Sunday , December 5 2021

Bandila ng Indonesia nabaliktad sa SEAG guidebook

UMANI ng kritisismo ang mga namamahala sa 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia matapos ang pagkakamali sa bandila ng Indonesia sa ipinamahaging souvenir guidebook sa lahat ng pinuno ng miyembrong nasyon.

Imbes pula sa ibabaw at puti ang nasa ilalim, nabaliktad ang imprenta ng bandila ng Indonesia at nagmukhang Poland, bagay na ikinadesmaya ni Indonesia Olympic Committee Chairman Erick Thohir.

Kapabayaan aniya ito ng mga nag-organisa ng naturang ipinamahaging guidebook at kinakailangan umanong bawiin at palitan agad ng bagong imprenta.

Hindi ito nagustuhan ng Indonesia sa mismong pagbabahagi ng guidebook kamakalawa ng gabi sa idinaos na opening ceremony sa Bukit Jalil National Stadium sa Kuala Lumpur dahil sa lahat ng bansa, anila ay sa kanila pa ang namali.

Nagningas ang bahagyang pagtatalo ng mga Indonesians at Malaysians sa social media.

Halos pareho ng kultura, relihiyon at lengguwahe ang dalawang magkapit-bahay na bansa.

Sampung beses nang nagkampeon sa SEA Games ang Indonesia habang isang beses pa lamang ang host ngayon na Malaysia. Huling sinungkit ng Indonesia ang kabuuang titulo noong 2011 sa Palembang at Jakarta habang ang Malaysia naman ay noong 2001 nang ganapin din ang kada-dalawang taon na patimpalak sa Kuala Lumpur, Malaysia. (JBU)

ni John Bryan Ulanday

About John Bryan Ulanday

Check Also

Luke Walton Alvin Gentry

Coach Luke Walton tinanggal ng Sacramento Kings

NA-PROMOTE si Sacramento Kings associate head coach Alvin Gentry sa interim head coach pagkaraang sipain …

Conor McGregor

Conor McGregor sasabak sa Octagon sa 2022

NANINIWALA si Conor McGregor na nasa unahan siya ng pila para sa 155-pound title shot   …

Denice Zamboanga Drex Zamboanga

Denice, Drex Zamboanga magbabalik-Pilipinas

MAGBABALIK sa bansa  si Filipina ONE Championship Atomweight Denice “Lycan Queen” Zamboanga pagkaraan ng mahaba-haba …

Miguel Leon Tyson Mike Tyson

Anak ni Iron Mike gustong lumaban sa England

IPINAKITA ni Miguel Leon Tyson, anak ng pamosong dating heavyweight champion Iron Mike Tyson, ang …

Kamaru Usman Canelo Alvarez

UFC’s Usman gustong makaharap sa ring si Canelo

INULIT ni UFC welterweight champion Kamaru Usman ang matindi niyang hamon kay super middleweight boxing …

Leave a Reply