Monday , November 25 2024

John Bryan Ulanday

Warriors, silat pa rin kay Lillard, Blazers (Sa kabila ng 50 puntos ni Durant)

Kevin Durant Damian Lillard golden state warriors portland trail blazers

HINDI pa rin sumapat ang 50 puntos ni Kevin Durant upang maiwasan ng kanyang koponan na Golden State ang ngitngit ni Damian Lillard at ng Portland. Pinantayan ni Lillard ang lakas ni Durant sa pagtarak ng 44 puntos at 8 assists u­pang makompleto ng Trail Blazers ang pagsilat sa nag­dedepensang kampeon na Warriors, 123-117 sa umiinit na 2017-2018 National Basketball …

Read More »

Wilson ng Phoenix, tinanghal na PoW

KALABAW lang ang tumatanda. Iyan ang pinatunayan ng beteranong si Willie Wilson matapos ngang sungkitin ang Player of the Week na parangal ng Philippine Basketball Association Press Corps mula 22 hanggang 28 ng Enero. Pinangunahan ng 37-anyos na beterano ang 87-82 pagsilat ng palabang Phoenix Fuel Masters kontra Barangay Ginebra para iangat ang kanilang kartada sa 3-3 papasok sa kalagitnaan …

Read More »

Ross, pinagmulta: Mga opisyal, suspendido

NAGPATAW ng multa at suspensyon ang Philippine Basketball Association sa mga personalidad na sangkot sa free throw fiasco na tumapok sa kontrobersyal na pagtatapos ng 100-96 tagumpay ng Ginebra kontra San Miguel sa 2018 PBA Philippine Cup kamakalawa. Tumatagintin na P20,000 na multa ang ipinataw kay Chris Ross ng San Miguel bunsod ng paglalahad ng ‘di angkop na pahayag na …

Read More »

Bryant nominado sa Oscars

KUNG sakali, isang tropeo ang maaaring masungkit ng National Basketball Association legend na si Kobe Bryant. At ito ay hindi sa NBA kundi sa prestihiyosong Academy Awards o Oscars. Ang tulang isinulat ng 39-anyos na si Bryant na “Dear Basketball” ay nominado sa animated short category ng Oscars kasama ang Disney animator na si Glen Keane na siyang nag-direk ng …

Read More »

San Beda dadayo sa Dubai

BILANG paghahanda sa misyong grand slam na kampeonato sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 94, mangingibang bansa ang San Beda Red Lions upang sumali sa 29th Dubai International Basketball Tournament mula 19-26 Enero sa United Arab Emirates. Kinompirma mismo ni San Beda team manager Jude Roque kamakalawa. “We got this rare invitation to join this prestigious tournament, and represent …

Read More »

Marcial swak para maging commissioner — Sy

HABANG hindi nakahahanap ng bagong Commissioner ang Philippine Basketball Association, nabanggit ni Blackwater owner Dioceldo Sy ang isang pangalang pamilyar at beterano sa liga. Walang iba kundi ang officer-in-charge na si Willie Marcial na itinuturing ni Sy bilang pinaka-swak sa bakanteng posisyon sa PBA. “He’s very capable and deserving,” ani Sy sa isang panayam kamakalawa, bago masilat ng kanyang Blackwater …

Read More »

Gonzales, bagong coach ng La Salle

ITINALAGANG bagong head coach ng La Salle Green Archers ang dating top deputy na si Louie Gonzales. Ito ay matapos lumutang kahapon ang umano’y pagpupulong na ginanap noong nakaraang Biyernes sa San Miguel headquarters noong nakaraang Biyernes kung saan nga ay binasbasan ng La Salle chief patron na si Danding Cojuanco si Gonzales bilang bagong head coach. Noong nakaraang Martes, …

Read More »

Balkman, sabik nang magpakilala muli

PINAGSISIHAN na ni Renaldo Balkman ang kanyang mga nagawa sa nakaraan at sabik na ngayong magpakilalang muli matapos ngang kunin na import ng Tanduay-Alab Pilipinas sa idinaraos na 2017-2018 Asean Basketball League. Magugunitang noong 2013, nasangkot si Balkman sa isang kagimba-gimbal na insidente sa Philippine Basketball Association nang sakalin niya ang sariling kakampi sa Petron na si Arwind Santos. Bunsod …

Read More »

Super Rookie: Ravena beterano kung lumaro

HINDI isang bagito kundi beterano kung gumalaw ang super rookie na si Kiefer Ravena matapos ang pagpapasiklab sa kanyang unang dalawang laro sa Philippine Basketball Association. Napili bilang ikalawang overall pick ng NLEX Road Warriors sa 2017 PBA Rookie Draft, unti-unti ay pinapatunayan ng 24-anyos na si Ravena na isa siya sa mga dapat katakutan sa kalaunan ng kanyang karera. …

Read More »

Warriors, ‘di pinatawad ang Cavs (Walang Pasko-Pasko)

KAHIT Pasko ay hindi pa rin pinagbigyan ng nagdedepensang kampeon na Golden State Warriors ang karibal na Cleveland Cavaliers nang ungusan ito, 99-92 kahapon sa Christmas Game offering ng 2017-2018 National Basketball Association Season sa Oracle Arena sa Oakland, California. Binuhat ng nagdedepensang Finals Most Valuable Player na si Kevin Durant and Warriors sa unang bahagi bago nga ipaubaya kay …

Read More »

Dalawang jersey ni Kobe Bryant ireretiro ngayon

ITATAAS na ngayon sa bubong ng Staples Center sa Los Angeles California ang dalawang jersey ni Lakers legend Kobe Bryant. At simula sa araw nito ay magiging imortal at alamat na sa kasaysayan ng Los Angeles Lakers ang kanyang pangalan at mga numero. At ito nga ang numero 8 at 24 na jersey ni Bryant na ireretiro ng Lakers ngayon …

Read More »

Perkins, ‘di kontento sa unang laro sa PBA

NAKAPAGLISTA man ng mga solidong numero, inamin ni Jason Perkins na hindi siya kontento sa unang opisyal na laro niya sa Philippine Basketball Association. Dinaig ng nagdedepensang kampeon na San Miguel ang Phoenix, 104-96 sa pagbubukas ng ika-43 taon Philippine Basketball Association sa Smart-Araneta Coliseum kamakalawa. Kumayod si Perkins ng 10 puntos, 9 rebounds, 2 assists at 1 steal sa …

Read More »

Alab naka-isa rin

NAIGUHIT na ng Alab Pilipinas sa wakas ang una nitong panalo sa Asean Basketball League nang tupukin ang Formosa Dreamers, 78-61 sa Changhua County Stadium sa Taiwan kamakalawa. Umangat sa 1-3 ang kartada ng Alab para bigyan din ng kauna-unahang panalo si Jimmy Alapag sa propesyonal na karera bilang punong-gabay. Hindi nakapaglaro ang isang import ng Alab na si Ivan …

Read More »

Marcial PBA OIC (Narvasa, nagbitiw na sa puwesto)

NAGBITIW na sa kanyang puwesto bilang Commissioner ng Philippine Basketball Association si Chito Narvasa at hahalili sa kanya bilang Officer-in-Charge o OIC Si Media Bureau chief Willie Marcial. Ito ang kagimbal-gimbal na ulat na inianunsiyo ng PBA Board of Governors kahapon sa biglaang press conference ilang minuto bago ang opening ng 43rd season ng PBA. Ayon sa board, isinumite ni Narvasa …

Read More »

60th triple double para kay James (Cavs pinaluhod ang Jazz)

ITINARAK ni LeBron James ang ika-60 niyang triple double upang pangunahan ang 109-100 panalo ng Cleveland kontra Utah Jazz sa umiinit na 2017-2018 National Basketball Association kahapon. Naglista ang 32-anyos na si James ng 29 puntos, 10 assists at 11 rebounds para sa Cavs na umangat sa 22-8 kartada. Bunsod nito, naungusan ni James si Larry Bird bilang ikaanim na …

Read More »

Standhardinger patuloy sa pagpapasiklab

SA ika-apat na sunod na pagkakataon, binuhat muli ni Christian Standhardinger ang kanyang koponan na Hong Kong Eastern upang mapanatiling walang bahid ang kartada sa Asean Basketball League.   Naglista ang Filipino-German na si Standhardinger ng all-around na numerong 18 puntos, 10 rebounds, 2 assists, 2 steals at 2 blocks sa 81-77 panalo ng Hong Kong sa sariling homecourt ng Singapore …

Read More »

Perez, makikilatis sa D League

CJ Perez Robert Bolick San Beda Lyceum NCAA

AMINADO man na mas matitikas at mas matatatag ang makahaharap sa PBA Developmental League, sabik na sabik pa rin si CJ Perez na makilatis sila pagtuntong sa naturang semi-professional na liga.   Sasalang ang Season 93 Most Valuable Player ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa kauna-unahang pagkakataon sa DLeague kasama ang kanyang mga kasangga sa Lyceum Pirates.   Nakipag-anib ang Lyceum …

Read More »

Norwood pinarangalan (Sa 10-taon manlalaro ng PH)

BILANG pagtanaw sa kanyang 10-taon representasyon sa bandila, pinarangalan si Gabe Norwood ng Gilas Pilipinas kamakalawa matapos ang pagwawalis ng koponan sa unang window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers. Sa pangunguna ni Coach Chot Reyes at ng mga opisyal ng Samahang Basketbol ng Pilipinas gayondin ng Presidente ng Chooks-to-Go na si Ronald Mascariñas na chief backer ng Filipinas, binigyang-pugay …

Read More »

James ejected (Sa kauna-unahang pagkakataon)

SA 1,081 salang sa regular season ng  National Basketball Association, hindi pa napapaalis sa laro si LeBron James. Ngunit natapos na ang streak na iyon nang mapatanggal niya sa kanyang ika-1082 laro at ika-1299 kung isasama ang playoffs sa kalagitnaan ng kanilang 108-97 panalo kontra Miami Heat kahapon sa umaatikabong 2017-2018 season. Sa 1:56 marka ng ikatlong kanto kung kailan lamang …

Read More »

Gilas dadayuhin ng Chinese Taipei (Homecourt advantage!)

NAKASANDAL sa pambihirang homecourt advantage, tatangkaing dumalawang sunod na panalo ng Gilas Pilipinas kontra sa dayong Chinese Taipei sa pagpapatuloy ng FIBA World Cup Asian Qualifiers ngayon sa inaasahang aapaw na Smart Araneta Coliseum. Magsisimula ang aksiyon 7:00 ng gabi para subukan ng pambato ng Filipinas na maisukbit ang 2-0 kartada upang masolo ang unahan ng Pool B ng Asian …

Read More »

Jose kasado na sa max deal sa Blackwater

MULA sa pagiging simpleng manlalaro sa kalye ng Cebu hanggang sa Morayta sa Maynila, ngayon ay milyonaryo na at nasa taluktok na liga sa Filipinas ngayon. Iyan ang mapagkumbabang kuwento ng buhay basketbol ni Raymar Jose matapos ang nakatakdang pagpirma niya sa tumataginting na rookie max deal na P8.5 milyon sa Blackwater Elite. Kinuha ng Elite ang 6’5 na si …

Read More »

Gilas, tusta sa Alab

TINUSTA ng Alab Pilipinas ang pambansang koponan na Gilas Pilipinas sa ginanap na tune-up match, 81-76 sa Meralco Gym sa Ortigas, Pasig City kamakalawa. Ito ay bahagi ng paghahanda ng parehong koponan sa nalalapit na torneo na kanilang sasalihan. Ang Alab Pilipinas ay pambato ng bansa sa Asean Basketball League. At kahit hindi naglaro ang dating PBA import na si …

Read More »

Maroons sinagpang ng Bulldogs

TULUYAN nang nasakmal ng National University Bulldogs ang naunang tatlong sunod na kabiguan nang sagpangin ang University of the Philippines Fighting Maroons, 77-70 sa huling araw ng unang round ng eliminayon sa UAAP Season 80 sa Mall of Asia Arena kahapon.  Bunsod ng panalo, umangat sa 3-4 ang NU at tumabla sa UP na nasa 3-4 din papasok ng ikalawang …

Read More »

CJ Perez NCAA PoW muli

SA ikalawang pagkakataon ay itinanghal na Chooks To Go – NCAA Player of the Week si CJ Perez ng Lyceum of the Philippines University.  Isinukbit ni Perez ang parangal matapos pangunahan ang Pirates sa 81-69 sa pagdispatsa sa Letran Knights noong nakaraang Biyernes upang manatiling walang dungis sa 16 salang. Kinamada ni Perez ang 10 sa kanyang 24 puntos sa huling …

Read More »

East vs West sa All Star tinanggal na ng NBA

LEBRON James at Stephen Curry sa isang koponan? Muling pagsasama ni Russel Westbrook at Kevin Durant? Ilan lamang iyan sa mga posibleng mangyari sa darating na 2018 National Basketball Association All Star sa Los Angeles, California makalipas ang mga pagbabagong ipapatupad ng liga simula ngayong taon. Napagkasunduan ng NBA at ng NBPA (National Basketball Players Association) na alisin na ang …

Read More »