2 patay sa anti-drug ops sa Navotas

BINAWIAN ng buhay ang dalawang lalaki makaraan pumalag sa mga awtoridad sa buy-bust operation sa Navotas City kamakalawa.

Kinilala ang mga na-patay na si Emmanuel Villa alyas Emman, 35-40 anyos, at alyas Arnie, habang tinutugis ang isa pa nilang kasama na si June Menioso.

Batay sa ulat nina PO2 Phillip Edgar Valera at PO1 June Paolo Apellido, dakong 4:00 pm nang isagawa ang operasyon laban sa mga suspek ngunit lumaban sila sa mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng dalawa ngunit nakatakas ang isa nilang kasama.

( ROMMEL SALES )