Wednesday , February 21 2024
Sama-Samang Tinig ng Pasko Christmas Chorale Showdown TV5

Sama-Samang Tinig ng Pasko tampok sa Barangay Christmas Chorale Showdown ng TV5

MAS pinabongga at pinasaya ang Christmas campaign ng TV5 ngayong taon dahil sa inaabangang Sama-Samang Tinig ng Pasko Christmas Chorale Showdown na magtatapatan ang pinakamagagaling na mga chorale group mula sa mga barangay ng Maynila, Valenzuela, Quezon City, at Marikina.

Inaanyayahan ang lahat sa isang trade fair-like event na tampok ang ilan sa pinakamagaling na chorale groups ng Metro Manila. Sampung grupo ang maglalaban simula Nobyembre 19 sa isang barangay sa Maynila, Nobyembre 20 sa Valenzuela City, Nobyembre 26 sa Quezon City, at Nobyembre 27 sa Marikina City. Ang mga magiging hurado ay mga celebrity guest, mga opisyales ng bawat local government units, at guest judge na magbibigay ng performance at saya sa mga manonood.

Ang dalawang grupo na mananalo sa bawat syudad ay tatanghalin bilang Top 8 at mabibigyan ng pagkakataong makasama sa Grand Finals na gaganapin sa Ayala Malls Feliz sa Disyembre 17. Ang mga papremyo ay P300,000 plus PBA singing appearance para sa 1st Prize; P150,000 naman para sa 2nd Prize; at P100,000 para sa 3rd Prize. Ang iba namang finalist ay makatatanggap ng P10,000 bawat grupo. 

Ang chorale competition na ito ay partnership ng TV5 sa Joy Expert Dishwashing Liquid. Special thanks din para sa Sting, Milkita Lollipops & Candy, Flanax, Paracetamol Tempra, Alaska, Eden, Dr. S. Wong’s Sulfur Soap, C2, Knorr, at sa Ayala Malls Feliz bilang opisyal na venue partner para sa Grand Finals. 

Ang Sama-Samang Tinig ng Pasko ay isa sa activities ng 2022 Christmas campaign ng TV5. Noong 2021, nanguna ang Kapatid Network sa pagdiriwang ng Kapaskuhan sa pagsisimula pa lamang “Ber Months.” Ang Christmas theme ng festivities ngayong taon ay nakasentro sa mensahe ng TV5 na Iba’ng saya Pag Sama-Sama! 

About hataw tabloid

Check Also

Teejay Marquez Beauty Gonzales Kelvin Miranda

Teejay klik na sa ‘Pinas

MA at PAni Rommel Placente ISA si Teejay Marquez sa cast ng pelikulang After All na pinagbibidahan nina Kelvin Miranda at Beauty …

Ryza Mae Dizon Enrique Gil

Ryza Mae nawindang sa halik ni Enrique

I-FLEXni Jun Nardo GRABE rin ang naging kilig ni Ryza Mae Dizon nang maging contestant  si Enrique Gil sa …

Maris Racal Rivermaya

Maris Racal umeksena sa concert ng Rivermaya: Rico My Oppa!

I-FLEXni Jun Nardo KINABOG ni Maris Racal ang lahat ng nanood ng reunion concert ng bandang Rivermaya nitong nakaraang …

marriage wedding ring

Magkakarelasyong bakla ‘di tamang bigyan ng bendisyon sa simbahan

ni Ed de Leon DITO sa showbusiness marami kaming nakakasamang bakla sa aming trabaho. Ok …

Jennylyn Mercado Dennis Trillo Dylan

Dennis at Jen tiyak na magtatagal

INAMIN nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na may panahon palang muntik na rin silang maghiwalay dahil sa selos. …