Mag-asawa itinumba sa Las Piñas

TINADTAD ng bala ng tatlong armadong lalaki ang isang mag-asawa kahapon sa Las Piñas City.

Kinilala ang mga biktimang sina Jose Bongalon Sr., 60, at  Marilou, 58, kapwa ng Molave St.,  Samantha Village, Brgy. Talon 5 ng nasabing lungsod.

Base sa ulat kay Las Piñas City Police chief, Senior Supt. Jemar D. Modequillo, dakong 5:45 am kagagaling lamang ng mag-asawa mula sa pamamalengke nang biglang sumulpot ang mga suspek at sila ay pinagbabaril.

( JAJA GARCIA )