Monday , November 29 2021

Perlas, nagkasya sa ikapitong puwesto sa FIBA Asia Women’s Cup

NAKAIWAS sa kulelat na puwesto ang Perlas Pilipinas nang talunin ang North Korea, 78-63 upang maisalba ang ikapitong puwesto sa FIBA Asia Women’s Cup sa Bangalore, India kamakalawa.

Sa unang pagtapak sa Division A matapos pagreynahan ang Divison B noong 2015, nablanko sa unang limang salang ang Perlas kontra sa mga pinakamalalakas na kababaihan sa Asya bago nakasungkit ng huling panalo sa kulelat na North Korea para sa puwestohan sa kauna-unahang panalo.

Natambakan ang Filipinas sa mga bigating reyna sa Asya na Japan, China, Chinese-Taipei, South Korea at ang kasama na rin ngayon sa FIBA Asia na Australia.



Nanguna si Alyanna Lim sa 16 puntos para sa Perlas na tinalo rin ang North Korea noong 2015, 68-67 sa nakaraang FIBA Asia Women’s 2015 sa Wuhan, China para ma-promote mula Divison B pa-Division A.

Samantala, nagkampeon ang Japan sa ikatlong sunod na pagkakataon nang umeskapo sa Australia, 74-73 sa Finals. Tumersera ang China nang tambakan ang Japan sa battle for bronze, 75-51.

Ikalima ang Chinese Taipei, sumunod ang New Zealand, Filipinas at North Korea.

Dahil hindi kulelat, hindi babalik sa Division B ang Filipinas at mananatili sa pinaka-prestihiyosong dibisyon ng pambabaeng basketbol sa Asya. (JBU)



About John Bryan Ulanday

Check Also

Jonas Sultan, Carlos Caraballo

Sultan tinibag si Caraballo via unanimous decision

HINDI kinatakutan ni Pinoy boxer at dating world title challenger Jonas Sultan ang karta ni …

Logan Paul, Mike Tyson

Tyson vs Paul sa Pebrero 2022

KINUMPIRMA ni dating undisputed heavyweight champion Mike Tyson na babalik siya sa boxing ring sa …

Dwight Ramos, Toyama Grouses

Aomori tinambakan ng Toyoma, 105-71

PINAGPAHINGA na lang si Dwight Ramos ng Toyama Grouses nang tambakan nila ang Aomori Wat’s sa iskor …

Floyd Mayweather, Michael Jordan, David Beckham

Jordan mas mayaman pa kina Mayweather at Beckham

TINATAYANG sina Floyd “Money” Mayweather at David Beckham ang pinakamayamang atleta  sa lahat ng panahon, …

PSC, PSI, NSCCC

300 coaches nakinabang sa PSC’s sport-specific lectures

NAKATANGGAP ang 300 partisipante  ng online sports specific lectures sa athletics, badminton, at volleyball sa …

Leave a Reply