Sunday , October 1 2023

Binatilyo tigok sa jailguard

PATAY ang isang 18-anyos binatilyo nang mabaril ng isang lasing na jailguard makaraan sitahin ang mga kabataan at inatasang umuwi sa kanilang bahay sa Pasay City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Juan Carlos Espinosa, merchandizer sa isang grocery store, residente ng Tomas St., Pasay City.

Nasa kustodiya ng pu-lisya ang suspek na si JO1 Errol Channas, nakatalaga sa Pasay City Jail Female Dormitory.

Sa ulat ng pulisya ,dakong 2:30 am, nang mapadaan ang lasing na suspek sa nag-uumpukang mga kabataan sa Tomas St. ng lungsod.

Sinita ng suspek ang mga kabataan at pinauwi ngunit habang pauwi ang biktima ay biglang pumutok ang baril na hawak ng jailguard at siya ay tinamaan.

Sa panig ng suspek, si-nabi niyang nag-warning shot siya ngunit hindi sina-sadyang tinamaan ang biktima.

( JAJA GARCIA )

About Jaja Garcia

Check Also

arrest posas

2 kilabot na holdaper arestado gamit na gun replica kompiskado

NABAHAG ang buntot ng dalawang kilabot na holdaper nang pagsalikupan sila ng mga nagrespondeng pulis …

Bulacan solar-powered irrigation system DA NIA

Magsasakang Bulakenyo makikinabang sa 3 solar-powered irrigation system ng DA-NIA

MALOLOS CITY – Tinatayang 1,434 magsasakang Bulakenyo ang makikinabang sa katatapos na tatlong solar pump …

lovers syota posas arrest

Magdyowang tulak, dinamba sa drug bust

SWAK sa selda ang live-in partners na sinabing tulak ng ilegal na droga matapos makuhaan …

Arrest Posas Handcuff

 ‘Exhibitionist’ dinampot ng parak

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang lalaking ‘exhibitionist’ matapos makunan ng video habang nagpapakita …

Gun Fire

Ex-CSU ng Malabon namaril ng sekyu

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang security guard matapos barilin ng dating kawani ng Malabon City …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *