I-FLEX ni Jun Nardo MANAGEMENT contract ang nakatakdang pirmahan ni Pokwang sa Kapuso Network. Pinaplantsa na lang ang ibang detalye ayon sa aming source. So hindi lang per project ang contract ni Pokie sa GMA. Ang GMA Artist Center na ang magma-manage sa kanyang career. Sure ball nang hindi mawawalan ng project si Pokwang sa GMA dahil ang Artist Center na nito ang hahawak sa …
Read More »Regalong lechon ni Kiray sa ina may lamang P56K
I-FLEX ni Jun Nardo BONGGANG anak talaga si Kiray Celis! Paano naman kasi, pinaligaya ni Kiray ang kanyang ina sa 56th birthday celebration nito, huh! Isang lechon ang iniregalo ni Kiray sa ina. Pero ang nakagugulat, aba, may lamang P56K sa loob ng lechon bilang dagdag regalo ng komedyana, huh! “56K kasi 56 years old na si mama. Kabog tong lechon money …
Read More »Alfred time-out muna sa politika
I-FLEX ni Jun Nardo KUMAWALA muna sa mundo ng politika si Congressman Alfred Vargas. Tinaggap niya ang special guesting sa coming Kapuso series na Legal Wives. Gaganap si Alfred bilang si Naseer na kapatid ng bidang lalaki na si Dennis Trillo. Asawa si Alfred ni Alice Dixson na mapapangasawa rin ni Dennis. Sa litratong ipinost ng actor-politician sa Instagram ng kanilang lock-in taping, kapansin-pansin ang magandang bonding ng cast …
Read More »Kampo ng Voltes V kasinglaki ng apat na basketball court
I-FLEX ni Jun Nardo DALAWANG malaking series ang handog ng GMA Network sa mga susunod na buwan. Ipinasilip na ang mga ito sa 24 Oras at sa social media. Una rito ang dambuhalang adventure serye na Lolong. Bida rito si Ruru Madrid pero ang malaking atraksiyon sa series ay ang presence ng dambuhalang buwaya, huh! Ipinasilip naman ni direk Mark Reyes ang set ng dalawang magkaaway na kampo sa Voltes …
Read More »John Lloyd sa sitcom ng GMA mapapanood
I-FLEX ni Jun Nardo WALA nang urungan ang pagbabalik-telebisyon ni John Lloyd Cruz but this time, sa GMA Network siya mapapanood. Kumakalat na sa social media ang picture ni John Lloyd kasama sina Willie Revillame at Direk Bobot Mortiz. Sa isang anunsiyo ni Willie, mapapanood si Lloydie sa Kapuso Network kasama si Willie. Ayon sa reports, isa itong sitcom na si Willie ang producer at magiging parte rin ng …
Read More »Rain, Colline, Vienna, at Oxyl magbabakbakan sa Linggo
I-FLEX ni Jun Nardo NIREGALUHAN ng lap top ang apat na grand finalists ng kiddie singing search ng GMA na Centerstage. Tuwang-tuwa siyempre ang apat na grand finalist na sina Rain Barquin, Colline Salaza, Vienna Ricafranca, at Oxyl Dolorito dahil magagamit nila ito sa kanilang online school. Sa Linggo, Hunyo 6 malalaman kung sino sa apat na grand finalists ang matitirang Top 2. Iri-reveal ang desisyon …
Read More »Dream vacation house sa Tagaytay isusunod ni Rocco
NAKABILI ng lote sa Tagaytay City ang mag-asawang Rocco Nacino at Melissa Gohing. Dito nila ipatatayo ang kanilang dream vacation house. Nitong January 20, 2021 ikinasal sa isang military style wedding sina Rocco at Melissa. Bago sila nagpakasal, naipatayo na ni Rocco ang kanilang love nest. Patunay ang bahay at dream vacation house na marunong humawak ng pera si Rocco. Siniguro niyang …
Read More »Ai Ai takot na takot habang nagpapa-vaccine
BAKUNADA na si Ai Ai de las Alas laban sa COVID-19. Nakadama siya ng takot habang itinuturok ang karayom. “1st dose—hindi tinitingnan haha kaloka shokot wala naman pala wala akong naramdaman hehehe…tnx LORD may 1st dose na kami ni darl #covidvaccine #istodsepfizzer,” caption ni Ai Ai sa litrato at certificate na vaccinated na siya. Nasa Amerika ngayon si Ai Ai para i-renew ang kanyang green …
Read More »John Lloyd Cruz sumilip sa commercial shoot ni Willie
DINADAMA muli ni John Lloyd Cruz ang pagbabalik niya sa showbiz. Ibinalita ni Willie Revillame sa Kapuso show niyang Tutok To Win na isa si John Lloyd sa bumisita sa shoot ng TV commercial ng sikat na online shopping site. Ang director kasi ng TVC ay si Cathy Garcia Molina. May balita na sa comeback movie ni JLC ay si direk Cathy ang director. Kasamang bumisita …
Read More »Ai Ai takot sumailalim sa surrogacy method sa US
WALA sa plano ni Ai Ai de las Alas ang sumailalim sa surrogacy method ng pagbubuntis sa pagpunta niya sa Amerika next week. “Wala. Hindi kasama sa plano ko ‘yon. Nakakatakot pa. May pandemic pa,” tugon ni Ai Ai sa aming tanong. Nagkaroon kamailan ng virtual presscon si Ai Ai kaugnay ng launching ng bago niyang single na Siomai (What) under Viva Records. Pupunta sa Amerika …
Read More »Kasal nina Laura at Von itinago
INILANTAD ni former Miss World Philippines Laura Lehmann at basketball player Von Pessumal ang kanilang kasal. Naka-flex sa Instagram ni Laura ang simpleng wedding photos nila ni Von. May caption itong, ”Eloped.” Bawi niya, ”Quietly got married earlier this year. And now, I want to spend the rest of my life by making you as happy as you make me. “I love you so much @von19. This was the …
Read More »Janno ‘hirap’ makasulat ng kanta
NAKARANAS ng tinatawag na writer’s block si Janno Gibbs kaya ngayon lang siya nakakumpleto ng isang kantang swak sa panahon ngayon. Ito ay ang latest single niyang Pagmalakasan under Viva Records matapos matengga ng mahigit isang dekada sa recording scene. “Marami akong kantang nasimulan. Pero hindi ko matapos-tapos. Ito lang ‘Pangmalakasan’ ang natapos ko. “Hindi ito the usual hugot song. Funky and upbeat. Pero nandoon …
Read More »Ai Ai sa US magpapa-vaccine: Pagpapabakuna ni Manilyn naging fans day
SUPER-FLEX si Sharon Cuneta sa kanyang Instagram na nabakunahan na siya laban sa COVID-19. Nasa Los Angeles, California si Sharon ngayon. Ang vaccine na Moderna ang naiturok sa kanya na ipinost niya sa kanyang Instagram. Nagmistulang fans day naman nang magpabakuna si Manilyn Reynes sa isang vaccine center kamakailan. Todo pa-picture ang mga tao sa kanya nang natiyempuhan ang pagbabakuna niya. Naging maingat naman si …
Read More »Christian at Julie Anne bibida sa online musical series
BIBIDA sa isang online musical series sina Julie Anne San Jose at Christian Bautista. Ito ay ang Still: A Viu original narrative series na tiyak na aabangan ng OPM fans at music enthusiasts sa bansa. Kasama nina Julie Anne at Christian ang theater at music icon na si Bituin Escalante at Philippine Theater Princess Gab Pangilinan. Halos lahat na lang ng hindi puwede sa concert venues eh …
Read More »Sitcom nina Vic at Maine tuloy kahit may pandemic
NAIRAOS na ng Kapuso weekly sitcom na Daddy’s Gurl ang 100th episode nito last Saturday. Aba, big achievement ito para sa main cast na sina Vic Sotto at Maine Mendoza sa gitna ng kasalukuyang pandemic dala ng Corona virus, huh. Kahit virtual ang taping ng episodes, nairaraos pa rin ng lahat ng involved sa sitcom ang kada episode. Malaking tulong ang bagong technology upang magpatuloy pa …
Read More »Alden at Jasmine may pambawi sa fans
TINUGUNAN ng GMA Network ang pagkabitin ng followers nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith sa huli nilang pagsasama sa Kapuso mini-series na I Can See You. Sa muling pagsasama nina Alden at Jasmine sa bagong GMA series na I Can See You; Love At The Balcony, bitin na bitin sila sa tambalan ng dalawa. Kaya naman hinding-hindi na mabibitin ang followers nila dahil isang season na silang mapapanood …
Read More »Ruffa G balik-eskuwela — I want to set a good example for my children
BALIK-ESKUWELA ang TV host-actress na si Ruffa Gutierrez. Ibinahagi ni Ruffa sa Twitter account ang balitang enrolled siya ngayon sa Philippine Women’s University sa kursong Bachelor of Arts major in Communication Arts sa ilalim ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP). “After 34 years of working in the entertainment industry, I have chosen to further my education. Not only do I …
Read More »Rita at Ken G na G sa kanilang intimate scenes
WALANG takot sina Rita Daniela at Ken Chan sa pagsalang sa kanilang intimate scenes sa coming Kapuso series nilang Ang Dalawang Ikaw. Mag-asawa kasi ang role nilang dalawa. Si Rita pa ang nagsabi kay Ken na ipatong ang legs sa katawan, then, buhatin at ihagis. “Sobrang nakatutuwa lang. Very mature ang role namin. Kailangang ipakita namin ang buhay may asawa,” saad ni Rita. Bukod sa problemang …
Read More »Alice Dixson ipinakilala na ang anak; laki ng gastos para magkaanak ‘di ininda
INGGIT much ang may edad nang kababaihan sa pagkakaroon ngayon ng anak ng Kapuso artist na si Alice Dixson. Imagine, sa edad na 51, mayroon na silang anak ng husband niyang foreigner, huh! Hindi na puwedeng magbuntis si Alice sa edad niya. Sa pamamagitan ng surrogacy method ay nagkaroon siya ng anak. Ayon sa Google, ”Surrogacy is an arrangement, often supported by a legal …
Read More »Rabiya nag-sorry kina Miss Canada at Miss Thailand
PERSONAL na humingi ng sorry ang Miss Universe bet natin na si Rabiya Mateo kina Miss Canada at Miss Thailand dahil sa batikos na natatanggap nila sa mga Filipino. “I really feel sorry,” saad ni Rabiya ayon sa reports. Nag-post si Miss Canada Nova Stevens sa kanyang Instagram ng ilang screenshots ng mensahe na Tagalog sa pambu-bully sa race niya. Parehong South Sudanese ang parents niya at ipinanganak siya sa …
Read More »Kapuso kiddie singing competition balik na sa Linggo
TAPOS na ang tatlong linggong pahinga sa ere ng Kapuso kiddie singing competition na Centerstage. Magbabalik na ang reality singing contest ngayong Linggo, Mayo 9! May kinalaman ang pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa kaya natengga muna ang lahat ng involved sa programa tulad ng mga batang contestants, judges, at host na si Alden Richards. Last April 11 ang episode ng programa …
Read More »Willie may pa-tribute kina Le Chazz at Kim Idol
LABIS na ikinalungkot ni Willie Revillame ang pagpanaw ng komedyanteng si Le Chazz o Richard Yuzon sa tunay na buhay. Eh sa kanyang Tutok To Win huling nag-guest last February si Le Chazz bago namatay. Sa kuwento ni Willie sa kanyang show nitong nakaraang mga araw, sinabi pa niyang sinulatan siya ni Le Chazz bago namatay. Bibigyang-tribute ni Willie sa kanyang show ngayong Friday ang komedyanteng …
Read More »Ai Ai ‘di kayang magtayo ng community pantry; tulong ididiretso sa simbahan
HINDI raw kaya ni Ai Ai de las Alas na tumulad sa mga artistang nagtatayo ng community pantry. May takot din kasi kay Ai Ai dahil baka maging dahilan ang pagtatayo ng pantry ay dumami ang mag-positive sa COVID-19. “Of course, alam naman natin na kapag magkakadikit, bawal ‘yon, ‘di ba? Kasi nagkakahawaan. Dapat hindi masyadong maraming tao,” rason ni Ai Ai sa …
Read More »Le Chazz ‘di pa alam ang sanhi ng pagkamatay
PUMANAW na ang komedyanteng si Le Chazz o Richard Yuzon sa tunay na buhay. Binawian siya ng buhay matapos ang kanyang 44th birthday last May. Wala pang detalye sa rason ng pagyao ng komedyante Magaling na singer at komedyante si Le Chazz ayon na rin sa nakakakilala sa kanya. Last February ay naging guest pa siya sa Tutok To Win ni Willie Revillame. Naksama niya sina Boobise at Petite sa …
Read More »GMA nakipag-team sa iQlyi int’l
BAGONG sorpresa ang hatid ng GMA Network sa mga Kapuso matapos nitong makipag-team sa isa sa leading entertainment streaming platforms sa buong mundo – iQlyi international. Mapapanood na sa iQlyi ang top rating GMA primetime series na First Yaya nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez pati na ang coming series na Legal Wives nina Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali. Nakalinya ring ipalabas ang Nagbabagang Luha ni Glaiza de Castro, Love You Stranger nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos. Ang mga …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com