Tuesday , January 6 2026

Jun Nardo

Quantum muling sumabak sa telebisyon via What We Could Be

Miguel Tanfelix Ysabel Ortega Yasser Marta Atty Joji Alonso Jeffrey Jeturian What We Could Be Quantum Films

I-FLEXni Jun Nardo SECOND time na ni Atty. Joji Alonso ng Quantum Films na sumabak sa telebisyon. Isang family sitcom ang unang ginawa ni Atty. Joji, ang Oh My Dad ni Ian Veneracion. Sa rom-com na What We Could Be, ang GMA Network naman ang naka-collaboration ng Quantum Films.  Lead actors dito sina Ysabel Ortega, Yasser Marta, at Miguel Tanfelix mula sa direksiyon ni Jeffrey Jeturian. Maganda ang pagkakagawa ng movie. Magaling ang direksiyon ni …

Read More »

GMA nilinaw: Wala silang offer kay Sarah G

Sarah Geronimo Lilybeth Rasonable GMA

I-FLEXni Jun Nardo WALANG offer ang GMA Network kay Sarah Geronimo! Ito ang one-liner ng GMA Entertainment executive na si Lilybeth Rasonable. “Ang tagal na rin naming naririnig ‘yan, but NO. Wala kaming offer for Sarah G,” sey ni Ma’am Lilybeth. Ilang beses nang nabalita ang umano’y paglipat ni Sarah sa GMA. Hanggang ngayon, wala pang lipatang nagaganap. Eh baka ginawang basehan ng nag-Maritess ang napapanood …

Read More »

Pag-iwan ni Kuya Kim kina Camille at Iya walang issue

Kuya Kim Camille Prats Iya Villania Rabiya Mateo Pokwang

I-FLEXni Jun Nardo NGAYONG umaga ang simula ng pag-iingay nina Kim Atienza, Rabiya Mateo, at Pokwang sa bago nilang programa na TictoClock bago ang Eat Bulaga. Hindi na kasama ni Kim sa show na pumalit sa Mars Pa More na sinalihan din niya  sina Camille Prats at Iya Villania. Pero sa isang pahayag ni Kuya Kim, nagpaalam naman siya kina Camille at Iya na magiging bahagi ng bagong show, huh! So walang isyu …

Read More »

Bida Next ng EB pag-asa ni Maegan para makita ang nawalay na anak 

Maegan Aguilar bida next

I-FLEXni Jun Nardo KAPWA pasok sa Next Call ng Bida The Next segment ng Eat Bulaga ang celebs na sina Denise Barbacena at singer-Maegan Aguilar na anak ni Freddie Aguilar na sumalang last Saturday. Naging mainstay ng Bubble Gang si Denise pero isa siya sa nakasama sa revamp ng gag show. Inilahad naman ni Maegan ang dahilan kung bakit siya sumali sa Bida The Next. Gusto niyang makitang muli ang panganay na anak …

Read More »

Super Tekla sinampolan ng sampal ni Lyca

Lyca Gairanod Super Tekla 

I-FLEXni Jun Nardo MAPAPANOOD na rin sa GMA 7 sa unang pagkakataon ang kampeon sa Voice Kids Philippines Season 1 na si Lyca Gairanod. Mapapanood si Lyca sa The Boobay and Tekla Show ngayong Sunday. Ang pagba-vlog ang ginagawa ni Lyca ngayon. Pero payag din siyang umarte kung may ibibigay na project. Sa TV plug ng comedy show, nagpasampol si Lyca ng ginawang pagsampal kay Super Tekla na kasama …

Read More »

Enrique nagdeklara wala munang LizQuen

lizquen

I-FLEXni Jun Nardo WALA muna raw LizQuen. Ayon ito sa lumabas na quote kay Enrique Gil, ka-loveteam ni Liza Soberano. Lumipat na si Liza kay James Reid na namamahala sa career niya ngayon. Sa inilabas na deklarasyon ni Enrique, nag-trending sa Twitter ang hashtag na Liza Soberano. Kalakip ng hashtag na ‘yon ang tweet video ng netizens na spotted sina Liza at James papasok sa YG Entertainment …

Read More »

Ruru nakapagpadala pa ng rosas kay Bianca kahit nasa South Korea

Ruru Madrid Bianca Umali

I-FLEXni Jun Nardo HINDI sagabal ang layo ni Ruru Madrid kay Bianca Umali kahit  nasa South Korea siya para sa taping ng Running Man Ph. Pinadalhan ni Ruru ng pulang rosas si Bianca na upinost niya sa kanyang Instagram habang inaamoy ni Bianca. “Since the day I met you, my life has never been the same. Amishuuu,” caption ni Ruru sa picture ni Bianca sa Instagram. Tugon naman …

Read More »

Maja opisyal nang EB Dabarkads

Maja Salvador Eat Bulaga EB Dabarkads

I-FLEXni Jun Nardo PORMAL nang winelkam si Maja Salavador bilang opisyal nang Eat Bulaga Dabarkads noong Lunes. Puno ng kasiyahan at pasasalamat si Maja lalo na’t nang magsimula sa Bulaga eh isang segment agad ang ipinagkatiwala sa kanya, ang Dancing Kween. Wala pang announcement ang Bulaga kung mapapabilang din bilang Dabarkads sina Miles Ocampo at Beauty Gonzales na guest co-hosts. Kasalukuyang naghahanap ng madidiskubreng Dabarkads ang longest running noontime show sa bagong segment …

Read More »

Quinn naglulundag sa saya kay JC

Quinn Carrillo JC Santos

I-FLEXni Jun Nardo UNANG subok ng baguhang si Quinn Carrillo ang magsulat ng kuwento sa pelikula. Base sa ilang karanasan at nakilala niyang tao ang mga character sa movie na Tahan. Eh nang mapanood ni Quinn ang movie sa special screening nito, nagpasalamat siya sa director na si Bobby Bonifacio sa magandang interpretasyon niya sa kanyang kuwento. Ayon kay Quin, sina Jaclyn Jose at Chloe Barretto ang nasa isip …

Read More »

Pen Medina ooperahan tulong pinansiyal inihingi ng pamilya

Pen Medina

I-FLEXni Jun Nardo HUMIHINGI ng tulong-pinansiyal  at dasal ang character actor na si Alex Medina para sa 71-year-old niyang tatay, ang veteran actor na si Pen Medina. Naospital si Pen dahil sa isang spine disorder at major surgery ang kailangan nito sa July 19. Sa Instagram post ng anak nitong nakaraang mga araw, nakasaad na tatlong linggo nang hindi makaupo o makatayo ang ama dahil sa degenerative …

Read More »

Miguel ibinando kakisigan sa music video ng What We Could Be

Miguel Tanfelix Ysabel Ortega Yasser Marta

I-FLEXni Jun Nardo NAGKAKAEDAD na guwaping at hot ang Sparkle artist na si Miguel Tanfelix. Kitang-kita ang kakisigan ni Miguel sa music video ng coming Kapuso series na What We Could Be na unang collaboration ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonso at GMA Network. Mapapanood ngayong August ang tambalan nina Miguel at Ysabel Ortega sa What We Could Be. Ka-love triangle nila ang Kapuso artist ding si Yasser Marta. Sa 2023 na mapapanood ang isa …

Read More »

Rabiya nakahanap ng kapamilya kina Kim at Pokwang

Rabiya Mateo Kuya Kim Atienza Pokwang

I-FLEXni Jun Nardo MAG-ISANG namumuhay sa Manila ang Sparkle artist na si Rabiya Mateo. Bahagi ng pahayag niya sa mediacon ng GMA morning series na TicToClock, “I have nobody!” Pero bawi ni Rabiya, nakatagpo siya ng pamilya kina Kim Atienza at Pokwang na kasama niya sa programa. Eh sa deklarasyon ni Rabiya, parang kompirmasyon na rin ito sa isyung hiwalay na sila ng boyfriend na si Jeric Gonzales, huh! Siyempre, curious pa rin …

Read More »

Ai Ai naghanap ng dahon ng saging sa Amerika

aiai delas alas

I-FLEXni Jun Nardo NAGHANAP talaga ng dahon ng saging si Ai Ai de las Alas sa Pinoy store sa Amerika para magamit sa kanyang pamamalantsa. Yes, dala-dala pa rin ni Ai Ai ang nakaugalian ng mga Pinoy na dapat nakapatong sa dahon ng saging ang plantsa upang maging madulas sa damit habang nagpaplantsa. Sa totoo lang, kung may kasambahay sa bahay, drayber …

Read More »

2 shows nagkampihan
EAT BULAGA! PILIT NA PINABABAGSAK  

Beauty Gonzalez Eat Bulaga

BAKBAKAN ng noontime shows sa free TV simula sa Sabado, Hulyo 16. Nagkampihan na ang dalawang noontime shows upang pataubin ang longest running noontime show na Eat Bulaga. Marami nang sumubok pataubin ang Bulaga pero hindi ito nagtagumpay. Eh ang ipalalabas ng Bulaga sa Sabado ay ang grand finals ng pakontes nilang Dancing Kween! Aba, P500K ang take home ng mananalo kaya bardagulan sa hatawan ang …

Read More »

Pokie at Lee maayos ang hiwalayan

Pokwang  Lee O’ Brien

I-FLEXni Jun Nardo WALANG panahong magluto ang komedyanteng si Pokwang ng pagkaing papaitan sa kanyang Kusina ni Mamang show sa Buko Channel. Lumabas ang report kamakailan na ilang buwan na silang hiwalay ng partner niyang foreigner na si Lee O’ Brian. Nakasam niya sa isang movie na produced dito si Brian at doon nagsimula ang kanilang relasyon hanggang mabiyayaan sila ng isang anak na babae. Sa …

Read More »

Alfred isisingit paggawa ng series at movies 

Alfred Vargas

I-FLEXni Jun Nardo IPAGPAPATULOY ng kapatid ni Councilor Alfred Vargas na si Congressman PM Vargas ang mga plano niyang natigil para sa workers sa movie industry gaya ng tax incentives, holidays at iba pa. Matapos ang local campaign, relax mode muna si Konsi Alfred bago sumabak sa local legislation at kapag maluwag ang schedules, gagawa ng isang TV show at movies. “Marami akong nakaimbak …

Read More »

Matteo at Sarah nagpa-grocery galore sa ilang magsasaka

Matteo Guidicelli Sarah Geronimo

I-FLEXni Jun Nardo BINIYAYAAN ng mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ang mga magsasaka sa Paete, Laguna ng grocery day sa malaking supermarket na ineendoso ng host-actor. Sa video sa Instagram ni Matteo, isang malaking shopping cart ang pinaglagyan ng goods na nahakot ng bawat magsasaka kasama ang ilang anak. Nasaksihan  ng mag-asawa  ang dedikasyon at paghihirap sa trabaho ng magsasasaka sa mga nag-shopping dahil sa …

Read More »

Running Man PH cast nag-food trip sa South Korea

Running Man PH

I-FLEXni Jun Nardo FOOD trip at pasyal sa South Korea ang cast ng Running Man PH habang wala pang taping. Ipinasilip ng Kapuso artist na si Kokoy de Santos sa kanyang Instagram ang food trip ng grupo at pamamasyal sa Itaewon. Naging warm at hospitable ang SBS Korea sa pag-welcome kina Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Lexi Gonzales, Kokoy, Angel Guardia, Buboy Villar, at host na si Mikael Daez. Sa  mismong set …

Read More »

Pokwang binuweltahan ng fans ni Ella  

Pokwang Ella Cruz

I-FLEXni Jun Nardo KINAMPIHAN pero nabatikos din si Pokwang sa komento niya sa statement ni Ella Cruz na “history is like tsismis.” Hindi sinan-ayunan ni Pokie ang sinabi ni Ella pero ‘yung pabiro naman ‘yung sinabi niyang ibabalik muli sa dagat si Ella. Agad naman binuwentalan ang komedyante ng fans ni Ella. Irespeto raw niya ang opinyon ng idolo. Eh sa tinuran na ‘yon …

Read More »

Allen at Sofia nilalanggam sa ka-sweetan

Allen Ansay Sofia Pablo

I-FLEXni Jun Nardo HAYAGAN na ang pagpapakilig  sa social media ng Sparkle artist na si Allen Ansay sa fans nila ng kapwa Sparkada na si Sofia Pablo. Ibinahagi ni Allen sa kanyang Instagram ang mirror shot photos nila ni Sofia na halos langgamin sa katamisan. Pinusuan ng fans ang paghawak sa ulo ni Sofia ni Allen with matching kurot sa pisngi, huh. “Taong nagpapasaya sa akin araw-araw,” caption …

Read More »

Pandesal pictorial ni Alden makalaglag-panty 

Alden Richards

I-FLEXni Jun Nardo LAGLAG-PANTY na, tulo-laway pa ang mga girl, matrona at bekis nang i-flex ni Alden Richards ang latest development sa kanyang “pandesal” sa pictorial niya sa isang men’s magazine. Mula sa pagiging matinee idol, lumantad ang isang bortang Alden nang mag-selfie ng produkto ng kanyang non-stop workouts at healthy diet. Eh kahit patapos na ang Start Up PH series nila ni Bea Alonzo at …

Read More »

Sparkada Boys malakas ang dating

LUV Is Caught In His Arms Sparkada

I-FLEXni Jun Nardo LUMUTANG ang pangalan nina Marian Rivera, Heart Evangelista, Kyline Alcantara, at Bianca Umali sa Sparkada Boys ng GMA Artist Center na gusto nilang makasama sa TV o pelikula. Isinalang sa mediacon ang Sparkada boys na sina Vince Maristela, Larkin Castor, Sean Lucas Raheel Bhyria, at Michael Sager. Ang webpad series na  LUV Is: Caught In His Arms. In fairness sa mga boy na ito, guwaping, talks sense …

Read More »

Rita ayaw pa ring pangalanan ang lalaking nakabuntis sa kanya

Rita Daniela

I-FLEXni Jun Nardo IPINAGDAMOT pa rin ng Kapuso artist na si Rita Daniela nang tanungin ni Nelson Canlas ng 24 Oras kung sino ang ama ng batang dinadala niya. Sa pahayag ni Rita, non-showbiz ang boyfriend niya kaya hindi na siya napilit sabihin ang pangalan ng ama. Sa buong buhay na naging artista si Rita, walang nakaalam kung sino ang naging boyfriend niya. Very-Winwyn Marquez din ang drama niya …

Read More »

Isabel Santos dinalhan ng cake si Lloydie

John Lloyd Cruz Isabel Santos

I-FLEXni Jun Nardo LUMANTAD na ang rumored girlfriend ni John  Lloyd Cruz na si Isabel Santos. Umapir si Isabel sa birthday celebration ni John Lloyd sa taping  ng Kapuso sitcom niyang Happy ToGetHerkamakailan. May dalang birthday cake si Isabel ayon sa reports at may pa-kiss pa si JLC sa rumored GF habang kumakanta ng Happy birthday ang cast and staff ng sitcom. Presen din …

Read More »