Monday , June 16 2025
My Plantito Kych Minemoto Michael Ver

My Plantito ng Puregold Channel sa YouTube mapapanood ng may English subtitles  

HABANG lalong nakakamit ng My Plantito ng Puregold Channel ang pagkilala dahil sa mahusay na pagpapakita nito ng kuwentong boy-love, pamilyang Filipino, at pakikipagkaibigan, mapapanood na ang serye ng retailtainment pioneer sa YouTube ngayon na may English subtitles.

Tampok si Kych Minemoto bilang nangangarap na vlogger na si Charlie, at si Michael Ver bilang gwapong kapitbahay at plantito na si Miko, mabilis na sumikat ang digital na serye sa mga tagapanood sa buong bansa, na ang 21 episode ay mayroong 29.5 milyong view sa kasalukuyan.

Noong una itong ipinalabas, naging paborito kaagad ang serye ng mga fan, dahil itinatanghal nito ang perpektong balanse ng kilig, kuwela, at nakatutunaw ng pusong mga sandali hindi lamang kina Charlie at Miko, pati na rin kina Charlie at ang mapagmahal nitong ama na si Janong (Chef Ghaello Salva), at ang tapat nitong best friend na si Bianca (Devi Descartin).

Dahil dito, masayang inaanunsiyo ng Puregold na mapapanood na ang serye sa YouTube na may English subtitles, para mas maabot pa ito ng mga fan sa iba-ibang sulok ng mundo.

“Alam namin kung gaano kainit ang pagtanggap ng mga tagapanood sa ‘My Plantito’ at naririnig namin ang hiling ng mga fan na mas marami pa sana itong maabot,” ani Ms. Ivy Hayagan-Piedad, Senior Manager for Marketing ng Puregold Channel. 

“Ngayong may English subtitles na ang YouTube episodes ng ‘My Plantito,’ patunay lamang na nakikinig ang Puregold Channel at tumutupad ng pangako. Ngayon, ang mga tagasubaybay mula sa ibang bansa ay may oportunidad na matunghayan ang magandang kuwento ng serye.”

Dagdag sa tagumpay ng kompanya sa industriya ng retail, nangunguna rin ang Puregold sa retailtainment, at kabilang sa mga serye na naipalabas nito ang GVBoysAng Babae sa Likod ng Face MaskAng Lalaki sa Likod ng Profile, at 52 Weeks.

Mapapanood ang My Plantito na may English subtitles sa opisyal na YouTube Channel ng Puregold, https://www.youtube.com/@PuregoldChannel. Ang YouTube cut ng serye ay mapapanood sa loob ng pitong linggo, at ipinalabas na ang unang episode noong Oktubre 7.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bagets The Musical

Bagets bubuhayin sa stage musical

I-FLEXni Jun Nardo BUBUHAYIN sa stage ng Newport Hotel ang 80s iconic movie na Bagets next year. …

Julie Anne San Jose Rayver Cruz ClashBackers

Rayver, Julie Anne pangmalakasan opinyon sa ClaskBackers

I-FLEXni Jun Nardo PANGMALAKASAN ang bagong season ng GMA’s singing search na The Clash. Magbabakbakan kasi sa ongoing …

Arkin Lagman Pabalik Na

Model/actor Arkin Lagman recording artist na

MATABILni John Fontanilla Recording artist na ang model/actor na si Arkin Lagman under Old School Records and Star Music. Ipino-promote niya ngayon …

Patricia Javier

Patricia nag-ala sirena (Matapos maging Fairy Barbie)

MATABILni John Fontanilla FAIRY Barbie ang tema ng birthday ni Patricia Javier last year at …

GameZone Vice Ganda FEAT

IT’S A MATCH! GameZone launches dynamic new chapter with Vice Ganda as its first-ever ambassador

The newest logo of DigiPlus’ youngest gaming platform – GameZone. The game just got better …