Saturday , April 12 2025

Jun Nardo

Rayver at Rodjun, guests sa virtual concert ni Alden

PASOK bilang ilan sa guests ang music group na December Avenue at magkapatid na Rayver at Rodjun Cruz sa virtual concert ni Alden Richards na Alden’s Reality (AR) sa December 8. Bukod sa concert, may bagong kanta rin si Alden na handog niya sa kanyang fans mula sa GMA Music at FlipMusic Productions para sa kanyang 10th anniversary sa showbiz. Ito ang kauna-unahang virtual reality concert sa bansa at balita namin ay halos sold out …

Read More »

Lloydie, kinausap na ng Brighlight sa pagbabalik-showbiz 

BALIK-SHOWBIZ na si John Lloyd Cruz! Ayon ito sa post sa Instagram ng artist manager/entertainment columnist na si Manay Lolit Solis. Ang kausap ni Lloydie sa kanyang pagbabalik ay ang Brightlight Productions ng former representative na si Albee Benitez. Ang Brightlight ay isa sa blocktimers ngayon sa TV5. Ilan sa shows na co-produced naman nito ay ang sitcom na Oh My Dad, ang series na I Got You at noontime show na Lunch …

Read More »

Balik-eksena ng Bilangin… pasabog agad!

TWENTY-THREE days ang schedule ng lock-in taping ng Kapuso afternoon drama na Bilangin Ang Bituin sa Langit sa San Mateo, Rizal. Wala namang isyu ito kina Nora Aunor, Mylene Dizon, Kyline Alcantara at iba pang kasama sa cast. Sabik na rin kasi ang followers ng programa sa fresh episodes ng serye na natengga dahil sa lockdown na dulot ng Covid-19. Sa Disyembre babalik sa ere ang series …

Read More »

Pagsasamahang series nina Derek at Andrea, nanganganib na ‘di matuloy

CLUELESS din ang ilang executives ng GMA Entertainment Content Group sa dahilan ng hiwalayan ng showbiz couple na sina Derek Ramsay at Andrea Torres. Masasabi kasing short-lived ang romansa ng dalawa na nagsimula nang maging pareha sila sa Kapuso series na The Better Woman. Gumawa pa nga sila ng vlog na nakalagay ang biyahe nila. Eh magsasama pa sana sina Derek at Andrea sa series na Sanggang-Dikit. Dahil sa nangyari, …

Read More »

Kapuso artists, kanya-kanyang paraan sa pagbibigay-ayuda sa mga biktima ni Ulysses

PUMARAAN ang ilang Kapuso artists para magbigay ng ayuda nitong nakaraang mga araw sa mga biktima ng bagyong Ulysses. Namigay ng relief goods ang The Clash judge na si Ai Ai de las Alas bago sumabak sa lock in taping ng bagong series niyang Owe My Love. Sa Marikina ang destinasyon ng Comedy Queen katuwang ang kanyang choreographer na si Ron Sto. Domingo. Ipinagamit ng kapatid ni Ron ang …

Read More »

Carla, ipinanawagan ang tulong sa mga hayop

MGA hayop naman ang concern ni Carla Abellana sa kasagsagan ng bagyong Ulysses sa bansa. Animal welfare advocate si Carla kaya nag-offer siya ng dasal para sa mga hayop sa kanyang social media account. “Lord, please bless all the animals affected by Ulysses too. They are helpless. I cannot imagine the amount of fear and suffering, especially for those who were left …

Read More »

Parlade at Angel, nagharap para sa red tagging issues

NAKIPAGHARAP na si Angel Locsin kasama ang fiancée na si Neil Arce at lawyer, Atty. Joji Alonso, kay AFP Southern Luzon Command Chief Lt. General Antonio Parlade. Documented sa Face Book page ni Atty. Joji ang meeting kaugnay ng alegasyon laban kay Angel at kapatid nitong si Angela “Ella” Colmenares na may ugnayan sa leftist na grupo. “Angel Locsin expressly denounces violence and terrorism in any form and supports all …

Read More »

GMA, full force sa paghahahatid ng balita at pagtulong sa mga apektado ng bagyo

MAS nakatatakot ang hangin at ulan na dala ng bagyong Ulysses kahapon sa Metro Manila kompara sa bagong Rolly! Hindi pa nga nakababangon ang Catandunes at ilang bayan sa Bicol kay Rolly, nagpalasap na ng bagsik si Ulysses lalo na sa Metro Manila! Bilib kami sa ilang news reporter ng GMA Network gaya nina Ian Cruz at Saleema Refran.  Noong bagyong Rolly, nasa Catanduanes si Ian habang nasa …

Read More »

Direk Gina, umaaray sa social distancing

Gina Alajar

UMAARAY si director Gina Alajar sa protocol na social distancing nang magbalik-taping ang Kapuso afternoon program na Prima Donnas na eere na simula ngayong hapon. Naayos man nila ang takbo ng kuwento kahit wala na sa main cast ang batang si Sofia Pablo dahil 14 years old pa lang, namroblema siya sa eksena nina Wendell Ramos at Katrina Halili. “Paano sila magyayakapan? Paano sila maghahalikan eh sila ‘yung may romance? Paano …

Read More »

Mga programa sa GMA News TV, balik-regular programming na

BALIK-REGULAR programming na ang ilang programa sa GMA News TV simula ngayong linggo. Fresh episodes na ang handog ng Good News ni Vicky Morales tuwing Lunes. Bagong episode din ng food trip ang hatid ni Kara David sa PinaSarap sa Martes. Pagkakakitaan naman ang handog ni Susan Enriquez sa kanyang Pera Paraan sa Miyerkoles,  sa Huwebes, pilot telecast ng programang ihu-host ni Gabbi Garcia, ang IRL (In Real Life), at sa Biyernes, bagong biyahe sa new normal …

Read More »

Marian, aminadong kinuwestiyon ang sarili nang kuning host sa isang docu-series 

TATLONG taon na ang docu-series na Tadhana ngayong buwan na ang host ay si Marian Rivera.   “Nakatutuwang isipin na noong in-offer sa akin ang ‘Tadhana,’ malaking kuwestiyon sa akin. Bakit ako?” sabi ni Marian sa virtual presscon ng programa.   “Hindi ako marunong mag-host! Ito lang ang kaya ko! Kaya natutuwa ako dahil nakatatlong taon na kami. I love my ‘Tadhana’ family! Kahit …

Read More »

Allen Ansay, ‘di pa mahagilap ang pamilyang apektado ni Rolly sa CamSur

APEKTADO ng bagyong Rolly ang pamilya ng Kapuso actor na si Allen Ansay na nakatira sa Sagnay, Camarines Sur.   Hindi pa nakokontak ni Allen ang pamilya sa pahayag niya sa GMA’s 24 Oras nitong Lunes.   “Grabe talaga ‘yung lakas ng bagyo kasi last tawag sa akin ni Mama, noong Sabado bago pumasok ‘yung bagyong Rolly,” bahagi ng pahayag ni Allen.   Nang tumawag ang ina, …

Read More »

You Tube channel ng ABS-CBN, no longer available?

PROBLEMADO ang You Tube channels ng ABS-CBN simula kahapon ng umaga. Agad naglabas ng statement ang ABS-CBN Corporation kaugnay nito.   “We are aware of the problem of accessing ABS-CBN New channels on You Tube. We are currently investigating this and working closely with You Tube to resolve the problem,” ayon sa statement.   Kapag pinuntahan ang YT channel, may nakasaad na ang video, “no longer …

Read More »

Ate Guy, tapos na ang tengga days

TAPOS na ang tengga days ni Nora Aunor pati ang ibang cast ng Kapuso afternoon drama na Bilangin ang Mga Bituin sa Langit. Balik-taping na si Ate Guy kahapon kasama ang ilan sa main cast na sina Mylene Dizon at Kyline Alcantara, at direk Laurice Guillen. Malamang na lock-in ang taping ng lahat ng involved sa show gaya ng ibang Kapuso shows. Sa mga series ng GMA, kasado na sa …

Read More »

Ian, na-challenge kay Direk Jeturian

HUHUSGAHAN bukas, Sabado, ang kakayahan ni Ian Veneracion sa sitcom dahil pilot telecast ng kanyang Oh, My Dad sa TV5, 5:00-6:00 p.m.. Eh ang award-winning director na si Jeffrey Jeturian ang director ng sitcom kaya naman challenge rin ito kay Ian. Si Dimples Romana ang makakasama ni Ian na unang sabak naman sa sitcom matapos magpakita ng husay sa drama sa Kadenang Ginto. I-FLEX ni Jun Nardo

Read More »

Canadian music produ, bumilib sa husay ni Julie Ann

BUMILIB ang isang Canadian music producer at sung engineer na si Ovela ng You Tube channel ng Music Game News sa pagkanta ni Julie Ann San Jose sa isa sa Four The Wi production numbers sa All-Out Sunday.   “Julie Ann San Jose handled that almost seven minutes flawlessly like a pro. I’m seriously impressed because they’re doing it digitally,” bahagi ng pahayag ni Ovela. Kasama ng Asia’s  Pop Diva sa production …

Read More »

Aiko nakahinga ng maluwag, 21 day lock-in taping natapos ng mabilis

NIRATSADA ng cast, production staff and crew ng Kapuso afternoon series na Prima Donnas ang 21-day lock in taping kaya naman natapos nila ito nang walang nagkakasakit.   Nakahinga nang maluwag si Aiko Melendez kaya sabik na siyang umuwi sa sariling bahay!   “We all survived smooth and safety our lock in taping. Salamat to my GMA Kapuso family for looking after our safety.   “We …

Read More »

Gabbi, super proud kay Khalil; Descendants of the SunPH, mapapanood na sa Netflix 

UMAAPAW ang kaligayahan sa Kapuso artist na si Gabbi Garcia nang i-welcome bilang Kapuso ang boyfriend na si Khalil Ramos matapos itong pumirma ng management contract sa GMA Artist Center.   “Always proud of you. ILY (I Love You),” saad ni Gabbi sa Instagram stories.   Bukod sa GF, gustong makatrabaho ni Khalil si Dingdong Dantes.   “He’s someone that I super look up to as an actor, if …

Read More »

Cong. Benitez sa network war — It’s time that all of us should work together

GUSTONG wakasan ng former congressman Albee Benitez ang network war kaya hinimok niyang magkaisa ang mga network.   Blocktimer ngayon sa TV5 ang Brightlight Productions ni Benitez.  Sa virtual mediacon ng TV5, saad niya, “It’s time that all of us should work together. Right now, I don’t think there should be a network war.”   Ilan sa shows ng Brightlight ay ang Sunday Noontime Show nina Piolo Pascual, Catriona Gray, Maja …

Read More »

Sanya Lopez, kabado sa First Yaya; Khalil, Kapuso na! 

TAMA ang hula ng netizens na si Sanya Lopez ang napiling gumanap bilang First Yaya sa Kapuso series na tinanggihang gawin ni Marian Rivera dahil sa mga anak at Corona virus.   Honored naman si Sanya na mapiling gumanap sa character at leading lady ni Gabby Concepcion. Kabado man siya ayon sa pahayag niya sa 24 Oras, gagawin niya ang lahat para maitawid ang performance lalo na’t si Gabby ang …

Read More »

Ian, magpapatawa sa TV5 show

IPI-FLEX naman ni Ian Veneracion ang talent niya sa pagpapatawa sa TV sa family sitcom niyang Oh My Dad na naka-schedule ang pilot telecast sa October 24, Sabado, 5:00 p.m. sa TV5. Ang sitcom ang unang sabak sa telebisyon ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonso kasama si Patricia Sumagui at mula sa direksiyon ni Jeffrey Jeturian. Dalawa ang babae ni Ian sa sitcom. Sina Dimples Romana at Sue Ramirez. Kasama rin sa cast sina Gloria  …

Read More »

Sanya may Bong na, may Gabby pa

MATUNOG si Sanya Lopez sa netizens bilang kapalit ni Marian Rivera sa binitawang series na First Yaya. Ngayong araw na ito, Lunes, magkakaroon ng announcement sa 24 Oras kung sino ang napili ng GMA Entertainment group. Eh wala namang isyu kay Yan na palitan siya. Umatras siya sa project dahil sa Covid-19 lalo na’t may dalawa siyang batang anak at nagpapadede pa sa bunsong anak. Kung si Sanya nga …

Read More »

Shaira, bagong pagseselosan ni Bianca

NAKU, may chance na pagselosan ng Kapuso actress na si Bianca Umali ang kapwa Kapuso actress na si Shaira Diaz, huh!   Si Shaira kasi ang bagong babae  ni Ruru Madrid sa gagawin nitong action-adventure GMA series na Lolong.   Sa report sa 24 Oras, nabigla nga si Shaira nang siya ang mapiling kapareha ni Ruru. Inakala niyang audition lang ang gagawin pero nang sabihin na siya ang partner ng Kapuso actor, …

Read More »

Kelvin Miranda, leading man na!

Kelvin Miranda

Elevated na sa pagiging leading man ang young actor na si Kelvin Miranda.   Si Kelvin ang bagong leading man ni Mikee Quintos sa coming GMA News and Public Affairs’ primetime  fantasy-romance na The Lost Recipe.   Napa-wow nga ang netizens last weekend nang ibalandra ng GMA ang tungkol sa bagong leading man na dapat abangan ng viewers.   Wala pa mang official announcement sa bagong …

Read More »

Gabbi, tinuruang sumisid ang BF na si Khalil

TINURUAN ni Gabbi Garcia ng basics sa pag-dive ang boyfriend niyang si Khalil Ramos. Isang licensed scuba diver si Gabbi at nang makapuslit sila ng date sa Batangas City kasama ang mga kaibigan, tinuruan niya ang BF na sumisid!   Ipinost ng Global Endorser ang fotos ng biyahe nila sa Batangas at kitang-kita sa face niya ang pagiging blooming, huh.   Naku, kung …

Read More »