Thursday , December 26 2024

Johnny Balani

Peping Cojuangco inugat na sa POC Tama na! Baba na!

Peping Cojuangco Philippine Olympic Committee POC money peso

SADYANG lugmok sa kangkungan mga ‘igan ang napakasamang performance ng bansa sa Southeast Asian Games (SEAG) na ginanap sa Kuala Lumpur Malaysia kamakailan lang. “The 24 gold was the worst ever performance by the Philippines in the SEA Games, worse than 2001 and 1998 SEA Games both held in Malaysia. I will talk to the different National Sports Association (NSA) …

Read More »

Barangay ni Ligaya buwagin

MAINIT na mainit mga ‘igan ang usaping pang-transportasyon sa pagitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at ng Uber, matapos suspendihin ng LTFRB ang operasyon ng Uber. Ayon sa LTFRB, nilabag ng Uber ang kautusan ng ahensiya na nagbabawal, pansamantala, sa pagtanggap ng mga bagong application ng mga sasakyan. Sa isinumiteng “Motion for Reconsideration” ng Uber, ibinasura ito …

Read More »

Illegal terminal sa Lawton magkano’ng halaga?

MATAGAL-TAGAL na ring panahon mga ‘igan na nagpapakasasa ang mga tarantadong sangkot sa “illegal terminal” d’yan sa Plaza Lawton. At sadya naman talagang nakapagtataka rin, na hindi matinag-tinag ang ilegalidad dito sa harap pa man din ng monumento ng ating magiting na bayaning si Gat. Andres Bonifacio sa Plaza Lawton! Aba’y teka, magkanong halaga at hindi matuldukan? Anong pagkilos ang …

Read More »

Hirit ni Ka Digong

DAHIL nga sa hinihiling ng pagkakataon mga ‘igan, nanindigan ang Department of National Defense (DND) at Philippine National Police (PNP), maging ang Armed Forces of Philippines (AFP) sa kahalagahan ng pagpapalawig ng Martial Law sa Mindanao. Bagamat naging malaking usapin ang pagpapanatili ng Martial Law sa rehiyon, kinakailangan umano ang todo–todong pag-arangkada nito, lalo pa’t hindi pa nahuhuli ang iba …

Read More »

Barangay at SK elections hatulan na

sk brgy election vote

ABA’Y mga ‘igan, huwag patulog-tulog sa pansitan! Bigyang-linaw ang walang kasiguradohang barangay at SK elections sa bansa! Sus, kailan ba talaga ang arangkada nito? Meron ba o wala tayong aasahang eleksiyon sa taong ito? Sa ngayon mga ‘igan, nakatengga ang usaping ito. Walang linaw, walang kasiguraduhan… Sus ginoo! Tumunog na nais ipagpaliban sa October 2018 ang barangay at SK elections. …

Read More »

Hari at reyna sa QC hall imbestigahan

QC quezon city

ABA, aba, aba mga ‘igan, sino naman kaya itong ibinulong ng aking pipit-na-malupit na bruskong mag-aasta na alyas ‘Madam’ at alyas ‘Bossing’ sa Engineering Department ng Quezon City Hall, na kung magkikilos animo’y ‘Hari’ at ‘Reyna.’ Kung ano ang maisip at gustong gawin ay hindi kayang baliin sinoman ang masaktan at maapektohan. Sukdulang laitin, alipustahin at pagsamantalahan umano ang mga …

Read More »

QC politics sige na ang arangkada

QC quezon city

BAGAMAT malayo pa mga ‘igan ang 2019 local at national elections pero ramdam na ang siraan o wasakan, bangayan at babuyan ng mga kandidato. Gaya sa Quezon City na nasa last term na si incumbent Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista ng Liberal Party habang itinuturing na pinakamalakas na mayoralty aspirant ang kanyang vice mayor na si Joy Belmonte na suportado mismo …

Read More »

Desisyon ng CSC ibinasura ni Bistek

MATATANDAANG kinansela mga ‘igan ng Civil Service Commission (CSC) ang appointments ng dalawang opisyal ng Engineering Department ng Quezon City government, dahil sa violations sa CSC rules. Kinansela ng CSC ang appointments nina Ma. Michelle A. Bogarin bilang Administrative Officer IV at Engr. Gerardo Cabungcal bilang Engineer V, nang ma-appoint sila sa City’s Engineering Office. Ito’y matapos ireklamo ng ilang …

Read More »

JOs sa Manila City Hall opisyal ng barangay? Ilegalidad sa Plaza Lawton tuloy ang ligaya

SADYA nga bang talamak na rin mga ‘igan ang katarantadohan sa Manila City Hall? Mantakin n’yong sa dami ng ipinapasok na JOs (job orders) sa iba’t ibang departamento, aba’y hindi nagpahuli ang ilang opisyal ng barangay! OMG! Hindi ba’t katarantadohan ‘yang pinapasok ninyo? Kayong mga damuho kayo, kung gusto n’yong kumubra nang malaki-laking pera, aba’y huwag sa mado-double compensation kayo! …

Read More »

Robredo kabado

DAHIL umano sa “culpable violation of the Constitution” at “betrayal of public trust” hayun mga ‘igan si Robredo, kabado, dahil sa “impeachment complaint” laban sa kanya na inihain nina Atty. Oliver Lozano at Melchor Chavez. Aba’y agad naman itong sinagot ng Spokesperson ni Robredo na si Georgina Hernandez, aniya’y hindi maaaring tawaging “betrayal of public trust” ang ginawa nitong si …

Read More »

Leila De Lima sa kangkungan

MAGDASALTUNAY na walang kawala sa batas mga ‘igan si Senator Leila De Lima. Dahil sa inilabas na warrant of arrest laban sa Senadora ni Judge Juanita Guerrero ng Muntinlupa City Regional Trial Court, Branch 204, aba’y hayon sa rehas na bakal ang bagsak, ika nga’y sa kangkungan na pupulutin si De Lima. He he he… Dahil dito’y todo apela na …

Read More »

Patutsadahan saan kaya patungo?

AYON kay Senatora Leila De Lima mga ‘igan, kriminal umano si Ka Digong. Ayon kay Ka Digong, “drug lord coddler” naman si De Lima. Maging si Senator Antonio Trillanes IV, aba’y panay-panay rin ang pag-arangkada sa kanyang mga expose kontra kay Ka Digong. Saan kaya patutungo ang patutsadahang ito mga ‘igan? May maitutulong ba ito sa pag-usad ng ating bayan? …

Read More »

Tiwaling pulis sa rehas na bakal

pnp police

PAPALAKI nang papalaki mga ‘igan ang kinakaharap na problema ngayon ng mga tiwaling pulis ng Philippine National Police (PNP). Kasabay pa nito’y ang paparami nang paparami pang kasong ibinabato sa kanila. Kung kaya’t, hayun at tambak na sa Napolcom ang nakabinbing kaso ng mga tiwaling pulis, sus ginoo! Sadya nga bang ganito na katarantado ang pulisya ng bayan? Ayon kay …

Read More »

Karahasan maghahari na naman?

Malacañan CPP NPA NDF

SA galit ni Ka Digong mga ‘igan sa mga rebeldeng NPA, walang kaabog-abog na tinuldukan ng Mama ang ugnayan sa pagitan ng pamahalaan at sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA), pati na rin ang usaping “long lasting peace” dito. Sadyang tama nga naman ang ginawang aksiyon ni Ka Digong mga ‘igan, lalo pa’t wala na …

Read More »

Condom huwag panggigilan

PATOK na patok mga ‘igan ang usaping ‘condom’ partikular sa mga kabataan ng mga paaralan. May tumututol, mayroon din namang sumasang-ayon sa planong pamamahagi ng condom ng Department of Health (DOH) sa mga eskwelahan. Ngunit, ano nga ba ang ikabubuti sa sambayanan at sa kapakinabangan ng mga kabataan? Batikos dito…batikos doon lang ang nangyayari mga ‘igan! Bakit hindi pag-usapan nang …

Read More »

Pag-arangkada ng Martial Law ‘di mapipigil

NAGULANTANG ang lahat mga ‘igan sa napipintong arangkada ng martial law sa bansa. Aba’y sa papalala nga namang problema partikular sa ilegal na droga, sus…tiyak mapipilitang ideklara umano ni Ka Digong ang batas militar, dahil sa layunin nitong lubos na mapangalagaan ang sambayanang Filipino lalong-lalo ang mga kabataan. ‘Ika nga ni Ka Digong, “Walang makapipigil sa akin!” Ngunit mga ‘igan, …

Read More »

VP Robredo pinutakti saan pupulutin?

BAGO po tayo umarangkada mga ‘igan ay hayaan n’yo po munang batiin ng BBB ang aking Balikbayang-kapatid na si ELIZABETH BALANI–SARRA, matapos ang masaya at punong-puno ng pagmamahal na pagbabakasyon dito sa Pinas ay muling babalik sa bansang Toronto, Canada. ‘Tol huwag na huwag mong kalilimutan na naririto lang lagi ang mga kapatid nating sina Bernie B. Catada, Jessie, Len …

Read More »

Paputok ni DU30 pumatok

SARI-SARING paputok mga ‘igan ang inasahan ng sambayanang Filipino sa pagpasok ng Bagong Taon. Ngunit, hindi umubra ang mga ipinagbawal na paputok ng pumailanlang na ang paputok ni DU30! Aba’y, anong klaseng paputok ito mga ‘igan, na talaga namang ikinagulantang nang lahat? Sus ginoo…nang pumutok na mapaparusahan ang sino mang mahuhuling  guma-gamit ng ipinagbabawal na paputok. He he he… Anak …

Read More »

2017 uulanin

BAGO po ang pagarangkada ng BBB, atin po munang batiin ang aking kapatid na si Balikbayan ELIZABETH BALANI ZARA, sampu ng kanyang pamilya, na pagkatapos ng dalawampung taong pamamalagi sa Toronto, Canada ay muling bumisita sa ating bansa. Welcome home ‘Tol…enjoy the days with your loved ones here in the Philippines. Balik arangkada na po, tama ka ‘igan, hindi lang …

Read More »

Go Digong go pa more sa 2017

BAGO po tayo tuluyang umarangkada, nais po muna nating batiin ang masigasig at magiting na dating Heneral ng PNP, dating NBI Director, dating Senador at dating Mayor ng Lungsod ng Maynila, Alfredo S. Lim, sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan (21 Disyembre 2016). Nawa’y pagkalooban pa kayo ng mahabang-buhay at malusog na pangangatawan upang magtuloy-tuloy pa ang tunay na paglilingkod ninyo …

Read More »

Unli–sex ng DOH OMG

LUMALALA mga ‘igan, ang pagkalat ng HIV/ AIDS sa bansa. Ngunit magpahanggang ngayon ay wala pang solusyon laban sa mabilis na pagkalat nito nito lalo sa mga kabataan. Ang matindi mga igan, imbes mapigilan ang lumalalang pagtaas ng bilang ng kaso ng HIV/AIDS infection, ay sus ginoo ‘igan, tila lalo pang hinikayat, partikular ang mga kabataan, na mag-premarital-sex o’ extramarital-sex …

Read More »

Batas huwag bastusin

TULOY-TULOY pa rin mga ‘igan ang kilos protesta ng mga kababayan nating tutol na tutol sa Marcos burial sa Libingan ng mga Bayani. Sino nga ba ang mga promotor sa likod ng kaguluhang ito? Imbes itim, kulay ng pagluluksa, aba’y nakulayan ng dilaw ang isyung Marcos burial. Ano nga ba ang tunay na motibo ng mga dilaw ukol dito? Sadya …

Read More »

Tama na tuldukan na

TUNAY na isang malaking dagok mga ‘igan, para sa mga taong wala umanong pusong –mapagpatawad, ang paghahatid kay dating Pangulong Ferdinand E. Marcos sa kanyang huling hantungan sa Libingan ng mga Bayani. Nagulantang na may kasamang pagkadesmaya ang mga tutol sa paglilibing. Hehehe…Marahil ay napurnada umano ang mga pinaplano o nakaplano nang malatele–seryeng panggugulo o pambababoy na magaganap sana sa …

Read More »

Ramos-Enrile ang salarin?

MAGPAHANGGANG ngayon mga ‘igan, hinding-hindi raw malilimutan ng mga naging biktima ang mga pang-aabusong naganap at kanilang naranasan noong panahon ng Martial Law sa administrasyong Marcos. Kaya naman, sa kasalukuyan, kaliwa’t kanan pa rin mga ‘igan ang mga rally at pagbabatikos kontra sa naging desisyon ng Korte Suprema sa pagpapalibing kay Macoy sa Libingan ng mga Bayani. Giit ng mga …

Read More »

Sa wakas isyung Macoy mananahimik na

BAGO po tayo umarangkada mga ‘igan sa iba’t ibang isyung pinag-uusapan ng bansa, aba’y atin po munang batiin si Alab ng Mamamahayag (ALAM) national chairman Jerry Yap, na pinagkalooban ng “Sertipiko ng Pagkilala” ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Dante Gierran, sa katatapos na pagdiriwang ng “NBI 80th Anniversary.” Bossing Congratulations po! Mabuhay ka! Balik isyu na po …

Read More »