Wednesday , May 25 2022
Leni Robredo Monsour del Rosario Ping Lacson

Monsour nagpahayag ng suporta kay VP Leni; Pagbibitiw ni Sen Ping iginagalang

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

“IGINAGALANG ko ang desisyon ni Sen. Ping Lacson na magbitiw sa Partido Reporma.” Ito ang inihayag ni Monsour del Rosario kasunod ng pagbibitiw ni Presidential candidate Sen. Ping Lacson bilang chairman at miyembro ng Partido ng Demokratikong Reporma.

Ani Monsour, “Siya (Sen. Ping) ay isang mabuting tao na may tapat na puso at taospusong hangarin na maglingkod sa sambayanang Filipino. Naniniwala ako na marami pa siyang magagawang mabuti para sa ating bansa, at ang aking kahilingan para sa kanya ay pawang kabutihan lamang.”

At tulad ni Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez, na nagpasyang mag-endoso ng ibang presidential candidate, ineendoso ni senatorial candidate Monsour si VP Leni Robredo. 

“Ngayon, ibinibigay ko ang aking suporta sa ating kagalang-galang na Bise Presidente Leni Robredo sa kanyang hangarin na maging susunod na Pangulo ng Pilipinas. 

“Naniniwala ako na ang kanyang misyon upang baguhin at iangat ang bansa ay naaayon sa sarili kong kagustuhan para magkaroon ng tunay na pagbabago sa buhay ng ordinaryong Filipino, lalo na ang mga napabayaan ng mga nakaraang administrasyon.”

Sinabi pa ni Monsour na, “dalangin ko na ang aming pananaw na makita ang isang mas magandang Pilipinas at mas magandang kalagayan ng pamumuhay para sa bawat Filipino – lalaki man, babae, o bata – ay maisakatuparan. Umaasa ako na anuman ang resulta ng halalan sa Mayo 9 ay magiging simula ng tunay na pag-unlad na patas at kaakibat ang lahat.”

Tuloy pa rin ang pagtakbo ni Monsour bilang senador sa ilalim ng Partido Reporma.

“Tungkol naman sa aking kandidatura, diringgin ko ang salita ni dating Pangulong Manuel L. Quezon: ‘Ang aking katapatan sa alinmang paksyon ay nagtatapos kung saan nagsisimula ang aking katapatan sa bayan.’

“At ngayon ay narito ako upang sagutin ang panawagan ng bansa para sa pagkakaisa at makiisa sa kilusan para sa tunay na pagkakaisa,” giit pa ng aktor/politiko.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Senate Congress Comelec Election Certificates of Canvass

NBoC panel sa senado kompleto na

BUO na ang hanay ng mga senador para sa pitong-miyembrong panel ng bicameral National Board …

Lovi Poe Susan Roces

Lovi sa pagkawala ni Manang Inday — truly lost a gem

I-FLEXni Jun Nardo NAGBIGAY-PUGAY si Lovi Poe sa pumanaw na si Susan Roces.  Mabigat ang puso niya sa …

Loisa Andalio Ronnie Alonbte Loinie

LoiNie ipon muna bago engagement  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio IPAGDIRIWANG na nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte ang kanilang 6th anniversarysa November pero …

Susan Roces

Susan Roces bahagi ng showbiz era na sa kanila lang

HATAWANni Ed de Leon BATA pa lamang ang yumaong movie queen na si Susan Roces ay talagang …

Binondo Intramuros bridge

Binondo-Intramuros bridge panalo sa ganda

I-FLEXni Jun Nardo WINNER ng bagong Binondo-Intramuros bridge na nagkaroon ng inagurasyon nitong nakaraang araw. …