sa mga kapana-panabik na mga balita tungkol kay Bea Alonzo, sundan ang @beautédermcorporation sa Instagram at TikTok; sundan ang @bdhealthboosters sa Instagram; sundan ang @beautedermcorp sa Twitter; i-like ang Beautéderm sa Facebook; at mag-subscribe sa Beautéderm TV sa YouTube.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Kathryn Bernardo Family

Kathryn Bernardo ambassador na ng Biogesic

IKINASIYA at ikinakilig ni Kathryn Bernardo ang pagiging health ambassador ng pinaka-pinagkakatiwalaang brand para sa sakit ng …

Marian Rivera Rhea Tan Bea Alonzo Beautederm

Ms. Rhea Tan super-kilig na may Marian na, may Bea pang endorsers ang Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO angPresident at CEO ng Beautéderm na si Ms. Rhea …

Xian Lim Barbie Imperial

Xian nagpaliwanag sa kumakalat nilang litrato ni Barbie 

MA at PAni Rommel Placente BINIGYANG linaw ni Xian Lim sa interbyu sa kanya ng pep.ph ang pang-iintriga sa kanila ni Barbie Imperial dahil sa kumalat na litrato nila habang nasa lobby ng isang …

Vince Tañada Ang Bangkay

Vince umaasang maisasali sa mga filmfest abroad ang Ang Bangkay

HARD TALKni Pilar Mateo SINO Ang Bangkay!  Si Don Segismundo Corintho, ang biyudong embalsamador. Na ginagampanan ni Vince …

Kris Aquino Lolit Solis

Lolit Solis naiyak sa sulat ni Kris Aquino

MA at PAni Rommel Placente SABI ni Lolit Solis noong kaarawan niya, May 20, nagpadala sa kanya …