Thompson Player of the Week (Pagkatapos ma-draft)

072115 thompson perpetual NCAA
NAGING masuwerte ang pambatong guwardiya ng Perpetual Help sa NCAA na si Earl Scottie Thompson noong Linggo.

Una ay na-draft siya ng Barangay Ginebra sa PBA ngunit hindi pa siya puwedeng mag-ensayo sa Kings hanggaโ€™t di pa natatapos ang NCAA Season 91.

Bukod pa rito ay napili pa siya ng NCAA Press Corps bilang Player of the Week pagkatapos na gabayan niya ang Altas sa 86-83 na panalo kontra Jose Rizal University sa pagtatapos ng first round ng eliminations noong Martes.

โ€œHindi ako napunta sa favorite team ko, ngunit napunta ako sa favorite coach ko. Sobrang blessed pa rin ako. Sobrang excited kong makasama si coach Tim (Cone),โ€ wika ni Thompson na akala niya ay mada-draft siya ng Purefoods Star. โ€œMost of the time, triangle offense ang tinatakbo sa Perpetual kaya sa tingin ko, madali akong mag-aadjust sa sistema nila. Marami akong matututunan sa mga veterans ng Ginebra. Hindi nila ako pababayaan.โ€

Naniniwala si Ginebra coach Tim Cone na kapag nagsimula na si Thompson sa kanyang paglalaro sa NCAA ay makikinabang ang Kings sa talento niya.

โ€œDown the line, we feel he (Thompson) is a special talent. He can play multiple positions. He has such uncommon abilities and he will have a huge role in the team after the NCAA. Scottie was too special to pass up,โ€ ani Cone.

Habang wala pa si Thompson sa Ginebra ay sasabak sa ensayo ang iba pang rookies ng Kings na sina Deniece Villamor at Aljon Mariano.

(James Ty III)