Wednesday , November 20 2024

James Ty III

PBA board magpupulong ngayon (Tungkol sa Gilas)

GAGAWIN ngayong araw ang espesyal na pulong ng Board of Governors ng Philippine Basketball Association (PBA) tungkol sa magiging susunod na plano ng liga para sa Gilas Pilipinas. Pangungunahan ng bagong tserman ng PBA board na si Robert Non ng San Miguel Corporation ang nasabing pulong na gagawin sa opisina ng liga sa Libis, Quezon City, kasama ang pangulo at …

Read More »

Taulava lalaro sa FIBA 3×3

PAGKATAPOS ng kanyang paglalaro sa Gilas Pilipinas sa katatapos na FIBA Asia Championships na ginanap sa Tsina, muling dadalhin ni Asi Taulava ang bandila ng Pilipinas sa isa pang kompetisyon ng FIBA. Kahapon ay kinompirma ni coach Eric Altamirano na lalaro si Taulava sa Manila North Team na sasabak sa FIBA 3×3 World Tour Final na gagawin sa Abu Dhabi …

Read More »

Kama, Caida panalo sa unang araw ng PCBL

PAREHONG nagtagumpay ang magkapatid na koponang Kama Motors at Caida Tiles sa unang araw ng bagong ligang Pilipinas Commercial Basketball League noong Linggo sa Pasig Sports Center sa Pasig City. Humabol ang Kama mula sa 20 puntos na kalamangan ng Sta. Lucia Realty upang maiposte ang 99-92 panalo sa overtime. Nanguna sa panalo ng Kama si Roider Cabrera na gumawa …

Read More »

NCAA playoffs lalarga na bukas

MAGSISIMULA na bukas ang mas mahirap na daan tungo sa kampeonato ng NCAA Season 91 men’s basketball. Maghaharap ang magkaribal na San Beda at Letran sa tampok na laro ng doubleheader bukas sa Mall of Asia Arena sa Pasay sa alas-kuwatro ng hapon kung saan ang mananalo rito ay makukuha ang top seed sa Final Four. Pero anuman ang mangyari, …

Read More »

Barrios: Gilas dapat papurihan

SA GITNA ng ilang mga paghihirap na dinanas ng Gilas Pilipinas sa katatapos na FIBA Asia Championships na ginanap sa Changsha, Tsina, iginiit ng Executive Director ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na si Renauld “Sonny” Barrios na dapat ding papurihan ang 12 na manlalaro ni coach Tab Baldwin dahil sa kanilang sakripisyo ng bayan. Sa lingguhang forum ng Philippine Sportswriters …

Read More »

PBA Hoops for a Cause sa Cuneta Astrodome

ISANG exhibition game ang nakatakdang gawin sa Biyernes, Oktubre 9 sa Cuneta Astrodome simula alas-siyete ng gabi upang makalikom ng pera para sa pagpapaospital ng dating PBA superstar na si Samboy Lim. Maghaharap ang Grand Slam Team na binubuo ng 1996 Grand Slam Alaska Aces at ang 2014 Grand Slam champions Purefoods Star Hotshots kalaban ang mga dati at kasalukuyang …

Read More »

Valdez: Talo talaga kami sa NU

INAMIN ng pambato ng Ateneo de Manila women’s volleyball team na si Alyssa Valdez na karapat-dapat na manalo ang National University sa Game 3 ng finals ng Shakey’s V League Season 12 Collegiate Conference noong Linggo sa San Juan Arena. Kahit nagtala ang Lady Eagles ng sampung sunod na panalo mula sa eliminations hanggang sa quarterfinals ay natalo pa rin …

Read More »

Baldwin nais isali ang Gilas sa FIBA Olympic Qualifying

DUMATING na kahapon ng tanghali ang Gilas Pilipinas mula sa kampanya nito sa katatapos ng FIBA Asia Championships sa Tsina kung saan natalo ang tropa ni coach Tab Baldwin sa finals kontra sa mga Intsik noong Sabado ng gabi. Dapat sana ay noong Linggo ang pagdating ng Gilas ngunit nagkaroon ng aberya ang return flight ng koponan dahil sa masamang …

Read More »

Gilas Mahihirapan sa Olympic Qualifying — Analyst

NANINIWALA ang basketball analyst na si Jude Roque na dadaan sa butas ng karayom ang Gilas Pilipinas sa isa sa tatlong qualifying tournaments para sa tatlong huling puwesto sa 2016 Rio Olympics. Sa panayam ng DZMM noong isang araw, sinabi ni Roque na makakaharap ng mga bata ni coach Tab Baldwin sa mga malalakas na bansa sa basketball sa nasabing …

Read More »

Kevin Ferrer Player of the Week (UAAP Season 78)

PATULOY ang gumagandang laro ng pambato ng University of Santo Tomas na si Kevin Ferrer ngayong UAAP Season 78. Noong Miyerkoles ay nagpasiklab si Ferrer nang dalhin niya ang Growling Tigers sa 77-61 na panalo kontra De La Salle University sa Mall of Asia Arena. Nagtala si Ferrer ng 27 puntos para pangunahan ang rally ng UST mula sa 16 …

Read More »

Rain or Shine lalaro sa Gitnang Silangan

UMALIS na kahapon ang Rain or Shine patungong Gitnang Silangan para sa ilang mga tune-up na laro bilang paghahanda para sa bagong PBA season na magsisimula sa susunod na buwan. Haharapin ng Elasto Painters ang ilang mga club teams sa Kuwait at Bahrain. Isa sa mga koponan na lalaban sa ROS ay ang Nuwaidrat na dating hinawakan ng assistant coach …

Read More »

Officiating sa PBA lalong pagbubutihin — Narvasa

SINIGURADO ng bagong komisyuner ng Philippine Basketball Association (PBA) na si Andres “Chito” Narvasa, Jr. na magiging mas maganda ang mga laro dulot ng mga pagbabago sa mga tawag ng mga reperi sa pagbubukas ng ika-41 na season nito sa Oktubre 18. Bumisita si Narvasa sa ensayo ng lahat ng mga 12 na koponan ng PBA kung saan kinausap niya …

Read More »

Star Magic Angels, maganda ang samahan — Yana Asistio

HABANG tumatagal ay halos parang magkapatid ang turingan ng mga miyembro ng bagong girl group ng ABS-CBN na Star Magic Angels. Ayon sa isang miyembro ng grupo na si Yana Asistio, halos araw-araw ang kanilang bonding tuwing may rehearsals at tapings kaya masasabi natin na kakaiba sila sa mga ibang girl groups ngayon. “We can cater to all kinds of …

Read More »

Gilas haharap sa Palestine ngayon (2015 FIBA Asia simula na)

SISIMULAN ngayon ng Gilas Pilipinas ang huling hakbang tungo sa pangarap na makatapak muli sa men’s basketball ng Summer Olympic Games sa pagsali nito sa 2015 FIBA Asia Championships na gagawin sa Changsha at Hunan sa Tsina. Tatagal hanggang Oktubre 3 ang torneo kung saan tanging ang kampeon nito ang mabibigyan ng awtomatikong tiket sa 2016 Olympics sa Rio de …

Read More »

PBA Press Corps awards night ngayon

GAGAWIN mamayang gabi ng PBA Press Corps ang taunang Awards Night nito sa Century Park Hotel sa Vito Cruz, Maynila. Pangungunahan ng pangulo ng PBAPC na si Barry Pascua ng Bandera, Bagong TIKTIK at HATAW ang awards night kung saan magiging espesyal na panauhin ang bagong komisyuner ng PBA na si Andres “Chito” Narvasa, Jr. Dadalo rin sa awards night …

Read More »

Shakey’s V League: Ateneo, UST sasalang sa do-or-die game

MAGHAHARAP ngayon ang Ateneo de Manila at University of Santo Tomas sa ikatlo at huling laro sa best-of-three semifinals ng Shakey’s V-League 12 Collegiate Conference sa Filoil Flying V Arena sa San Juan. Magsisimula ang laro sa alas-4 ng hapon kung saan tabla sa tig-isang panalo ang dalawang pamantasan sa serye. Nanalo ang Lady Eagles, 27-25, 25-16, 25-17, sa Game …

Read More »

Rosario, Tautuaa lalaro sa TnT sa MVP Cup

NGAYONG wala na sila sa Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Championships, puwede nang maglaro sina Moala Tautuaa at Troy Rosario para sa Talk n Text sa MVP Cup na magsisimula bukas sa Smart Araneta Coliseum. Sina Tautuaa at Rosario ay kasama sa mga huling cuts ng Gilas ni coach Tab Baldwin kasama sina Gary David, Jimmy Alapag, Aldrech Ramos …

Read More »

Perlas Pilipinas umuwi na mula sa Wuhan

DUMATING na sa bansa kahapon ang Perlas Pilipinas mula sa Wuhan, Tsina, kung saan gumawa ito ng kasaysayan noong isang linggo nang pumasok ito sa Level 1 ng  2015 FIBA Asia Women’s Championship. Sa pangunguna nina coach Patrick Aquino at team manager Wilbert Loa, nilampaso ng Perlas ang North Korea, 68-67, Sri Lanka, 65-45, Hong Kong, 75-62, Kazakhstan, 80-73 sa …

Read More »

Blatche sa FIBA Asia na maglalaro sa Gilas

TULUYANG sumarado na ang pinto kay Andray Blatche sa kanyang paglalaro sa Gilas Pilipinas sa huli nitong asignatura sa ika-37 na Jones Cup kontra Chinese Taipei B mamayang ala-una ng hapon sa Taipei, Taiwan. Ayon kay Gilas coach Tab Baldwin, napilitan si Blatche na i-rebook ang kanyang paglipad sa Taipei para makasama niya ang kanyang ina kaya late na rin …

Read More »

Ravena payag maglaro sa Gilas

PAYAG ang superstar ng Ateneo de Manila sa UAAP na si Kiefer Ravena na muling magsuot ng uniporme ng Gilas Pilipinas. Isa si Ravena sa mga amatyur na manlalaro na kinukunsidera ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na maging bahagi ng Gilas bilang pagbabalik sa dating sistema noong 2011. Noong taong iyon ay kinuha ng SBP ang mga pangunahing amatyur …

Read More »

Williams, Fonacier, Carey mananatili sa TnT

PUMIRMA na ng bagong kontrata sa Talk n Text ang tatlo nitong mga beteranong sina Kelly Williams, Larry Fonacier at Harvey Carey. Isang taon lang ang bagong kontrata ni Williams habang tatlong taon kay Fonacier at dalawang taon naman para kay Carey. “We were offering him two years, but he just settled for one season out of respect for management …

Read More »

Blatche nagluluksa sa kamatayan ng tiyuhin

NASA Amerika ngayon ang naturalized na manlalaro ng Gilas Pilipinas na si Andray Blatche upang asikasuhin ang pagpapalibing ng kanyang namapayang tiyuhin na si Steve. Ito ang dahilan kung bakit hindi muna lalaro si Blatche para sa Gilas sa Jones Cup na nagsimula kahapon. “It’s a setback,” komento ni Gilas coach Tab Baldwin tungkol sa pagluluksa ni Blatche. “It’s out …

Read More »

Meralco Bolts mag-eensayo sa Las Vegas

LILIPAD bukas ang Meralco Bolts upang mag-ensayo sa Las Vegas. Kinompirma ng team manager nilang si Paolo Trillo na magkakaroon sila ng training camp sa Joe Ambunassar Impact gym na tatagal ng dalawang linggo. Bahagi ito ng paghahanda ng tropa ni coach Norman Black para sa bagong PBA season na lalarga na sa Oktubre. Ngayong off-season ay maraming pagbabago ang …

Read More »

Clarkson kasama sa lineup ng Gilas (Lalaro sa FIBA Asia)

ISINAMA ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang pangalan ng Fil-Am ng Los Angeles Lakers na si Jordan Clarkson sa lineup ng Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Championships sa Changsha, Tsina, mula Setyembre 23 hanggang Oktubre 3. Bukod kay Clarkson, kasama rin sa listahan ng 24 na manlalaro na tinaguriang “just-in-case” sina Andray Blatche, Jimmy Alapag, Gabe Norwood, Sonny Thoss, …

Read More »

Thompson Player of the Week (Pagkatapos ma-draft)

NAGING masuwerte ang pambatong guwardiya ng Perpetual Help sa NCAA na si Earl Scottie Thompson noong Linggo. Una ay na-draft siya ng Barangay Ginebra sa PBA ngunit hindi pa siya puwedeng mag-ensayo sa Kings hangga’t di pa natatapos ang NCAA Season 91. Bukod pa rito ay napili pa siya ng NCAA Press Corps bilang Player of the Week pagkatapos na …

Read More »