Matteo Guidicelli Sarah  Geronimo

Matteo at Sarah may pasabog sa Dec. 18

I-FLEX
ni Jun Nardo

BABASAGIN na ng mag- aawang Matteo Guidicelli at Sarah  Geronimo ang kanilang pananahimik nang matagal!

Naku, huwag maging asyumera dahil wala silang itsitsismis sa mga Maritess sa pagsasama nila sa December 18 kundi sa isang concert magsasama sina SG at MG, huh.

After a long time, heto at isang Christmas concert ang handog ng mag-asawa sa kanilang supporters, ang Christmas with the Gs. May K naman sila dahil kapwa naman sila magaling kumanta, ‘di ba?

Inilatag ni Matteo sa kanyang Instagram na sa December 18 magaganap ang Christmas concert nilang asawa. Mapapanood ito sa Ktx.ph at VivaMaxPlus.

Malay ninyo, may pasabog na hatid sina Sarah at Matteo sa gabing ito, huh! ‘Di ba, mga Maritess?