Friday , September 20 2024

Ikatlong yugto ng Cavs-Warriors sisiklab ngayon

MATAPOS ang isang linggong paghihintay ng basketball fans sa buong mundo, sa wakas ay masasaksihan na ang pinaka-inaabangang trilogy ng salpukang Golden State Warriors at Cleveland Cavaliers.

Magpapang-abot ngayon, sa ganap na 9:00 am (Manila time) ang dalawang koponan para sa Game 1 ng 2016-2017 Finals sa bahay ng Warrior sa Oracle Arena sa Bay Area.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng NBA na maghaharap sa tatlong sunod na Finals ang dalawang koponan.

Nanalo sa una nilang sagupaan noong 2015 ang Warriors, 4-2 at itinanghal na MVP si Andre Iguoadala ngunit maraming nagsasabing naiba sana ang resulta kung nakapaglaro para sa Cavs ang mga injured noon na sina Kevin Love at Kyrie Irving.

Sa ikalawang tapatan noong 2016, bumalikwas ang Cavaliers nang burahin ang 3-1 abante ng Warriors at kompletohin ang pinakamalaking pagbalik sa serye sa kasaysayan ng NBA. Nanalo ang Cavs 4-3 at pinarangalang Finals MVP si LeBron James.

Hindi ito nakaligtas sa puna dahil nasuspendi sa Game 5 si Draymond Green sa limit na technical fouls sa playoffs, may iniindang injury si Stepheh Curry gayondin si Iguodala at hindi na nakalaro mula Game 6 si Andrew Bogut.

Ngayong taon, wala nang dahilan ang bawat koponan dahil parehong malusog at todo ang puwersa sa kanilang tie-breaker.

May mga bagong mukhang mapapanood sa Finals na paparating kompara sa naunang dalawang taon.

Sasandal ang Warriors kina Curry, Green at Thompson at sa bagong karagdagang puwersa na si Kevin Durant, ang NBA 2014 MVP.

Samantala, aasa ang Cavs sa Big3 nito na sina Love, Irving at James pati na sa mga bagong tirador na sina Deron Williams at Kyle Korver.

Lalaruin sa Oracle Arena ang Games 1 at 2 dahil sa homecourt edge ng Warriors bilang numero unong koponan sa buong NBA habang sa Cleveland naman ang Game 3 at 4. Kung sakaling ‘di pa tapos ang serye, balik sa Warriors sa Game 6, Game 5 sa Cleveland at sa Golden State uli sa Game 7.  (JBU)

About John Bryan Ulanday

Check Also

Jasmin Bungay

BPCI nanguna sa publilc send off kay Bb. Pilipinas – Globe 2024 para sa kompetisyon sa Albania

PINANGUNAHAN ng Bb. Pilipinas Charities Inc. (BPCI) kasama ang mga tagahanga at tagasuporta ng patimpalak …

Cayetano Kailangan ng matibay na pundasyon para sa FIVB 2025 sa Pilipinas

Cayetano: Kailangan ng matibay na pundasyon para sa FIVB 2025 sa Pilipinas

Habang naghahanda ang Pilipinas para sa solo hosting ng FIVB Volleyball Men’s World Championship Philippines …

Pambansang Koponan na Padel Pilipinas handa na para sa Asia Pacific Padel Cup

Pambansang Koponan na Padel Pilipinas handa na para sa Asia Pacific Padel Cup

INIHAYAG ng Padel Pilipinas, ang opisyal na Padel Federation ng bansa na kinikilala ng Philippine …

Mga Linya ng Laban sa FIVB Volleyball Mens World Championships

Mga Linya ng Laban sa FIVB Volleyball Men’s World Championships

NAITALA na ang mga linya ng laban, kasama ang Alas Pilipinas, ang back-to-back Olympic champion …

SWIM BATTLE A Thrilling Finale to the Swim League Philippines Season

SWIM BATTLE: A Thrilling Finale to the Swim League Philippines Season

The Swim League Philippines (SLP) concluded its season with a resounding finale, the SWIM BATTLE, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *