Monday , October 2 2023

Sa wakas isyung Macoy mananahimik na

BAGO po tayo umarangkada mga ‘igan sa iba’t ibang isyung pinag-uusapan ng bansa, aba’y atin po munang batiin si Alab ng Mamamahayag (ALAM) national chairman Jerry Yap, na pinagkalooban ng “Sertipiko ng Pagkilala” ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Dante Gierran, sa katatapos na pagdiriwang ng “NBI 80th Anniversary.”

Bossing Congratulations po! Mabuhay ka!

Balik isyu na po tayo mga ‘igan, sa pagkakabasura ng mga Mahistrado sa petisyong pumipigil sa “Hero’s Burial” kay former President Ferdinand Marcos, aba’y tuloy-tuloy na sa wakas mga ‘igan sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) si Macoy. Ang buong pamilyang Marcos sampu ng libo-libong supporters nito ay nagbunyi sa ibinabang desisyon ng Supreme Court. Ngayong nagsalita na ang Korte Suprema, nawa’y igalang na ito mga ‘igan, kasabay ang paghilom ng mga sugat sa puso’t isipan ng mga taong naging biktima nito.

Dumating na ang tamang panahon, upang wakasan na ang pagkakawatak-watak ng bansa dahil sa isyung pagpapalibing kay Macoy sa Libingan ng mga Bayani. Let’s move on na, ‘ika nga ‘igan. Subalit, sinabi ni Vice President Leni Robredo…”To bury Marcos in the Libingan ng mga Bayani would keep the wounds of the past unhealed. It might pass the bar of legal technicality, but can never be consistent with morality and the spirit of the Filipino people power revolution.”

Pahayag ng mga ‘igan ng Office of the Presidential Spokesperson… “We hope the matter will finally be laid to rest, and that the nation find the wherewithal to move forward and to continue forging a nation that is peaceable, just and fair to all.”

Tama man o’ mali mga ‘igan ang naging desisyon ng Korte Suprema sa pagpapalibing kay Macoy sa Libingan ng mga Bayani, nawa’y tanggapin na ito, kasabay ng pagtanggap din ng paumanhing ginawa ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos sa mga taong nasaktan noong Martial Law. ‘Ika nga niya’y wala namang perpekto sa mundo, kung kaya’t humihingi ng paumanhin kung may nasaktan man. At mga ‘igan, bagamat puwedeng mag-file ng Motion for Reconsideration, kung saka-sakaling may maidadagdag pang argumento ang mga tutol sa naging desisyon ng Supreme Court, aba’y huwag na po sana, ang isipin at pag-usapan na lamang ay tuloy-tuloy na sanang katahimikan at pagkakaisa ng sambayanang Filipino!

TIWALING CONTRACTOR NAGKALAT SA MANILA CITY HALL

Aba’y mga tiwaling contractor/supplier mga ‘igan tunay nga na namamayagpag sa Manila City Hall!

He he he…

Ayon sa aking pipit na malupit, bantay salakay ang mga animal, gamit ang pangalan ng matataas na opisyal ng Lungsod ng Maynila. Ang siste rito mga ‘igan, karamihan sa mga nabiktima nitong barangay chairman ay may takot pa sa kanila sa dahilang ang pakilala niya’y kamag-anak umano sila ng isang mataas na opisyales ng Manila City Hall.

Sus ginoo! Ayon sa isa sa Barangay Chairman ng District 5 ng Maynila, sobrang panloloko na ang ginagawa ng contractor sa kanilang barangay, hanggang umabot na ang barangay chairman na masuspinde dahil sa mga pekeng pirmang ginawa sa kanyang barangay budget upang makuha ang katumbas na milyones!

Ayon kay barangay chairman, kadalasan ginagawa nito ay ‘yaong “ghost projects” na kunwari’y may delivery, ‘yun pala’y hinihiram lang ang mga kagamitan sa kabilang barangay para sa kanilang ghost projects at picture-picture pa sila for documentation.

Sus ginoo kayo oo!

Isang pang barangay chairman sa District 1 ang dumulog sa BBB, upang isiwalat ang sinapit niya sa tarantadong contractor na isa rin palang “fly by night” o’ ‘yung tinatawag na walang opisina. Kung kaya’t, kung hahanapin ang opisina ng damuhong contractor ay drawing lang pala! Hay naku mga ‘igan, mabigat na sindikato ang mga ulupong na ito! Mantakin n’yong milyones ang nakukubrang salapi sa kabang-yaman ng barangay, kapalit ang mabuladas na dila!

Dagdag ng aking pipit na malupit mga igan, minura, sinigawan at pinatitigil sa maling gawi ng isang dating mataas na opisyal ng Manila City Hall, pero patuloy pa rin ang animal sa panloloko sa mga barangay ng Maynila!

Itigil n’yo na ‘yan nang hindi na kayo pangalan pa! Abangan…

E-mail Add: [email protected]

Mobile Number: 09055159740

BATO-BATO BALANI

ni Johnny Balani

About Johnny Balani

Check Also

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Zamboanga City Jail, kauna-unahang BJMP Gray Dove Awardee

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINARANGALANG Best Jail Facility nitong 21 Setyembre 2023 ang Zamboanga City Jail-Male …

Sipat Mat Vicencio

 ‘Wag n’yong ‘paikutin’ si Digong

SIPATni Mat Vicencio SILIP NA SILIP ang diskarte ng mga tusong politikong gustong gamitin at …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Tsokolateng dollar bills

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NA-HULICAM sa umano’y paglunok ng dollar bills na nagmula …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD anti-drug campaign, nakaiskor ng P2.4-M ‘damo’

AKSYON AGADni Almar Danguilan DALAWANG linggo na rin ang nakalipas simula nang italagang Director ng …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Pangyabang na bonus, habang dedma sa learning crisis

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANG pag-aanunsiyo kamakailan ng bonus na inilabas ng Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *