Saturday , October 1 2022

3 todas, 1 sugatan sa tandem

TATLONG lalaking hinihinalang sangkot sa krimen ang napatay habang isang ginang ang sugatan nang pagbabarilin ng riding-in-tandem suspects sa magkahiwalay na insidente sa Pasay City kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang mga napatay na sina Fernando Allarse, 36; Richard Amor, 24, kapwa pedicab driver, ng Malibay, Pasay City, at isang ‘di nakilalang lalaki.

Habang nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital si Leticia Gapate, 64, tinamaan ng ligaw na bala sa likuran.

Sa ulat ng pulisya, pinagbabaril sina Allarse at Amor dakong 6:00 pm ng dalawang lalaking nakamotorsiklo sa Apelo Cruz St., Brgy. 172, Malibay at minalas na tinamaan ng ligaw na bala si Gapate.

Habang ang ikatlong biktimang hindi pa nakikilala ay pinagbabaril dakong 3 am sa Macapagal Boulevard, Brgy. 76, Zone 10, ng lungsod.

( JAJA GARCIA )

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

Bulacan police umiskor
MAHIGIT 765K HALAGA NG DROGA NAKUMPISKA, 15 DRUG SUSPEK NALAMBAT AT 6 NA LAW OFFENDERS NAI-HOYO

TINATAYANG aabot sa mahigit 765K halaga ng iligal na droga ang nakumpiska habang 15 drug …

Dagdag na benepisyo hiling ng pamilya ng mga nasawing rescuers sa Bulacan

Dagdag na benepisyo hiling ng pamilya ng mga nasawing rescuers sa Bulacan

NANAWAGAN ang mga kamag-anak ng ilan sa mga nasawing rescuer sa Bulacan ng dagdag na …

shabu

3 tulak sa Gapo nasabat
MAHIGIT P1-M HALAGA NG SHABU, NAKUMPISKA

 MAHIGIT  P1-M halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad habang tatlong tulak …

FRIENDSHIP route sticker las pinas

Sa Las Piñas
72-ORAS TRO PABOR SA ‘FRIENDSHIP ROUTE’ PINALAWIG NG KORTE

ISA PANG DAGOK sa bagong administrasyon ng BF Resort Village Homeowners Association, Inc. (BFRVHAI) ang …

Zasa Aliman Stone Hope Company Diesel

Oil importer dudulog sa Malacañang dahil sa pagbasura ng DOE sa kanilang aplikasyon

DUDULOG sa Office the President (OP) ang isang oil importer kaugnay sa hinalang pagbasura ng …

Leave a Reply