Derek Ramsay Ellen Adarna

Luxury car anniversary gift ni Derek kay Ellen

I-FLEX
ni Jun Nardo

PASABOG ang advance wedding anniversary gift ni Derek Ramsay sa asawang si Ellen Adarna – isang luxury car.

Sa video na ipinost ni Derek sa kanyang Instagram, ipinakita niya ang luxury car na bigay niya sa asawa.

Caption ng actor-businessman, “Advance happy anniversary to the love of my life. Thank you for giving me so much love. I’ve really found true happiness. I love you so much!!! So much!!”

Present ang anak ni Ellen na si Elias nang pumarada ang sasakyan sa harap ng bahay nila.

Sarap magmahal ni Derek, huh.