Thursday , June 4 2026
ROTC Games Senatol Francis Tolentino
Pinangunahan nina Senator Francis Tolentino at Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Hon. Carlito G. Galvez Jr. kasama ang mga kadete sa isinagawang Unity Dance sa clossing ceremony ng Philippine ROTC Games National Finals sa Cuneta Astrodome sa Pasay City. (HENRY TALAN VARGAS)

ROTC Games Finals opening ceremony

Mas maraming events, mas maraming participating schools.

Ito ang tiniyak ni Sen. Francis Tolentino para sa susunod na Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) Games sa taong 2024 bago magsimula ang opening ceremony ng 2023 National Championships kahapon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

“Mas maraming mga atleta, mas maganda,” wika ni Tolentino, ang may konsepto ng nasabing kompetisyon para sa mga cadet-athletes ng Philippine Army, Philippine Air Force at Philippine Navy.

Mayroon lamang pitong events sa inaugural ROTC Games na kinabibilangan ng 3×3 basketball, volleyball, athletics, arnis, boxing, kickboxing at e-sports.

Ayon kay Sen. Tolentino, posibleng idagdag sa susunod na taon ang jiu-jitsu, obstacle course at taekwondo.

“Marami pang iba na gustong sumali, pero pag-aaralan pa po ang mga ito ng ating organizing committee dahil mahirap po talaga,” wika ng Senador.

Matapos ang makulay na opening ceremony na dinaluhan ni Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Carlito Galvez Jr. ay papagitna ang mga finals sa athletics sa Philsports Track Oval sa Pasig City.

Ang mga gold medals na pag-aagawan ay sa men’s at women’s 200-meter run at men’s at women’s 4×100-meter relay.

Magsisimula rin ang mga elimination bouts sa boxing sa Dacudao Court sa Rizal Memorial Sports Complex sa Manila, habang patuloy ang mga laro sa volleyball sa Technological State University (TUP) Gym, Manila. (HATAW Sports)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …