Wednesday , December 25 2024

John Bryan Ulanday

Asinta ng PH sa 2017 SEAG (4th place o higit pa)

TATANGKAING sumikwat ng 40 hanggang 50 ginto ang Filipinas na swak na para sa ikaapat na puwesto o higit pa sa nalalapit na 2017 Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia. Magpapadala ang Philippine Olympic Committee (POC) sa tulong ng Philippine Sports Commission (PSC) ng  487 atleta para sa 36 sports upang malagpasan ang ika-anim na puwesto ng Filipinas noong …

Read More »

San Diego, Woman int’l master na

KINAPOS  man sa Finals kontra Cuo Ruoutong ng China sa East Asia Junior Chess Championship sa Tagaytay City kamakalawa, naisukbit pa rin ni Marie Antonette San Diego ang mas malaking premyo. At ito ang maging isang Woman International Master (WIM) na isang prestihiyosong titulo mula sa FIDE o World Chess Federation makaraang makalikom nang sapat na puntos ang 18-anyos Pinay …

Read More »

Batangas, Tanduay umiskor sa D-League

DUMALAWANG sunod na dikit na panalo ang Team Batangas  habang tinagay ng Tanduay ang kanilang unang panalo sa 2017 PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Center sa Pasig City. Isinalpak ni Cedric De Joya ang fastbreak lay-up mula sa mintis ni Robbie Herndon ng Wangs upang maitakas ng Batangas ang 91-89 tagumpay at kanilang ikalawang sunod na panalo sa …

Read More »

Pacquiao: Laban kontra Horn alay sa Marawi

“PARA sa ‘yo ang laban na ito.” Muling papatunayan ni “Pambansang Kamao” Manny Pacquiao ang kanyang kanta ilang taon na ang nakalilipas sa pag-aalay muli ng napipintong laban kontra Jeff Horn para sa mga kababayan lalong-lalo sa mga naiipit sa kaguluhan sa Marawi sa Mindanao. Nakatakdang idepensa ni Pacquiao ang kanyang WBO welterweight belt kontra Horn sa Battle of Brisbane …

Read More »

Cabagnot lider sa BPC derby

SORPRESANG nangunguna sa kasalukuyang PBA Commissioner’s Cup Best Player of the Conference Race si Alex Cabagnot ng San Miguel Beermen, ayon sa opisyal na datos na inilabas ng PBA kamakalawa. Sa koponang tulad ng SMB na mayroong tulad ng 3-time MVP at Philippine Cup BPC na si JuneMar Fajardo, biglaang hawak ng tinaguriang “Crunchman” ang manibela sa pagtatapos ng eliminasyon …

Read More »

Warriors 2-0 na sa NBA finals

HINDI ulit pinaporma ng Golden State Warriors ang Cleveland Cavaliers sa Game 2, 132-113 upang ipos-te ang komportableng 2-0 kalamangan sa kanilang best-of-7 NBA Finals series kahapon sa Oracle Arena sa Bay Area. Abanse ng 67-64 sa halftime, tinapakan ng Warriors ang pedal sa ikatlong kanto upang magtayo ng mala-king 102-88 kalamangan papasok sa ikahuling quarter. Umabot hanggang 111-89 ang …

Read More »

Salvador bagong puwersa ng Flying V

NAGBABALIK sa basketball ang dating manlalaro sa PBA na si Jondan Salvador at sa pagkakataong ito ay para tulungan ang Flying V Thunder  sa  kanilang  kampanya sa PBA D-League Foundation Cup. Matagal na naglaro si Salvador para sa Purefoods Chunkee Giants sa PBA mula 2005 kung kailan napili siya bilang 4th overall pick hanggang 2011. Naglaro rin siya para sa …

Read More »

Hawkeyes nakaresbak sa PBA D-League (Thunder dumalawang sunod)

BININGI ng Flying V Thunder ang Gamboa Coffee Mix Lovers, 119-105 upang iposte ang kanilang ikalawang su-nod na panalo habang nakabalikwas ang Cignal Hawkeyes mula sa unang talo sa pagbaon nila sa Zark’s Jawbreakers, 107-69 sa pagpapatuloy ng PBA D-League Foundation Cup Ynares Sports Arena sa Pasig City kahapon. Sinundan ni Jeron Teng ang kanyang pagputok sa 33 puntos kontra …

Read More »

Pacquiao nasa GenSan na para sa pagsasanay

NASA General Santos City na si Manny Pacquiao kasama ang kanyang kampo upang doon ipagpatuloy ang pagsa-sanay para sa laban niya kontra Jeff Horn  sa  2 Hulyo. Lumipad sila patu-ngong timog ng bansa kahapon ng u-maga  sa  kabila ng ipinatutupad na Batas Militar sa buong kapuluan ng Min-danao para sa mas puspusan at pribadong pagsasanay. Nag-ensayo si Pacman sa Elorde …

Read More »

Sports broadcasting legend Velez pumanaw na

ISANG alamat ang pumanaw na itinuturing na haligi sa mundo ng Philippine Sports. Ang Philippine sports broadcasting legend na si Carlos “Bobong” Velez ay pumanaw kamakalawa ng gabi. Si Velez, 71-anyos, ang nagtayo ng Vintage Enterprises — ang naging tahanan ng Philippine Basketball Association sa loob ng dalawang dekada. Kasama ang kapatid na si Ricky, binuo ang sports broadcasting network …

Read More »

Cavs reresbak, Warriors lalayo sa 2-0

TATANGKAING bumalikwas ng Cleveland Cavaliers habang susubukang lumayo ng Golden State Warrior sa kanilang muling harapan sa Game 2 ng best-of-7 NBA Finals ngayon sa Oracle Arena sa Bay Area. Ibinaon ng Warrios ang Cavs sa Game 1 para sa kanilang ika-13 sunod na panalo sa playoffs. Buhat nang magsimula ang post-season, hindi pa nadudungisan ang Warriors. Muli silang sasandal …

Read More »

Ikatlong yugto ng Cavs-Warriors sisiklab ngayon

MATAPOS ang isang linggong paghihintay ng basketball fans sa buong mundo, sa wakas ay masasaksihan na ang pinaka-inaabangang trilogy ng salpukang Golden State Warriors at Cleveland Cavaliers. Magpapang-abot ngayon, sa ganap na 9:00 am (Manila time) ang dalawang koponan para sa Game 1 ng 2016-2017 Finals sa bahay ng Warrior sa Oracle Arena sa Bay Area. Ito ang kauna-unahang pagkakataon …

Read More »

Akhuetie sabik nang makalaro para sa UP

NANG itarak ni Paul Desiderio ang nagliliyab na tres sa panalo ng UP kontra FEU sa Filoil Flying V Preseason Premier Cup kamakalawa, ‘di magkamayaw ang talon at nakabibingi ang sigaw ng bagong Fighting Maroon na si Bright Akhuetie mula sa kanyang kinauupan sa likod ng kanilang bench. Nanalo ang Fighting Maroons, 71-68 para ibigay sa Tamaraws ang kanilang unang …

Read More »

Tamaraws dinungisan ng Maroons

GINUHITAN ng UP Fighting Maroons ang dati’y malinis na kartada ng FEU Tamaraws nang manggulat sila sa 71-68 panalo kamakalawa sa Filoil Flying V Pre-season Premier Cup sa San Juan City. Inakyat ng UP ang 10 puntos na pagkakatambak sa huling mga minuto upang itarak sa FEU ang una nitong talo sa torneo. Tinablahan ng Fighitng Maroons ang kanilang biktima  …

Read More »

Federer kampeon sa Indian Wells, Kerber, #1 ulit

PINALO ni Roger Federer ang kanyang ika-lawang sunod na kampeonato buhat nang hamigin ang Australian Open nitong Enero nang angkinin ang BNP Paribas Open title sa Indian Wells, California kamakalawa. Ginapi niya ang kababayan sa Switzerland na si Stan Wawrinka, 6-4, 7-5 upang kolektahin ang kanyang ikalimang titulo sa natu-rang torneo at maging pinakamatandang kam-peon sa Indian Wells sa edad …

Read More »

PacMan, tila bilasang isda na inilalako ni Arum (Wala na nga bang patol?)

NITONG nagdaang dekada, tila paborito ng bayan kung pilahan ang putaheng may sahog ni Manny “Pacman” Pacquiao. Kabi-kabila, kaliwa’t kanan, ano mang isla sa arkipelago ng Filipinas o saan mang sulok ng bilog na mundo, patok na patok, walang palya, swak na swak si Pacman sa panlasang pang-karinderia man o mamahaling restaurant. Sino bang mahihirapang i-market ang Fighter of the …

Read More »

Blue Eaglets humirit ng do-or-die

MAYROON pang bukas para sa Ateneo Blue Eaglets. Ito ay matapos nilang pupugin ang Far Eastern University Baby Tamaraws, 75-56 na may twice-to-beat advantage sa kanilang duwelo sa UAAP Juniors Basketball Final Four sa Filoil Flying V Arena sa San Juan City kahapon. Dahil sa panalo, nakahirit ang Blue Eaglets ng rubber match na nakataya ang isang silya sa UAAP …

Read More »

NBA players of the week: James, naghari sa East; Griffin, West inangkin

PINANGALANANG National Basketball Association (NBA) Players  of the Week sina LeBron James ng Cleveland Cavaliers at Blake Griffin ng Los Angeles Clippers para sa nakalipas na linggo. Kinarga ni James sa kanyang mga numerong 25.5 puntos at 11.3 assists at 5.3 rebounds ang Cavaliers tungo sa 3-1 baraha upang isubi ang parangal na Eastern Conference Player of the Week. Kinatampukan …

Read More »

Pacquiao vs Horn sa UAE, kasado na

“SEE you in UAE for my next fight.” Iyan ang mismong mga kataga ni ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao sa kanyang personal na twitter account na @mannypacquiao kamakalawa upang kumpirmahin ang susu-nod na laban sa Abu Dhabi, United Arab Emirates kontra undefeated Australian Jeff Horn sa darating na 23 Abril. Salungat sa mga naunang ulat na sa hometown ni Horn sa …

Read More »

Wesley So wala pang talo sa 44 salang

HINDI pa natatalo si Wesley So sa 44 salang simula noong nakaraang taon matapos makakuha ng tabla kay world champion Magnus Carlsen sa ginaganap na Tata Steel tournament sa Netherlands. Dahil sa patuloy na pagratsada, mula sa ika-sampu noong nakaraang taon ay umakyat sa ikaapat na ranggo si Grand Master So sa pinakabagong World Chess Federation Rankings (FIDE). Matatandaang nakasungkit …

Read More »