Wednesday , July 6 2022

Pennisi, nagretiro na

MATAPOS ang 17 taon, nagdesisyon nang isabit ni Mick Pennisi ang kanyang jersey sa PBA.

Nagretiro na kamakalawa ang sentro ng Globalport Batang Pier matapos ang 119-112 panalo nila kontra TNT KaTropa sa Antipolo City.

Ang kaliweteng sentro ay malapit na sanang umabot sa 5,000-point club ngunit kinapos dahil sa kanyang poultry business sa Thailand.

Kulang na lamang sa 33 puntos, nagretiro na si Pennisi at iniwan sina Jayjay Helterbrand, Asi Taulava at Dondon Hontiveros bilang mga natitirang manlalaro na nasa 40 anyos pataas.

Ang 42-anyos na si Pennisi ay nag-kampeon nang limang beses sa kanyang karera — 3 sa Red Bull at 2 sa San Miguel.

Naglaro rin si Pennisi para sa Barako, Star, Phoenix at huli nga ay sa Globalport.

Nagrehistro siya ng 7.6 puntos, 5.3 rebounds at 1.2 assists sa 35 porsiyentong tikada mula sa tres sa kanyang 17-taong karera.

Kabilang si Pennisi ng natatanging walong manlalaro na nakapagbuslo ng 700 o higit pang tres sa kasaysayan ng PBA. (JBU)

About John Bryan Ulanday

Check Also

Celia H Kiram PSC Rise Up Shape UP

 ‘Laro’t Saya sa Parke’ pinalawak ng PSC

BILANG suporta ng Philippine Sports Commission’s (PSC) para i-promote at patatagin ang sports development sa …

Kai Sotto

Kai Sotto ‘di  maglalaro sa FIBA Asia Cup

KINUMPIRMA ni  Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) programa director Chot Reyes na hindi makakasama si …

Canelo Alvarez Gennadiy Golovkin

Suntok ni Canelo walang epekto kay Golovkin

NEW YORK–Maraming katangian si Canelo Alvarez pagdating sa pakikipaglaban sa ring  pero hindi naniniwala  si …

Ronald Titong Dableo Sheerie Joy Lomibao-Beltran

GM candidate Dableo lalahok  sa WFM Lomibao-Beltran Rapid Open chess tournament

NAKATUTOK ang chess aficionados   kay Grandmaster candidate at International Master Ronald Titong Dableo sa pagtulak …

Mark Magsayo

Mark Magsayo may kahinaan na dapat ayusin

NAGPAPAALALA si boxing trainer Nonito Donaire Sr.  kay  WBC world featherweight champion Mark Magsayo na …

Leave a Reply