PATAY ang isang 23-anyos Psychology student makaraan tumalon mula sa ikaapat palapag ng hotel na pinaglilingkuran ng kanyang ina kamakalawa ng hapon sa Ermita, Maynila. Ayon sa ulat, nangyari ang insidente makaraan bumagsak ang biktimang si Joanna Gaytona, ng 160 Guzman St., Quiapo, Maynila, sa licensure examination ng Professional Regulations Commission (PRC). Nabatid mula kay Supt. Albert Barot, station commander …
Read More »Sampaguita vendor, 1 pa patay sa buy-bust
PATAY ang isang sampaguita vendor at kanyang live-in partner na hinihinalang tulak ng shabu, makaraan lumaban sa mga awtoridad sa buy-bust operation sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga biktimang sina Zaldy Alvarez, 50, at Gloria de Guia, 40, kapwa residente ng Aleda Street, Brgy. 226, Zone 21, Tondo, Maynila. Ayon sa pulisya, ang mga biktima ay kasama …
Read More »Status quo ante order pinalawig (Sa Marcos burial)
MULING pinalawig ng Supreme Court (SC) ang status quo ante order sa planong paghihimlay sa labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Ayon kay SC spokesperson, Atty. Theodore Te, nagpasya ang mga mahistrado na muling palawigin hanggang Nobyembre 8 ang status quo ante order para sa Marcos burial. Aniya, kamakalawa pa lamang umikot sa mga mahistrado …
Read More »Sasakyan ng security ni Sec. Aguirre binaril
BINARIL ang sasakyan ng close in security ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre. Taliwas sa unang impormasyon, nilinaw ni Justice Undersecretary Erickson Balmes, hindi ang bahay ni Aguirre ang binaril kundi ang pribadong sasakyan ni Senior Inspector Recaredo Sarmiento Marasigan. Nagmamaneho sa expressway si Marasigan nang maramdaman niya na may tumama sa kanyang sasakyan. Inakala niyang may bumato lamang sa kanyang …
Read More »Sekyu itinumba sa Tondo
PATAY ang isang security guard makaraan barilin ng hindi nakilalang lalaki habang naglalakad kasama ng asawa’t anak sa Tondo, Maynila kamakalawa. Binawian ng buhay habang dinadala sa Justice Jose Abad Santos General Hospital ang biktimang si Ariel Rosales, 22, residente ng 39 Gate 12, Parola Compound, Tondo. Sa imbestigasyon ni PO3 Marlon San Pedro, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against …
Read More »Trike driver utas sa tandem
PATAY ang isang tricycle driver na hinihinalang sangkot sa droga, makaraan pagbabarilin ng mga suspek na lulan ng motorsiklo kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila. Kinilala ang biktimang si John Leary Edlagan, 28, residente ng Maginoo St., Tondo, Maynila. Ayon kay SPO3 Milbert Balinggan, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 3:43 am ipinapasada ng biktima …
Read More »Bilibid inmate na tipster isinugod sa ospital
MAKARAAN mapaulat ang sinasabing pagbibigay ni Raymond Dominguez ng tip kaugnay sa natagpuang 10 kilo ng shabu sa Pampanga, dinala sa ospital Bilibid inmate. Kinompirma ito ni Bureau of Corrections Officer in Charge Rolando Asuncion base sa natanggap niyang impormasyon mula sa pamunuan ng New Bilibid Prison (NBP). Ayon kay Asuncion, nasa NBP Hospital si Dominguez at hindi makausap. Ngunit …
Read More »Helper patay sa saksak ng tomboy
PATAY ang isang 21-anyos helper nang saksakin ng isang tomboy makaraan umawat sa away sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot nang buhay sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si Jhaymar Diaz, 21, residente sa Gate 16, Area D, Parola Compound, Tondo, Maynila Habang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na kinilala lamang sa alyas …
Read More »4 adik utas sa drug ops sa pot session (Pulis sugatan)
PATAY ang apat hinihinalang adik sa droga nang lumaban sa mga awtoridad makaraan maaktohan habang nagpa-pot sesstion sa Malate, Maynila kahapon ng madaling-araw. Hindi pa nakikilala ang mga napatay na tinatayang may gulang na 25 hanggang 30-anyos at may mga tattoo sa kanilang katawan. Samantala, masuwerteng nasaktan lamang at nakaligtas sa tiyak na kamatayan si Arellano Police Community Precinct (PCP) …
Read More »39 preso, 4 jailguards sugatan sa riot (Sa Manila City Jail)
SUGATAN ang 39 preso at apat jailguards nang maglunsad ng noise barrage na nauwi sa riot sa loob ng Manila City Jail sa Sta. Cruz, Maynila kahapon. Ayon sa ulat, nagsagawa ng noise barrage ang mga preso sa Dorms 9 at 10 ng Batang City Jail upang igiit na palitan si jail warden Supt. Gerald Bantag dahil hindi nila gusto …
Read More »De Lima ‘mother of all drug lords’ — 2 ex-NBI off’ls
SINAMPAHAN ng kaso sa Deparment of Justice (DoJ) ng dalawang dating opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) sina Senador Leila De Lima at dating NBI Deputy Director Rafael Ragos ng paglabag sa Section 5 ng RA 9165 (Dangerous Drugs Act ). Personal na pinanumpaan sa DoJ nina dating NBI deputy directors Reynaldo Esmeralda at Ruel Lasala ang kanilang reklamo …
Read More »Tulak na holdaper todas sa buy-bust
PATAY ang isang 34-anyos lalaking hininilalang tulak ng droga at holdaper nang lumaban sa mga pulis sa buy-bust operation sa Sta. Cruz, Maynila kahapon. Agad binawian ng buhay si Ronaldo Zulueta y Pelayo, alyas Chokoy, ng 1281 Tambunting St., Sta. Cruz. Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Lester Evangelista ng Manila Police District Homicide Section, dakong 10:40 am sa Tambunting St., …
Read More »2 tulak todas, 4 arestado sa buy-bust
PATAY ang dalawang lalaking hinihinalang drug pusher makaraan makipagpalitan ng putok sa buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Tondo, Maynila. Kinilala ang mga napatay na sina Erick Santos, residente ng 741 S. Trinidad Street, Tondo, Maynila, at Armando Reyes, 28, delivery boy, residente ng 651 Villa Fojas Street, Gagalangin, Tondo, Manila. Habang arestado sa nasabing operasyon sina Joseph Alceso, …
Read More »De Lima, 8 pa inilagay ng DoJ sa lookout bulletin (Senadora walang balak umalis ng PH)
INILAGAY na sa lookout bulletin ng Department of Justice (DoJ) sina Senator Leila De Lima at walong iba pa dahil sa alegasyong pagkakasangkot sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NB). Bukod kay De Lima, kasama rin sa lookout bulletin sina dating Justice Undersecretary Francisco Baraan III, dating Bureau of Corrections (BuCor) Director Franklin Jesus Bucayu, Presidential Security Group …
Read More »5-anyos paslit niluray ng stepdad
KALABOSO ang isang 26-anyos stepfather makaraan ireklamo nang panggagahasa sa kanyang 5-anyos stepdaughter sa Sta. Cruz, Maynila. Kasong rape in relation to Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse law ang isinampa laban sa suspek na si Godfrey Calag, self-employed at residente ng Street 30, Manila North Cemetery, Blumentritt Street, Sta. Cruz. Ayon sa lola ng biktima, iniwan sa kanya ang …
Read More »Lady rider sugatan sa saksak ng 2 bagets
SUGATAN ang isang 21-anyos babaeng motorcycle rider makaraan saksakin ng dalawang binatilyo na humarang sa kanya sa madilim na bahagi ng Tondo, Maynila kamakalawa. Nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center ang biktimang si Ria Rose Flores, garment worker, residente sa Guillermo St., San Rafael Village, Navotas City, habang pinaghahanap ng mga awtoridad ang dalawang suspek na hindi pa nakikilala. …
Read More »Sa food stand Kelot pinatayan ng ilaw, nanaksak
SUGATAN ang isang 29-anyos food stand helper makaraan saksakin ng lalaking pinatayan niya ng ilaw habang nakikipag-inoman sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw. Nilalapatan ng lunas sa Gat Andres Bonifacio Medical Center ang biktimang si Charlie Mendoza, residente sa Wagas St., Tondo, Maynila. Mabilis na tumakas ang suspek na si alyas Jepoy makaraan ang insidente. Ayon sa imbestigasyon ni SPO3 …
Read More »Drug pusher binoga habang natutulog
TULUYAN nang hindi nagising sa kanyang mahimbing na pagtulog ang isang 34-anyos hinihinalang drug pusher makaraan barilin ng hindi nakilalang lalaki sa loob ng kanyang bahay sa Sta. Ana, Maynila kahapon ng umaga. Kinilala ang biktimang si Fabie de Asis, 34, residente sa Road 15, Fabie Estate, Sta. Ana,Maynila. Sa imbestigasyon ni SPO2 Jonathan Bautista, dakong 5:40 am nang maganap …
Read More »2 drug user patay sa buy-bust ops
PATAY ang dalawang lalaking hinihinalang gumagamit ng illegal na droga makaraan lumaban sa buy-bust operation ng mga pulis sa Quiapo, Maynila dakong 10:30 am kahapon. Kinilala ang mga napatay sa alyas na Jerome at Jun Tausug, kapwa residente ng Concepcion Aguila St., Quiapo. Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Bernardo Cayabyab, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), …
Read More »Tserman, 6 pa patay sa Quiapo drug raid (263 kalalakihan inaresto)
PATAY ang pito katao, kabilang ang barangay chairman, makaraan ang inilunsad na anti-illegal drug operation sa Quiapo, Maynila kahapon. Kabilang sa mga napatay sina Barangay 648 Chairman Nohg Faiz Macabato, may P1 milyon patong sa ulo, Kagawad Malic Bayantol, Gaus Macabato, at apat hindi pa nakikilalang kalalakihan, isinugod sa Justice Jose Abad Santos General Hospital ngunit pawang idineklarang dead on …
Read More »1 patay, 50 arestado sa drug ops sa Port Area
PATAY ang isang hindi nakilalang drug suspect sa Port Area, Maynila sa operasyon ng mga awtoridad kahapon. Kasabay nito, 50 katao ang inimbitahan ng mga tauhan ng MPD Station 5 para imbestigahan. Ayon kay Supt. Albert Barot ng MPD, isa sa mga hinuli nila ay aktibong tauhan ng PCG na may dalang baril. ( LEONARD BASILIO )
Read More »Grade 9 student tiklo sa carnapping (Malapit sa Malacañang)
ARESTADO ang isang Grade 9 student ng Ramon Avanceña High School makaraan tangkang tangayin ang isang Honda scooter na nakaparada sa Dentistry Science Building ng Centro Escolar University sa Concepcion Aguila St., malapit sa panulukan ng Rafael St., San Miguel, Maynila, kamakalawa ng umaga. Nasa kustodiya na ng Manila Police District-Anti- Carnapping Section ang suspek na si Juhary Casan, alyas …
Read More »Dalagita pinilahan ng 6 binatilyo sa sementeryo
HALINHINANG ginahasa ng anim binatilyo ang isang dalagita sa ibabaw ng nitso sa loob ng Manila North Cemetery kamakalawa ng gabi. Agad nagtungo sa tanggapan ng Manila Police District (MPD) – Women and Children’s Protection Unit, ang 16-anyos dalagita upang ireklamo ang panghahalagay sa kanya ng anim suspek na pawang menor de edad. Ayon sa biktma, naganap ang insidente kamakalawa …
Read More »Barker todas sa hampas ng tubo sa mukha
PATAY ang isang barker makaraan hampasin nang maraming beses ng tubo sa mukha sa Tondo, Maynila kahapon kahapon ng madaling araw. Sa imbestigasyon ni SPO3 Paul Vincent Barbosa II ng Manila Police District (MPD)-Moriones Tondo Police Station, kinilala ang biktima sa alyas Oca, 50-55 anyos. Ayon sa isang saksi, dakong 2:07 am nakita niya ang hindi nakilalang lalaki na lumapit …
Read More »Bala para sa dyowa sinalo, helper kritikal
KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 17-anyos canteen helper makaraan tamaan ng bala ng baril na ipinaputok ng isang lasing na lalaki na kaaway ng kanyang live-in partner kahapon ng madaling-araw sa Port Area, Maynila. Nilalapatan ng lunas sa Gat Andres Bonifacio Medical Center ang biktimang si Robelyn Canda, residente ng Block 1, Dubai, Baseco Compound, Port Area, tinamaan …
Read More »