Clarkson kasama sa lineup ng Gilas (Lalaro sa FIBA Asia)

052815 Jordan Clarkson
ISINAMA ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang pangalan ng Fil-Am ng Los Angeles Lakers na si Jordan Clarkson sa lineup ng Gilas Pilipinas para sa FIBA Asia Championships sa Changsha, Tsina, mula Setyembre 23 hanggang Oktubre 3.

Bukod kay Clarkson, kasama rin sa listahan ng 24 na manlalaro na tinaguriang β€œjust-in-case” sina Andray Blatche, Jimmy Alapag, Gabe Norwood, Sonny Thoss, Calvin Abueva, J. C. Intal, Aldrech Ramos, Marc Pingris, Jayson Castro, Troy Rosario, Matt Ganuelas-Rosser, Dondon Hontiveros, Gary David, Ranidel de Ocampo, Moala Tautuaa, Asi Taulava, Terrence Romeo at ang amatyur na si Kiefer Ravena ng Ateneo Blue Eagles.

Pati sina June Mar Fajardo, LA Tenorio, Paul Lee at Marcio Lassiter ay inilagay sa listahan kahit umayaw na silang lahat.

Kinompirma ng Executive Director ng SBP na si Renauld β€œSonny” Barrios na may passport na Pinoy si Clarkson kaya puwede siyang maglaro sa Gilas kapag inayos na ito sa FIBA.

β€œThe mere fact that he’s here to bring the documents needed and observe the Gilas practice, that’s a positive sign,” wika ni Barrios. β€œHe, in fact, has two Philippine passports β€” the old (green-colored) and the new one (dark maroon-colored).”

Dumating na sa bansa si Clarkson noong Lunes ng gabi upang obserbahan ang ensayo ng Gilas at makipag-usap sa pangulo ng SBP na si Manny V. Pangilinan tungkol sa kanyang paglalaro sa national team ni coach Tab Baldwin.

(James Ty III)