Wednesday , December 25 2024

John Bryan Ulanday

Nabong sinuspendi ng Meralco

PINATAWAN ng suspensiyon ng Meralco Bolts si Kelly Nabong makaraan ang alitan kontra sa assistant coach na si Jimmy Alapag. Magugunitang sa Game 1 ng PBA Govs’ Cup semis sa pagitan ng Bolts at Star Hotshots noong linggo ay nagkakomprontahan si Nabong at si Alapag sa time-out na krusyal na hinahabol ng Meralco ang 11 puntos na pagkakabaon sa huling …

Read More »

Eze tanggal na sa NCAA MVP race

TULUYAN nang natanggal sa mainit na karera ng Most Valuable Player si Prince Eze matapos ang pagkawala ng tsansa ng Perpetual na makapasok sa Final Four ng NCAA Season 93. Kasalukuyang nangunguna sa karera, wala nang tsansang magtapos sa unahan ang Nigerian na si Eze dahil sa pagkakatalo ng Altas sa nagdedepensang kampeon na San Beda Red Lions, 55-50 kamakalawa. …

Read More »

Cardona nagbalik sa PBA

MATAPOS ang isang taong pagkawala, sa wakas ay nakatapak nang muli sa PBA court ang sikat na manlalarong si Mark Cardona. Kamakalawa nga ay nagbalik na sa propesyonal na liga si Cardona para sa Globalport Batang Pier. Bagamat nagkasya siya sa 4 puntos, isang pambihihrang pangarap na muling natupad para kay Cardona, pag-amin niya. Ang dating PBA Finals MVP ay …

Read More »

Ex-SMB import gustong maglaro sa Gilas

NAGPAHAYAG ng kagustuhan ang dating import ng San Miguel na si Charles Rhodes upang maglaro sa pambansang koponan na Gilas Pilipinas. “Hello Coach, I want to play for you and the Philippines,” anang 2017 PBA Commissioner’s Cup Best Import. Lumutang ang pangalan ng Beermen import na gumabay sa kanila sa unang kampeonato sa Commissioner’s Cup sa loob ng 17 taon …

Read More »

Pacquiao, kumambiyo sa Horn rematch ngayong taon

HINDI magagawa ni Manny Pacquiao ang kanyang tangkang paghihiganti sa karibal na si Jeff Horn ngayong taon. Ito ay matapos tumanggi ang Pambansang Kamao sa nakatakdang rematch sa 12 Nobyembre 2017 dahil sa responsibilidad bilang Senador ng Filipinas. Ayon kay Dean Lonergan na promoter ng Australiano na si Horn, nakatakda ang 8-division world champion na maging bahagi ng delegasyon ng …

Read More »

Pennisi, nagretiro na

MATAPOS ang 17 taon, nagdesisyon nang isabit ni Mick Pennisi ang kanyang jersey sa PBA. Nagretiro na kamakalawa ang sentro ng Globalport Batang Pier matapos ang 119-112 panalo nila kontra TNT KaTropa sa Antipolo City. Ang kaliweteng sentro ay malapit na sanang umabot sa 5,000-point club ngunit kinapos dahil sa kanyang poultry business sa Thailand. Kulang na lamang sa 33 …

Read More »

James nagpasiklab sa MOA

SA hinaba-haba ng prusisyon, sa Maynila rin ang tuloy. Naunsyamin man noong nakaraang tao, tinupad ni NBA Superstar LeBron James ang kanyang pangakong pagbabalik sa Maynila nang magpasiklab kamakalawa sa kanyang Strive For Greatness Show Tour sa Mall of Asia (MOA) Arena, Pasay City. Pinangunahan ni James ang 92-71 panalo ng kanyang koponan na Gilas Youngbloods kontra sa Gilas OGs …

Read More »

Westbrook, James pinarangalan ng NBPA

SINEGUNDAHAN ng National Basketball Players Association ang parangal na MVP kay Russel Westbrook nang tanghalin din siyang MVP mula sa mga boto ng manlalaro ng NBA mismo kamakalawa. Dalawang buwan matapos pangalanang MVP para sa 2016-2017 season ng NBA mismong mga miyembro ng pahayagan ang bumoto, gayundin ang nakuhang parangal ng Oklahoma City Thunder superstar mula naman sa mga kapwa …

Read More »

Bandila ng Indonesia nabaliktad sa SEAG guidebook

UMANI ng kritisismo ang mga namamahala sa 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia matapos ang pagkakamali sa bandila ng Indonesia sa ipinamahaging souvenir guidebook sa lahat ng pinuno ng miyembrong nasyon. Imbes pula sa ibabaw at puti ang nasa ilalim, nabaliktad ang imprenta ng bandila ng Indonesia at nagmukhang Poland, bagay na ikinadesmaya ni Indonesia Olympic Committee Chairman …

Read More »

PBA, Chooks To Go, mananatiling nasa likod ng Gilas

BAGAMAT nagtapos sa hindi inaasahang puwesto ang Gilas Pilipinas 2017 FIBA Asia Cup, isa lang ang sigurado sa paparating na hinaharap – at iyon ang suporta ng PBA at ng tagasuporta ng pambansang koponan na Chooks-To-Go. Sa pagkakapit-bisig ng PBA na pamumuno ni Commissioner Chito Narvasa at Bounty Agro-Ventures sa pangunguna ni Ronald Mascariñas kasama rin ang Samahang Basketbol ng …

Read More »

SEAG Gilas, babawi para sa mga kuyang dumapa sa FIBA Asia

“IBABAWI namin ang mga kuya namin.” Iyan ang emosyonal na kataga ng Gilas Pilipinas na patungong Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia para ialay ang sariling laban sa mga nagaping kapa-tid sa FIBA Asia Cup sa Beirut, Lebanon sa ginanap na send-off kahapon sa Shangrila Hotel sa Mandaluyong City na inihanda ng Gilas patron — ang Chooks-to-Go. Ang sana’y …

Read More »

Bradley nagretiro na rin

ISA-ISA, nagsasabit na ng kanilang mga boxing gloves ang mga nakalaban ni Manny Pacquiao sa ibabaw ng lona. Isang araw matapos mag-anunsIyo ng pagreretiro si Juan Manuel ‘Dinamita’ Marquez, sumunod agad ng yapak si Timothy ‘Desert Storm’ Bradley. Matapos magkomentaryo sa sagupaang Vasyl Lomachenko at Miguel Marriaga sa Los Angeles, California kamakalawa. Pinakanakilala si Bradley sa tatlong laban kontra ‘Pambansang …

Read More »

Rain or Shine itinulak si Chan pa-Phoenix

ISA-ISA nang nalalagas ang mga piraso ng dati’y malupit at matatag na Rain or Shine Elasto Painters. Ito ay matapos ngang itulak ng Rain or Shine ang batikang tirador na si Jeff Chan patungong Phoenix Fuel Masters kahapon sa kalagitnaan ng 2017 PBA Governors’ Cup elimination round. Mapupunta ang Negros Sniper na si Chan sa Phoenix kapalit ni Mark Borboran …

Read More »

Gilas handa nang mandagit sa FIBA Asia Cup

HANDA na ang Gilas Pilipinas na makipagtapatan sa pinakamagagaling na bansa sa kontinente sa pagsisimula ng FIBA Asia Cup 2017 sa Beirut, Lebanon. Simula na ang FIBA Asia ngayon at tatagal hanggang 20 Agosto — araw na tangkang matanaw ng Filipinas hanggang dulo tulad ng nagawa noong edisyon ng 2013 at 2015. Bukas pa, 9 Agosto ang unang laban ng …

Read More »

‘Dinamita’ Marquez nagretiro na

OPISYAL nang nagwakas ang alamat ni Juan Manuel ‘El Dinamita’ Marquez sa ibabaw ng pinilakang lona. Ito ay matapos niyang ianunsiyo ang pagreretiro sa boxing kamakalawa sa palabas na Golpe A Golpe sa ESPN Deportes at ESPN Mexico na siya ay isang boxing analyst. Pinakanakilala ang 43-anyos na si Marquez sa apat na makasaysayang 4 na serye ng laban kontra …

Read More »

Bryant, angat pa rin kay James (Para kay Jordan)

SA paglipas ng panahon, hindi pa rin nagbabago ang opinyon ng itinuturing na Greatest of All-Time o GOAT na si Michael Jordan tungkol sa debate sa pagitan ng mga sumalo ng kanyang trono at nabansagan ding pinakamalupit na karibalan sa NBA sa pagitan nina LeBron James at Kobe Bryant. Noong 2013, panahon na isa pa lamang ang kampeonato ni James …

Read More »

Cone: Thompson estilong Lonzo Ball

DATI, naikompara ni Barangay Ginebra coach Tim Cone ang kanyang manok na si Scottie Thompson sa noo’y hindi pa MVP na si Russel Westbrook ng Oklahoma City Thunder dahil sa mga pambihirang rehistro ng rebounds bilang guwardiya. Sa pagbabalik ni Greg Slaughter na siyang nagtulak kay Thompson sa natural niyang posisyon at hindi na sumingit sa ilalim para sumikwat ng …

Read More »

Tenorio itinanghal na PBA Player of the Week

MATAPOS pangunahan ang pagsagasa ng Barangay Ginebra sa Globalport kamakalawa, sinungkit ni LA Tenorio ang PBA Press Corps Player of the Week na parangal para sa ikalawang linggo ng 2017 PBA Governors’ Cup. Pumukol ang 33-anyos na ‘Gineral’ ng 29 puntos sahog na ang 5 tres, 5 rebounds at 4 assists sa 124-108 madaling panalo ng Gin Kings kontra Batang …

Read More »

Gilas ‘di paaawat sa FIBA Asia at SEAG

MAAARING magapi ang Gilas sa darating na mga laban, ngunit hindi kailanman madadaig ang laban na nasa puso ng bawat manlalaro. Iyan ang tiniyak ni Coach Chot Reyes papalapit sa FIBA Asia Cup at Southeast Asian Games sa welcome party at press conference na inihanda ng Chooks-To-Go para sa Gilas Pilipinas kamakalawa sa Marco Polo Hotel sa Ortigas, Pasig City …

Read More »

Cruz, pinarangalan ng Chooks-To-Go ng sportsmanship award

NASAKTAN man nang matindi sa pakikipagbanggaan at pakikipagpalitan ng mukha sa mga karibal sa Asya sa nakalipas na 39th William Jones Cup sa Taiwan, hindi nagpatinag si Carl Bryan Cruz at nanatiling kalmado ang isipan bagamat nag-aalab ang puso. Dahil sa tahimik na pagbalikwas sa mga sakit na natatanggap sa pamamagitan ng pagbuslo ng mga umaapoy na tres bilang sagot, …

Read More »

Perlas, nagkasya sa ikapitong puwesto sa FIBA Asia Women’s Cup

NAKAIWAS sa kulelat na puwesto ang Perlas Pilipinas nang talunin ang North Korea, 78-63 upang maisalba ang ikapitong puwesto sa FIBA Asia Women’s Cup sa Bangalore, India kamakalawa. Sa unang pagtapak sa Division A matapos pagreynahan ang Divison B noong 2015, nablanko sa unang limang salang ang Perlas kontra sa mga pinakamalalakas na kababaihan sa Asya bago nakasungkit ng huling …

Read More »

Uichico sa SEAG, Reyes sa FIBA

MAGHAHATI ng trabaho sina Gilas Pilipinas coach Chot Reyes at assistant coach Jong Uichico sa paparating na Southeast Asian Games at FIBA Asia Cup. Dahil magpapang-abot ang SEAG at FIBA Asia sa Agosto, tulad ng mga manlalaro ay mahahati rin ang coaching staff ng Gilas, ayon kay Nelson Beltran ng Philippine Star. Si Coach Uichico ang magiging punong-gabay ng Gilas …

Read More »

Wall, Wizard pa rin

PUMIRMA ng apat na taong supermax extension contract si John Wall para manatili sa Washington Wizards. Tinintahan na ni Wall ang $170M kamakalawa para sa kontratang magsisimula sa 2019 ayon kay Adrian Wojnarowski ng ESPN. Dahil sa pananatili sa Wizards, buo pa rin ang Big 3 na sina Wall, Otto Porter at Bradley Beal na pumang-apat sa Eastern Conference noong …

Read More »

Pierce magreretiro bilang Celtic

  SAAN ka man magpunta, anila, ay babalik ka pa rin kung saan ka nagmula. Matapos ang apat na taong paglilibot sa ibang koponan, balik Boston Celtics si Paul Pierce ngunit hindi upang maglaro pa kundi u-pang mag-retiro na. Nauna nang inihayag ni Pierce noong nakaraang 2016-2017 NBA Season na magreretiro na siya ngunit kinailangan pa ni-yang tapusin ang kontrata …

Read More »