Monday , November 25 2024

hataw tabloid

Community pantry sa Maynila ‘di dapat pakialaman ng MPD (Babala ni Mayor Isko)

INATASAN ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang Manila Police District (MPD) na huwag pakialaman ang mga nagsusulputang community pantry sa Maynila. Ayon kay Mayor Isko, hindi dapat gambalain ang community pantry dahil malaking tulong ito sa pamahalaan habang hinaharap ang pandemyang dulot ng CoVid-19. Una rito, sinabi ng organizer ng community pantry sa Pandacan, Maynila, ititigil nila ang operasyon …

Read More »

Balita tungkol sa community pantry, ‘di krimen — NUJP (Pagtulong ‘di subersiyon)

KUNG tingin ng estado ay panganib ang pag­susulputan ng napaka­raming community pantry sa buong bansa, ang pagtulong sa panahon ng krisis ay hind subersibo  at ang pagsusulat tungkol sa mga nasabing inisyatiba ay hindi kailanman isang krimen. Inihayag ito ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) kasabay ng pagkondena sa red-tagging sa miyembro at dating director na si …

Read More »

Bicol region, pinalakas Hugpong Sara 2022

SA MISMONG baluwarte ni Vice President Leni Robredo nag­karoon ng panunumpa ang mga bagong opisyal ng Hugpong para Kay Sara 2022 kamakalawa. Sa personal na pagdalaw ni Hugpong ng Pagbabago (HNP) secretary general at dating Davao Del Norte Gov. Anthony Del Rosario sa Legazpi City, Albay, pormal na nanumpa bilang mga opisyal ng Hugpo sa ilalim ng Legazpi City Chapter …

Read More »

Katawan ng 2 lalaki natagpuan sa Camotes Island, Cebu (Dalawang araw nang nawawala)

dead

NATAGPUAN nitong Miyer­koles ng umaga, 21 Abril, ng mga awtoridad ang mga katawan ng dalawang lalaking dalawang araw nang nawawala habang lumalangoy sa tubigan ng Camotes Island, sa lalawigan ng Cebu. Kinilala ang biktimang si John Mark Donaire Gero­dias, 18 anyos, nakitang palutang-lutang sa Can­lusong Wharf sa bayan ng San Francisco, sa naturang lalawigan, dakong 9:05 am kahapon. Isang oras …

Read More »

2nd dose ng Sinovac lumarga sa Parañaque

Parañaque

NAGSIMULA na ang pagbibigay ng 2nd dose ng bakuna laban sa CoVid-19 ng pamahalaang lungsod ng Parañaque para sa frontliners at senior citizens ngayong araw, 22 Abril. Sinabi ni Dra. Olga Vertucio, head ng Paraña­que City health office, target na mabakunahan ng 2nd dose ang 500 frontliners sa SM Sucat sa Parañaque at 500 senior citizens gamit ang Sinovac vaccine. …

Read More »

Piolo at Regine muling magpapakilig

MA-INLOVE muli sa tambalan nina Piolo Pascual at Regine Velasquez-Alcasid dahil ipalalabas ng ABS-CBN Film Restoration ang digitally restored at remastered version ng 2007 romantic-drama hit mula Star Cinema na Paano Kita Iibigin, simula Abril 27 (Martes) sa Sagip Pelikula Festival sa KTX. Ang Paano Kita Iibigin ang una at huling tambalan nina Piolo at Regine.  Ito ay mula sa kuwento nina Tammy Bejerano-Dinopol at John Paul Abellera, panulat nina Abellera, Vanessa Valdez, at Mel Mendoza-del Rosario, at …

Read More »

Sunugan ng bangkay sa Manila North Cemetery nasunog

NASUNOG ang isang single-storey crematorium facility  sa Manila North Cemetery, Martes ng madaling araw. Ayon sa Bureau of Fire Protection na umabot sa unang alarma ang sunog. Tinatayang aabot sa P20,000 ang pinsala ng sunog at wala namang nasaktan sa insidente. Sa ulat, nagsimula ang sunog sa kanang gitnang bahagi ng human incinerator crematory equipment. Patuloy na iniimbes­tigahan ang nangyari. …

Read More »

Operating Room Complex ng GABMMC, isinara

PANSAMANTALANG isinara ang Operating Room Complex ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) sa Tondo, Maynila. Ayon sa Manila Public Information Office, kasama rito ang OR, LR-DR, NICU, High Risk Unit ng nasabing ospital. Isinara ang Operating Room Complex ng GABMMC simula 8:00 pm, nitong Lunes, 19 Abril, hanggang 8:00 am, ngayong Miyerkoles, 21 Abril. Layon nitong bigyang daan …

Read More »

Isko nanguna sa groundbreaking ng CoVid-19 field hospital

PINANGUNAHAN ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang groundbreaking ceremony ng itatayong 336 bed-capacity CoVid-19 field hospital sa Luneta Park nitong Martes. Kasama ni Mayos Isko si Vice Mayor Ma. Shielah ‘Honey’ Lacuna-Pangan at iba pang opisyal ng gobyerno tulad nina National Task Force (NTF) Against CoVid-19 chief implementer Sec. Carlito Galvez, Jr., NTF Against CoVid-19 deputy chief implementer Secretary …

Read More »

US ‘one ‘call away’ sa PH (Sa problema sa West Philippine Sea)

“ONE call away” lang si Uncle Sam kapag kailangan ng saklolo ng Filipinas laban sa pangangamkam ng China sa teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea (WPS). Sinabi ni Philppine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babes” Romualdez, hinihintay ng US government ang tawag ng gobyerno ng Filipinas kung kailangan  ng tulong na paalisin ang mga barko na nakaparada …

Read More »

Katawan ng babae natagpuang palutang-lutang sa Bataan

dead

PALUTANG-LUTANG na natagpuan ang katawan ng isang babae sa bay area ng bayan ng Morong, lalawigan ng Bataan, nitong Linggo, 18 Abril. Ayon sa mga imbesti­gador, nakita ang katawan, may 14.8 kilometro ang layo mula sa dalampa­sigan sa harap ng nuclear power plant. Ayon kay P/SSg. Michael Villanueva, imbestigador ng San Antonio police station, kinokompirma ng mga awtoridad kung ang …

Read More »

SUV nahulog sa irigasyon 7 bata, 5 pa patay, 2 sugatan

road accident

LABING-DALAWANG tao ang binawian ng buhay, na kinanibilangan ng pitong bata, nang mahulog ang sinasakyan nilang sport utility vehicle (SUV) sa isang irrigation canal sa lungsod ng Tabuk, lalawigan ng Kalinga, nitong Linggo ng gabi, 18 Abril. Sa inisyal na ulat ng pulisya, kinilala ang mga namatay na sina Remedios Basilio, Judilyn Talawec Dumayon, Jeslyn Dumayon, Shadarn Dumayon, Wadeng Lope, …

Read More »

Reimbursement ng PhilHealth sa private hospitals, aabonohan ng DBP

Philhealth bagman money

PABOR ang Palasyo na saklolohan ng Development Bank of the Philippines (DBP) ang PhilHealth sa pagbabayad ng reimbursement ng mga pribadong ospital upang makaagapay sa CoVid-19 pandemic. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi katanggap-tanggap na naaantala ang reimbursement sa mga pribadong pagamutan ng PhilHealth dahil ang pondong ito ang inaasa­han upang magpatuloy ang kanilang operasyon. “Talagang hindi katanggap-tanggap na …

Read More »

Gamot sa CoVid-19 libre sa Maynila

LIBRENG iniaalok ng pamahalaang lungsod ng Maynila, bilang bahagi ng kampanya kontra pandemyang dulot ng CoVid-19, ang dalawang gamot na mahirap hanapin at napakamahal na maaaring makapagbigay lunas sa mga pasyenteng nahawa o naimpeksiyon ng nasbaing virus. Ayon kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, lokal na pamahalaan ay mayroong Remdesivir gayondin ang gamot na Tocilizumab (Actemra 80mg) na maaaring makatulong …

Read More »

Bulacan COP, et al ‘nagsinungaling’ (Swak sa kasong administratibo)

SASAMPAHAN ng kasong administratibo sa IAS Camp Crame ang hepe ng San Ildefonso Police Station at mga tauhan nito dahil sa pagsisinungaling at pinalabas sa media at sa police report na kasapi ng “Basag Kotse Gang” ang isang pulis-Maynila ngunit ito’y taliwas sa katotoha­nan. Pinalabas umano ng hepe ng San Ildefonso police na nagkaroon ng habulan dahil tumakbo patungong San …

Read More »

Pangulong Rodrigo Duterte, suportado si DA Secretary Dar

AYON mismo kay Agriculture Secretary William Dar,  ang pagkakasangkot niya sa sinasabing bilyong pisong ‘tongpats’ na makukuha sa bumuhos na imported pork products at pagpapababa sa taripa nito gamit ang African swine fever. “As regards to the alleged ‘tongpats’ of about P5 to P7 per kilo of imported pork, the present DA leadership categorically denies any involvement if such scheme …

Read More »

‘Eyeball-holdap’ buking ‘Poser’ sa socmed, arestado

arrest posas

NADAKIP ang isang trabahador sa azucarera matapos magpanggap na babae sa social media para pagnakawan ang kanyang mga biktima, sa isang entrapment operation na ikinasa ng mga awtoridad sa Crossing Gaston, Brgy. Punta Mesa, bayan ng Manapla, lalawigan ng Negros Occidental. Kinilala ng pulisya ang suspek na si Alvin Amandog, 27 anyos, residente sa Brgy. Tortosa, sa nabanggit na bayan. …

Read More »

IED sumabog sa Basilan sundalo, sibilyan sugatan

explosion Explode

SUGATAN ang isang sundalo at isang sibilyan nang sumabog ang isang improvised explosive device sa bayan ng Tipo-Tipo, lalawigan ng Basilan, nitong Lunes, 12 Abril, isang araw bago ang pagdiriwang ng Ramadan. Ayon kay Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., hepe ng Western Mindanao Command ng Philippine Army, naganap ang insi­dente ng pagsabog dakong 6:25 am kamakalawa habang nagpapatrolya ang mga …

Read More »

Motorsiklo nag-overtake, dump truck nakasalubong empleyado ng BFAR patay

road accident

BINAWIAN ng buhay ang isang tauhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa lungsod ng Tacloban nang bumangga ang kanyang minamanehong motor­siklo sa isang mini-dump truck nitong Lunes ng umaga, 12 Abril, sa National Highway sa Brgy. Abango, sa bayan ng Barugo, lalawigan ng Leyte. Kinilala ni P/Capt. Luis Hatton, hepe ng Barugo Police Station, ang biktimang si …

Read More »

Provincial consultant na ex-CoS ng mister ni Assunta patay (Binaril sa Negros Occidental)

dead gun police

NAPASLANG ng mga hindi kilalang suspek ang isang provincial consultant for hospital operations sa labas ng Emerald Arcade sa Brgy. Palampas, lung­sod ng San Carlos, lala­wigan ng Negros Occiden­tal nitong Lunes, 12 Abril. Kinilala ang biktimang si Mariano Antonio “Marton” Cui III, na idineklarang wala nang buhay nang dalhin sa ospital matapos tamaan ng bala ng baril sa dibdib. Ayon …

Read More »

NTC pasaklolo na sa SC vs P2.5B NOW Telecom penalty

NANAWAGAN kaha­pon ang Infrawatch PH sa National Telecommunications Commission na magsampa ng Motion for Early Resolution sa Supreme Court para pinal na maresolba ang apela ng NOW Telecom na humihirit ng rekonsiderasyon sa desisyon ng Court of Appeals noong 2009 na kumakatig sa letter-assessment ng NTC para pagbayarin ng P126,094,195.67  supervision and regulation fees  at P9,674,190 spectrum user fees ang …

Read More »

Favipiravir at Arbidol gamot kontra CoVid-19

SA PATULOY na pagtaas ng kaso ng CoVid-19 sa Filipinas, inianunsiyo ni CEO Jomerito Soliman, na naghanda ang My Med Rx Plus Corporation ng isang milyong tabletas ng Favipiravir Avigan at tatlong milyong tabletas ng Umifenovir Arbidol upang matulungan ang mga nangangailangang mga ospital at mga pasyente. Ayon kay Soliman, makatutulong ang mga naturang gamot sa pagpapagaling sa halos 100,000 …

Read More »