Friday , April 18 2025

Pekeng MVP si Fajardo?

062915 junmar fajardo MVP

ANO nga ba ang totoo?

Hindi maglalaro si JunMar Fajardo sa Gilas para sa FIBA Asia dahil sa may iniinda siyang injury o…hindi siya talaga pinayagan ng kanyang team dahil sa rivalry ng kompanya ng SMB at ng kompanya ni MVP?

Hindi natin alam kung ano nga ba ang katotohanan sa dalawang dahilan.   Pero para sa ilang kritiko ng basketball, may pangatlong dahilan pa kung bakit tinalikuran ni Fajardo ang tungkuling pang-nasyonalismo.

Isang kritiko ang nakausap natin na tuwiran niyang sinabi ang kanyang pananaw kung bakit hindi maglalaro si Fajardo sa National Team.

Ayon sa kritiko, na hindi na natin papangalanan, kaya hindi maglalaro si Fajardo sa Gilas ngayon ay dahil ayaw nitong mapahiya sa ikalawang pagkakataon.

Alam naman natin ang nagyari sa kanya sa nakaraang FIBA Asia at World…bangko siya sa kabuuang games ng Gilas.

Aba’y malaking sampal iyon sa kanya dahil tinanghal siyang MVP sa panahong iyon pagkatapos ay ibabangko lang sa International competition?

Ngayon ay MVP na naman siya sa nakaraang PBA season.   At kung maglalaro siyang muli sa FIBA Asia…mas malaki ang inaasahan sa kanya. Pero paano nga naman kung mabangko na naman siya?

Iyon daw ang posibleng senaryo na iniiwasan ni Fajardo.

Dito sa PBA, walang malaking player na puwedeng ipantapat sa kanya.   Kaya niyang dominahin ang liga.   Pero sa mga international competition—marami. Bukod sa magagaling ay mabibilis pa. Magmumukhang ordinaryo lang ang laki niya at husay sa kompetisyon.

Well, pananaw lang naman iyon ng isang kritiko.   Pero may punto siya.   Ngayon na sana ang pagkakataon na patunayan ni Fajardo na hindi peke ang kanyang pagiging MVP, na hindi lang pang-LOKAL, at medyo nanibago lang siya sa unang sinalihang international competition, at ngayon ang pagkakataon para i-redeem niya ang sarili.

Puwede pa naman siguro siyang humabol sa Gilas?

KUROT SUNDOT – Alex Cruz

About Alex Cruz

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

ArenaPlus PBA TNT 1

ArenaPlus Celebrates with the PBA Season 49 Commissioner’s Cup Champions

Photo courtesy of PBA: Katropas poses together with their fans during their victory party ArenaPlus, …

ArenaPlus Thompson Abarientos Brownlee 6

ArenaPlus announces Thompson, Abarientos, and Brownlee as brand endorsers

MANILA, PHILIPPINES – ArenaPlus, the 24/7 sports entertainment gateway in the Philippines, proudly welcomed its …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *