Sunday , November 24 2024

Jaja Garcia

2 binatilyo itinumba sa Makati

KAPWA namatay ang dalawang binatilyong dati nang sumuko sa “Oplan Tokhang,” makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem kahapon ng madaling-araw sa Makati City. Patay na nang idating sa San Juan de Dios Hospital ang mga biktimang sina Ace Bacoro, 18, at Randy Goroyon,18, ng Rockefeller St., Brgy. San Isidro ng lungsod. Ayon sa ulat ng pulisya, dakong 1:00 am habang nakatambay ang …

Read More »

11 Chinese kinasuhan sa online gambling

SINAMPAHAN ng kasong illegal gambling/online betting sa Makati City Prosecutor’s Office ang 11 Chinese national na naaresto sa pagsalakay kamakailan ng mga tauhan ng Regional Police Intelligence Operation Unit (RPIOU) ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa isang condominium ng lungsod. Ang mga suspek na nakapiit sa detention cell ng RPIOU ay kinilalang sina Chen Jinying, 25; Huang Liangfa, …

Read More »

5 drug suspects itinumba

LIMANG lalaking hinihinalang sangkot sa droga ang namatay makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek habang nasugatan ang isang negosyante sa magkakahiwalay na insidente sa southern Metro Manila. Si Danilo Bolante, 48, ay agad binawian ng buhay makaraan pagbabarilin kamakalawa ng gabi ng dalawang lalaking maskarado sa kanilang bahay sa Block 1, Electrical Road, Brgy. 191, Zone 20, Pasay City. …

Read More »

Seguridad sa Miss U 2017 ikinakasa na ng NCRPO

NAGHAHANDA na ang National Capital Region Police (NCRPO) para sa seguridad sa gaganaping “Miss Universe 2017 Pageant” ng Enero 30, 2017. Sinimulan ng NCRPO ang pakikipag-ugnayan at pakikipagpulong sa organizers ukol sa ikakasang seguridad sa bansa lalo na’t dito sa Filipinas gagawin ang “Miss Universe Pageant”. Ang hakbang ay bunsod nang inaasahang pagdagsa ng bibisitang mga banyaga at Filipino sa …

Read More »

No Pinoy casualty sa Japan quake

PATULOY ang pag-monitor ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa kalagayan ng mga Filipino sa Japan makaraan tamaan nang malakas na lindol kahapon ng madaling araw. Ayon kay DFA spokesman Assistant Secretary Charles Jose, wala silang natatanggap na impormasyon na may Filipino na nasaktan sa nasabing pagyanig. Una rito, sinabi ng Japan Meteorological Agency, umabot sa 7.4 magnitude ang lindol …

Read More »

Magtiyahin arestado sa P110-M shabu

KINOMPIRMA ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa ang nakompiskang 22 kilo ng shabu, tinatayang P110 milyon ang halaga, sa Guadalupe, Makati City kahapon, hinihinalang may koneksiyon sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison (NBP). Arestado ang dalawang drug suspek na sina Maria Rosario Echaluce at Angelo Echaluce, magtiyahin at pawang mga residente sa Bilibiran, Binangonan, …

Read More »

2 utas sa ratrat, lolo sugatan

DALAWANG lalaking hinihinalang sangkot sa droga ang patay, kabilang ang dating police asset, nang pagbabarilin ng grupo ng kalalakihang naka-bonnet habang sugatan ang isang lolo na tinamaan ng bala sa magkahiwalay na insidente sa mga lungsod ng Muntinlupa at Las Piñas nitong Miyerkoles ng gabi. Ayon sa ulat ng Muntinlupa City Police, dakong 11:30 pm nang pagbabarilin ng limang lalaking …

Read More »

Ginang na tulak itinumba

gun shot

WALONG tama ng bala sa ulo ang kumitil sa buhay ng isang 47-anyos ginang na hinihinalang tulak ng droga makaraan pagbabarilin ng anim hindi nakilalang mga suspek na sakay ng motorsiklo nitong Martes ng gabi sa Pasay City. Agad binawian ng buhay si Myra Frias y Sta. Ana, ng 26 Cinco de Junio, Brgy. 195, Zone 20 , Pasay City. …

Read More »

3 todas, 1 sugatan sa tandem

TATLONG lalaking hinihinalang sangkot sa krimen ang napatay habang isang ginang ang sugatan nang pagbabarilin ng riding-in-tandem suspects sa magkahiwalay na insidente sa Pasay City kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang mga napatay na sina Fernando Allarse, 36; Richard Amor, 24, kapwa pedicab driver, ng Malibay, Pasay City, at isang ‘di nakilalang lalaki. Habang nilalapatan ng lunas sa Pasay City General …

Read More »

Barker itinumba ng armado

BINAWIAN ng buhay ang isang barker makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek kamakalawa ng gabi sa panulukan ng Buendia at Leveriza Streets, Pasya City. Kinilala ang biktimang si Jonathan Vargas, alyas Joy, 36, ng 2026 Leveriza St. ng lungsod. Sa imbestigasyon ni SPO1 Giovanni Arcinue ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB) ng Pasay City, nangyari ang pamamaril sa …

Read More »

ERC director nagbaril sa ulo

dead gun

MASUSING iniimbestigahan ng Parañaque City Police ang pagpapatiwakal ng isang director ng Energy Regulatory Commission (ERC) ng Department Of Energy (DOE) sa Parañaque City. Sinasabing nagbaril sa ulo ng calibre .38 baril (Smith & Wesson) ang biktimang si Atty. Francisco Villa Jr., 54, ng 8 Florida St., Merville Park Subdivision, Brgy. Merville, Parañaque City . Base sa inisyal na pagsisiyasat …

Read More »

Baril, granada, patalim, nakompiska sa Bilibid

nbp bilibid

MULING nakakompiska ng tambak ng mga baril, patalim at ilang granada ang raiding team sa isinagawang Oplan Galugad kahapon sa New Bilibid Prisons. Pinangunahan ito ng PNP-Special Action Force (SAF) at Bureau of Corrections (BuCor), at sumentro ang kanilang operasyon sa Maximum Security Compound. Naniniwala ang BuCor officials na mga lumang armas pa ito na hindi nahagip ng kanilang mga …

Read More »

Pot session sa Makati niratrat (2 patay, 1 sugatan)

drugs pot session arrest

DALAWA ang patay habang isa ang sugatan makaraan pagbabarilin ng tatlong hindi nakilalang mga suspek na lulan ng motorsiklo habang nagpa-pot session ang mga biktima sa loob ng isang pampasaherong jeep kahapon ng madaling-araw sa Makati City. Agad binawian ng buhay ang mga biktimang sina James Abad at Romeo Sudanio, pawang nasa hustong gulang, ng Brgy. Pio del Pilar, Makati …

Read More »

2 sugatan sa sunog sa Parañaque City

DALAWANG residente ang nasugatan at halos 40 pamilya ang nawalan ng tirahan sa nasunog na residential area sa Paranaque City kahapon ng umaga. Kinilala ang mga biktimang sina Medina Vargas, 59, at Gilma Carasco, 39, kapwa ng Glenn St., Brgy. Moonwalk ng nasabing lungsod. Sila ay bahagyang nasugatan sa paa makaraan tumalon sa bakod habang nasusunog ang kanilang bahay. Base …

Read More »

Mag-asawa itinumba sa Las Piñas

TINADTAD ng bala ng tatlong armadong lalaki ang isang mag-asawa kahapon sa Las Piñas City. Kinilala ang mga biktimang sina Jose Bongalon Sr., 60, at  Marilou, 58, kapwa ng Molave St.,  Samantha Village, Brgy. Talon 5 ng nasabing lungsod. Base sa ulat kay Las Piñas City Police chief, Senior Supt. Jemar D. Modequillo, dakong 5:45 am kagagaling lamang ng mag-asawa …

Read More »

Anti-Smoke Belching officer itinumba

PATAY ang isang anti-smoke belching officer makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang riding-in-tandem suspects kahapon ng umaga sa Roxas Boulevard, Baclaran sa Pasay City. Namatay noon din  ang biktimang si Ramil Co, assistant team leader ng Anti-Smoke Belching Unit (ASBU) ng Pasay City Hall, residente sa 1770 F. B. Harrison St. ng lungsod. Sa ulat ni Chief Inspector Rolando Baula, hepe …

Read More »

Drug personality utas sa ambush

BINAWIAN ng buhay ang isang hinihinalang drug personality nang pagbabarilin ng hindi nakilalang mga suspek na lulan ng motorsiklo habang ang biktima ay nakasakay sa bisikleta sa Basa 2, Zapote, Las Piñas City kahapon ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Paulo Rafael, 35, ng Banana Island Basa 2 ng nasabing lungsod. Sa nakarating na ulat kay Las Piñas Police …

Read More »

800 bahay sa Las Piñas natupok

NAWALAN ng tirahan ang 1,600 pamilya nang tupukin ng apoy ang 800 bahay sa Las Piñas City kahapon ng madaling araw. Base sa inisyal na ulat ni Las Piñas Fire Department Fire Marshal, Supt. Crispo Diaz, nagsimula ang apoy sa bahay ng isang Eduardo “Eddie” Angeles sa Manggahan Graymarville Compound Association, BF Resort, Talon Dos dahil sa  napabayaang nakasinding kandila …

Read More »

Binatilyo tigok sa jailguard

PATAY ang isang 18-anyos binatilyo nang mabaril ng isang lasing na jailguard makaraan sitahin ang mga kabataan at inatasang umuwi sa kanilang bahay sa Pasay City kahapon ng madaling-araw. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Juan Carlos Espinosa, merchandizer sa isang grocery store, residente ng Tomas St., Pasay City. Nasa kustodiya ng pu-lisya ang suspek na si JO1 Errol Channas, …

Read More »

Tulak tigbak sa parak

PATAY ang isang hinihinalang tulak ng droga nang lumaban sa mga pulis sa buy-bust operation kahapon ng madaling-araw sa Makati City. Namatay noon din ang suspek na si Rogelio Solo, nasa hustong gulang, ng nasabing lugar. Base sa report ng Southern Police District (SPD), nagsagawa ang mga operatiba ng District Anti-Illegal Drugs ng buy-bust operation laban sa suspek sa Brgy. …

Read More »

17-anyos binatilyo humithit ng damo nagsaksak sa sarili (Sakit ng ulo ‘di nakayanan)

SINASABING bunsod nang hindi makayanang sakit ng ulo, nagpasya ang isang 17-anyos binatilyo na humithit ng marijuana at pagkaraan ay nagsaksak sa kanyang sarili na nagresulta sa kanyang pagkamatay dakong 9:30 pm kamakalawa sa Taguig City. Nalagutan ng hininga bago idating sa Rizal Medical Center ang biktimang si Reden Presas, ng M. Lucas St., Purok 3, Brgy. Napindan ng lungsod. …

Read More »

13-anyos binatilyo nagbigti

PALAISIPAN sa Muntinlupa City Police ang 13-anyos binatilyo na natagpuan ng kanyang nakatatandang kapatid habang nakabigti sa kanilang bahay kamakalawa sa Muntinlupa City. Kinilala ang biktimang si Simon Sunga, grade 8 student, residente ng Kappiville Subdivision, Katihan, Brgy. Poblacion, ng nasabing siyudad . Base sa ulat na nakarating kay Muntinlupa City Police chief, Senior Supt. Nicolas Salvador, natagpuan ng kapatid …

Read More »

P200K reward vs killer ng Singaporean

NAG-ALOK ng P200,000 pabuya ang pamilya ng isang Singaporean national na binaril at napatay ng isang lalaki sa loob ng kanyang opisina sa lungsod ng Parañaque nitong nakaraang taon, sa sino mang makapagtuturo sa suspek sa nasabing insidente. Sinabi ni Paranaque City Police chief, Senior Supt. Jose Carumba, nagtungo si Rovelyn Jang, sa kanyang tanggapan upang humingi ng tulong at …

Read More »

1 patay, 23 arestado 28 sumuko sa OTBT ops

PATAY ang isa katao habang 23 sinasabing sangkot sa droga ang hinuli at 28 ang sumuko sa “One Time, Big Time” operation na isinagawa ng mga operatib ng Southern Police District (SPD) sa Taguig City kahapon. Ayon kay Southern Police District Director, Chief Supt. Tomas Apolinario Jr., simulan nila ang operasyon dakong 5:00 am hanggang sa umabot ito ng tatlong …

Read More »

Pusher todas sa armadong grupo

PATAY ang isang 40-anyos hinihinalang sangkot sa droga makaraan pagbabarilin ng isang grupo ng armadong lalaki sa loob ng kanyang bahay kahapon ng madaling-araw sa Pateros. Kinilala ang biktimang si Michael Almeda ng Alley 7, P. Rosales St., Pateros, Metro Manila. Sa ulat na natanggap ni Pateros Police chief, Senior Supt. Jose Villanueva, dakong 3:00 am, habang natutulog ang biktima …

Read More »