Bilang pagsalubong sa buwan ng mga puso, nagsagawa ng Kasalang Bayan si Mayor Joy Belmonte, noong nakaraang linggo sa Quezon Memorial Circle, tampok ang pag-iisang dibdib ng 71 pares sa District 1. Naging saksi bilang ninong at ninang ang mga kandidato ng Team Aksyon Agad sa mga ikinasal, kabilang si Congressman Arjo Atayde, Vice Mayor Gian Sotto at mga konsehal …
Read More »
Sa Carles, Iloilo
MUNISIPYO ‘NIRANSAK’
NILOOBAN ng mga hinihinalang magnanakaw ang munispyo ng bayan ng Carles, sa lalawigan ng Iloilo. Ayon kay P/Lt. Johny Oro, deputy chief ng Carles Municipal Police Station, iniulat sa kanilang himpilan ng isang empleyado ng munisipyo ang insidente noong Sabado, 5 Pebrero. Base sa inisyal na imbestigasyon, nabatid ng pulisya na magkakahiwalay na pumasok ang mga hinihinalang magnanakaw sa Office …
Read More »VP Leni Robredo nagpasalamat kay Percy Lapid, Lapid Fire
PERSONAL na ipinaabot ni Vice President Leni Robredo ang kanyang taos-pusong pasasalamat kay veteran broadcaster at public affairs commentator Percy Lapid at sa mga tagasubaybay ng programang “Lapid Fire” na sabayang napapanood sa buong mundo sa pamamagitan ng Facebook live at YouTube. Si Lapid na nagsusulat ng kolum sa pahayagang ito (Hataw D’yaryo ng Bayan) ay napapakinggan gabi-gabi sa kanyang …
Read More »Bahay, tricycle sinalpok ng van 9 patay, 3 sugatan sa Cagayan
AGAD binawian ng buhay ang siyam katao kabilang ang isang sanggol na babae, habang sugatan ang dalawang iba pa nang bumangga ang isang van sa isang bahay sa bayan ng Lal-lo, lalawigan ng Cagayan, nitong Sabado ng gabi, 5 Pebrero. Kinilala ang siyam na namatay na biktimang sina Aladin, Duarte, Jeric, Eric, at Charie, lahat ay may apelyidong Oñate; May-ann, …
Read More »‘Tagasanay ng Isport’ awardee Amihan Reyes-Fenis tampok sa PSC Rise up, Shape up
ITINAMPOK ng Philippine Sports Commission (PSC) si Gintong Gawad 2021 ‘Tagasanay ng Isport’ awardee Amihan Reyes-Fenis sa webisode ng Rise Up Shape Up nitong 5 Pebrero 2022. Nagsilbi si coach Reyes-Fenis bilang FIG Brevet International Judge para sa rhythmic gymnastics. Inensayo rin niya ang nanalong gymnasts sa parehong national at international competitions at kinilala bilang outstanding coach noong 2011 Palarong …
Read More »PH Karate Team hahataw sa 31st SEA Games sa Vietnam
IPANLALABAN ng Team Philippines ang kombinasyon ng kabataan at karanasan sa binubuong 15-man Philippine Karate Team na ilalarga sa 31st Southeast Asian Games sa 12-23 Mayo 2022 sa Hanoi, Vietnam. Sinabi ni Philippine Karate Sports Federation Inc., president Richard Lim, bukod sa panlabang sina Manila SEA Games champion Jamie Lim at Junna Yukiie, tatlo pang kabataang Filipino-Japanese na nakabase sa …
Read More »
Batay sa ebidensiya
MAGKAKASANGKOT SA PHARMALLY DEAL KASUHAN — PING
HATAW News Team HINDI kombinsido si Partido Reporma standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson na akma ang kasong ‘betrayal of public trust’ na ipataw sa mga opisyal ng pamahalaan na sangkot sa isyu ng katiwalian dahil sa eskandalo ng Pharmally ngunit naniniwala siyang may dapat managot sa kanila. Inihayag ni Lacson, may mga agam-agam siya sa ulat ng Senate Blue Ribbon Committee …
Read More »‘Anak’ ng diktador substitute kapag na-DQ si Marcos, Jr.
“AKO ang substitute ni Ferdinand Marcos, Jr., kapag na-disqualify siya hindi si Imee.” Tahasang sinabi ito ni Maria Aurora Busoy Marcos, isa sa mga naghain ng certificate of candidacy (COC) para presidente, ngunit idineklarang nuisance candidate ng Commission on Elections (Comelec), at nagpakilalang lehitimong anak umano ng yumaong diktador at dating Pangulong Ferdinand Marcos. Ayon kay Aurora, matapos siyang ideklara …
Read More »Cusi, 11 opisyal ng DOE ipinaasunto ni Gatchalian
INIREKOMENDA kahapon ni Senate committee on Energy Chairman Senator Win Gatchalian na kasuhan ng graft si Energy Sec. Alfonso Cusi at 11 opisyal ng Department of Energy (DOE) dahil sa maanomalyang bentahan ng shares ng gobyerno sa Malampaya gas project. Pinangunahan ni Gatchalian ang transmittal ng Senate resolution para irekomenda na sampahan ng graft si Cusi at iba pang opisyal …
Read More »Net25, namuti ang mata sa 10 oras na paghihintay kay Sen. Pacquiao
ALAM MO NA!ni Nonie V. Nicasio PINABULAANAN ng NET25 ang ilang ulat na ipinalalabas na umatras si Sen. Manny Pacquiao sa interview nito, pero ang crew at hosts pala ang pinag-pull-out ng TV network dahil sa napakahabang oras na paghihintay sa presidential aspirant na hindi tumalima sa napagkasunduan. Ayon sa Director ng ASPN Primetime na si Jeannie Gualberto, nakipag-ugnayan ang …
Read More »‘LeniWalangAatrasan’ trending sa Twitter
NAGING No. 1 trending topic ng bansa ang hashtag #LeniWalangAatrasan” habang bumilib naman ang netizens sa mga sagot ni Vice President Leni Robredo sa “Bakit Ikaw?” presidential interview ng DZRH radio. Nag-trend ang “#LeniWalangAatrasan” bilang No. 1 topic sa Filipinas na mayroong mahigit 66,000 tweets umaga ng Huwebes. Kalmado lang si Robredo habang malinaw na sinasagot ang tanong ng panel …
Read More »DIETHER OCAMPO SUGATAN!
Sugatan ang aktor nang sumalpok ang kanyang minamanehong Ford Expedition, may plakang ATA 3147, sa likuran ng nakahintong truck ng basura sa Service Road ng Osmeña Highway sa Makati City, pasado ala-una ng madaling araw. Dinala si Ocampo sa Makati Medical Center matapos maiahon sa pagkakaipit ang kanyang mga paa. Eksklusibong kuha ni Jayson Drew. (EJ DREW)
Read More »Veteran actress Rustica Carpio pumanaw sa edad 91
NAMAALAM na ang award-winning veteran actress at direktor na si Rustica Carpio noong Feb. 1 sa edad na 91. Kinompirma ito ng kanyang mga pamangkin na sina Myrea Baquiran at Nessea Carpio sa pamamagitan ng social media. Anang mga pamangkin, binawian ng buhay ang beteranang aktres sa bahay nito sa Cavite, “We wish you farewell in your journey to eternity. You’d never be forgotten. Rest in …
Read More »Ali at Pat-P tuloy ang pagkilatis ng mga kandidato sa Mata ng Halalan 2022
TULOY-TULOY ang pakikipanayam ng mga beteranang broadcasters at ASPN Primetime hosts na sina Ali Sotto at Pat-P Daza sa mga kandidato sa darating na halalan. Sa linggong ito, kikilalanin nina Ali at Pat-P ang ilan pang senatoriables bilang parte pa rin ng special election series na Mata ng Halalan 2022 ng NET 25. Huwag palampasin ang pagsalang sa ASPN Primetime nina Sen. Risa Hontiveros at dating Spokesperson Harry Roque Jr. (Lunes, Jan. 31); dating Bayan Muna Rep. Neri …
Read More »Fernan de Guzman bagong pangulo ng PMPC
MATAGUMPAY na naidaos ang halalan para sa bagong pamunuan ng The Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC) para sa taong 2022 na ginanap noong Enero 28 sa tanggapan ng PMPC sa Quezon City. Ang PMPC ay isang non-profit organization na nagbibigay ng karangalan at pagkilala sa entertainment industry, kabilang na ang mga artista, performers, at mga manggagawa sa likod ng kamera sa larangan ng …
Read More »
House Bill No. 6866
KONGRESO NAGPASA NG BATAS NA HAHATI SA MUZON SA 4 BARANGAY
NAGPAHAYAG ng kagalakan si San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” Robes sa ginawang pagpasa ng dalawang kapulungan ng kongreso sa panukalang batas na hatiin ang Barangay Muzon sa kanyang lungsod sa apat na barangay na may kanya-kanyang kalayaan para sa paghahatid ng serbisyo. Naganap ito matapos sangayunan ng Kamara nitong Lunes ang mga amiyendang ginawa ng Senado sa …
Read More »Marawi Compensation Bill dapat ipasa bago bumaba si PRRD sa Hunyo — Bistek
NANAWAGAN si dating Quezon City mayor at tumatakbo ngayong senador na si Herbert “Bistek” Bautista sa Malacañang at sa Kamara na ipasa na ang Marawi Compensation Bill para matulungang makabalik sa normal na pamumuhay ang 300,000 Maranao at iba pang katutubo sa Marawi City na napilitang lumikas sa kasagsagan ng Marawi siege. Halos limang taon na ang nakararaan nang kubkubin …
Read More »Ratings ni VP Leni patuloy sa pagtaas
PATULOY ang pagtaas ng ratings sa survey ni Vice President Leni Robredo habang pababa si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., dahil sa pagtanggi nitong dumalo sa mga panayam sa telebisyon at radyo. Ito ang resulta ng espesyal na pag-aaral ng International Development and Security Cooperation (IDSC) ukol sa 2022 national elections kung saan kinuha nito ang WR Numero Research para sa …
Read More »Be a BJMP officer
START YOUR CAREER. SECURE YOUR FUTURE. SERVE THE PUBLIC! APPLY NOW For more information visit our website: www.bjmp.gov.ph or the nearest BJMP office in your area.
Read More »Masangsang na amoy ng tone- toneladang medical waste ng QMC, inirireklamo kay Gov. Suarez
KASABAY ng paglobo ng bilang ng mga nai-infect at namamatay sa CoVid-19 virus sa lalawigan ng Quezon, nangangambang makakuha ng panibagong mga sakit ang mga residente malapit sa compound ng likurang bahagi ng Quezon Medical Center (QMC) dahil sa tone- toneladang medical wastes na matagal nang nakatambak sa nasabing lugar. Marami sa kanila ay nagpaabot na umano ng reklamo sa …
Read More »
Sa Romblon
INA, 2 ANAK MINASAKER SUSPEK ARESTADO
NASAKOTE ng mga awtoridad nitong Biyernes, 28 Enero, ang isa sa mga suspek sa pamamaslang sa isang ina at kaniyang dalawang anak sa kanilang bahay sa bayan ng San Jose, lalawigan ng Romblon. Noong Miyerkoles, 26 Enero, natagpuan ang walang buhay at tadtad ng mga saksak na katawan ng mga biktimang kinilalang sina Wielyn Mendoza, 29 anyos, single mother, at …
Read More »
Naglaro ng mga heringgilyang ginamit na
7 BATA SA VIRAC, CATANDUANES POSITIBO SA COVID-19
NAGPOSITIBO sa CoVid-19 nitong Sabado, 29 Enero, ang pitong bata sa bayan ng Virac, lalawigan ng Catanduanes, matapos maglaro ng ‘medical waste’ na kanilang natagpuan sa kanilang barangay. Isinailalim ng mga awtoridad sa antigen testing ang mga batang may edad 3-11 anyos, matapos makitang naglalaro ng mga heringgilya gamit na, sa dalampasigan ng Brgy. Concepcion, sa nabanggit na bayan. Bukod …
Read More »
Tulay sa Majayjay bumigay
CARGO TRUCK NAHULOG, 4 SUGATAN
APAT ang nasugatan nang mahulog ang isang cargo truck sa ilog nang bumigay ang isang tulay sa bayan ng Majayjay, sa lalawigan ng Laguna, nitong Sabado ng umaga, 29 Enero. Dinala sa pagamutan ang mga sugatang biktimang sina Jieron Benlot, 34 anyos, driver ng truck; Den Fernandez, 42 anyos; at mga pahinanteng sina Noel Clemente, 44 anyos, at Jeffry Pinino, …
Read More »
Sa Butuan
CYBERSEX DEN SINALAKAY 8 MENOR DE EDAD NASAGIP
NAILIGTAS ang walong biktimang may edad 14 hanggang 16 anyos nang salakayin ng mga awtoridad ang isang hinihinalang cybersex den sa Purok 7, Brgy. Limaha, lungsod ng Butuan, Agusan del Norte, nitong Sabado, 29 Enero. Magkatuwang na ikinasa ng National Bureau of Investigation – CARAGA office at Regional Police Women and Children Protection Center ang operasyon base sa impormasyon mula …
Read More »
May laptop na, may allowance pa
SA QC UNIVERSITY LIBRE TUITION FEE
LIBRE ang tuition fee sa Quezon City University (QCU). Kaya kung kayo ay graduating student ng Senior High ngayong taon, at problema ang pagpasok o makatapos ng kolehiyo, samantalahin ang libreng college education na ini-o-offer ng QCU sa mga kabataan ng lungsod. Ito ay matapos maisama ng Commission on Higher Education (CHED) ang unibersidad at mabigyan ng “Institutional Recognition” noong …
Read More »