Monday , January 6 2025

hataw tabloid

Senior high classrooms tuloy na (Sa land swap deal ng INC at NHA)

PINAL na ang kasunduan ng Iglesia ni Cristo (INC) at ng National Housing Authority (NHA) para sa isang “land swap agreement” sa Quezon City, nitong 29 Hunyo, Miyerkoles na magsasakatuparan sa mithiin ng Department of Education (DepEd) na magtayo ng karagdagang silid-aralan sa ari-ariang may lawak na 2,000 metro kuwadrado katabi ng Holy Spirit National High School. Orihinal na pagmamay-ari …

Read More »

Sa CamSur: Mag-asawa, 2 apo patay sa nasunog na hardware

NAGA CITY- Patay na nang matagpuan ang dalawang bata sa nangyaring sunog sa isang gusali sa bayan ng Sipocot, Camarines Sur kahapon ng umaga. Ayon kay Fire Chief Insp. Ramon Gregorio mula sa Bureau of Fire Protection (BFP)-Sipocot, pasado 8:30 am kahapon nang makuha ang bangkay ng dalawang bata na si Shubie, 14, at Alexie Espiritu, 12, na-trap sa nasunog …

Read More »

Nat’l ID system itinutulak ni Trillanes

INIHAIN ni Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ang Senate Bill No. 95 na magtatatag ng national ID system. Tinatawag na Filipino Identification System bill, ang panukala ay naglalayong pag-isahin ang lahat ng ID system sa gobyerno sa iisang national ID system. Sa ilalim ng sistemang ito, magbibigay ang pamahalaan ng Filipino Identification card na magsisilbing pagkikilanlan ng lahat ng …

Read More »

Rebulto ni Enrile ipinagiba ni Mamba

TUGUEGARAO CITY – Ipinagiba ni Cagayan Governor Manuel Mamba ang bust o estatwa ni dating Sen. Juan Ponce Enrile na nakatayo sa harapan ng capitol grounds. Isa ito sa mga unang atas ng gobernador sa kanyang pormal na pag-upo at pagdalo sa kanyang unang flag raising ceremony. Nilinaw ni Mamba, hindi dapat dakilain ang dating senador dahil sa kahihiyang ibinigay …

Read More »

Butchoy bagyo na sa PH

UMAKYAT na ang bagyong Nepartak sa typhoon category o isang malakas na bagyo. Batay sa ulat ng Pagasa, umaabot na sa 120 kph ang taglay nitong hangin at may pagbugsong 150 kph. Kumikilos ang bagyo nang pahilagang kanluran sa bilis na 30 kph. Aasahan ang matinding buhos ng ulan sa loob ng 300 kilometrong diametro ng bagyo. Sa ngayon, unti-unti …

Read More »

Pulis bawal maglaro ng golf

MAHIGPIT na ipinagbawal ni PNP chief, Dir. Gen. Ronald Dela Rosa ang paglalaro ng golf ng mga  pulis tuwing oras ng trabaho. Ito ang isa sa mga nabanggit ni Dela Rosa makaraan ang flag ceremony sa Camp Crame. Ayon kay Dela Rosa, bawal na rin ang ‘moonlighting’ ng mga pulis at inaatasan ang lahat ng PNP commander na i-account ang …

Read More »

Midnight reso sa DoJ tinutukan

BUMUO ng legal team si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II para tutukan ang imbestigasyon kaugnay sa sinasabing midnight resolution nang nagdaang liderato sa Department of Justice (DoJ). Magugunitang inakusahan ng grupong Filipino Alliance for Truth and Empowerment (FATE) si dating Justice Secretary Emannuel Caparas na naglabas ng midnight resolution bago bumaba sa puwesto. Dahil dito, inatasan ni Aguirre ang kanyang …

Read More »

‘Pulis-Abakada’ binalaan ng NCRPO chief

NAILIPAT na ang liderato ng National Capital Region Police Office (NCRPO) mula kay Supt. Joel Pagdilao patungo sa bagong hepe na si Senior Supt. Oscar Albayalde nitong Lunes. Sa change of command ceremony, nagbabala si Albayalde na bawal na sa hanay ng NCRPO ang mga pulis-ABAKADA o mga kawaning abusado, bastos, kotongero at duwag. Tinaningan din niya ang mga tauhan …

Read More »

4-anyos anak ginawang drug courier, ama arestado

arrest prison

LAOAG CITY – Arestado sa mga awtoridad sa Bacarra, Ilocos Norte, ang isang ama na ginawang drug courier ang kanyang 4-anyos anak para sa kanyang mga kustomer. Kinilala ni Senior Insp. Jephre Taccad, chief of police ng PNP-Bacarra, ang suspek na si Ferdinand Matutino, 22, may live-in partner, walang trabaho at residente sa Brgy. 16, San Roque, sa nasabing bayan. …

Read More »

Panukala para sa Con-con isinulong din sa Kamara

NAGSUMITE na si Cebu Rep. Gwendolyn Garcia ng panukalang batas na nagtatakda ng parameters sa paghahalal ng delegado sa constitutional convention at rules of procedure para sa operasyon ng Concon para sa pagbabago ng saligang batas. Sa ilalim ng House Bill 312 ni Garcia, itinatakda na 107 ang delegadong ihahalal para bumuo ng Concon at ang kuwalipikasyon ay katulad sa …

Read More »

Pulis na papatay kay Erap isasalang sa neuro/psycho exam

NEGATIBO sa drug test ang pulis na nag-amok sa loob ng Manila Police District (MPD) headquarters. Ayon kay Chief Insp. Arsenio Riparip, hepe ng MPD general assignment section, walang traces ng droga sa ginawang test ngunit mahaharap pa rin sa ibang pagsusuri ang nagwalang si PO1 Vincent Paul Solarez. Matatandaan, nagpaputok ng baril ang nasabing Manila policeman at binasag din …

Read More »

Bagyong papalapit lalo pang lumakas

LALO pang lumakas ang bagyong may international name na Nepartak at tatawaging tropical storm Butchoy kapag pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR). Mula sa 65 kph, umaabot na ngayon sa 75 kph ang taglay nitong lakas habang may pagbugsong 90 kph. Kumikilos ang bagyo nang pahilagang kanluran sa bilis na 30 kph mula sa 7 kph kahapon. Huli itong …

Read More »

9 parak pa positibo sa droga — PNP chief

SIYAM pang pulis ang nagpositibo sa droga sa isinagawang random surprise drug test. Sa bilang na 2,405 sumalang sa random drug test nitong Biyernes, kasama rito ang 75 matataas na opisyal mula ca PNP headquarters sa Camp Crame. Nilinaw ni PNP chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa, ang mga pulis na nagpositibo sa droga ay mula sa regional police …

Read More »

Koko, tiyak na magiging Senate President — Lacson

TINIYAK ng bagong halal na si Senador Panfilo Lacson na sapat ang bilang ni Senador Aquilino Pimentel III para maluklok bilang bagong Senate President sa Hulyo 25 sa pagbubukas ng Kongreso. Sa panayam ng DZBB, inilinaw ni Lacson na kahit ano ang gawing ‘pailalim na panliligaw’ ng talunang bise presidente na si Allan Peter Cayetano ay malinaw na may 17 …

Read More »

Duterte ‘di dapat makialam sa Senado — Lacson

SA mainit na labanan sa Senate Presidency sa pagitan nina Sen. Koko Pimentel at Sen. Alan Peter Cayetano, muling iginiit ni Sen. Panfilo Lacson na huwag makialam sa usapin ng Senate leadership si Pangulong Rodrigo Duterte. “President Duterte should not interfere with Senate affairs,” pahayag ni Lacson. Si Lacson ay una nang nagpahayag na ang Senado ay hindi isang city …

Read More »

Paglaya ng Norwegian hostage tinatrabaho na

BACOLOD CITY – Tiniyak ni Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza na handa siyang makipagnegosasyon sa Abu Sayyaf Group (ASG) upang mapalaya ang Norwegian hostage na si Kjartan Sekkingstad, dinukot mula sa Samal Island noong nakaraang taon. Ayon kay Sec. Dureza, may nakausap na siyang mga tao na maaaring magpaabot ng mensahe kay alyas Abu Rami na sinasabing …

Read More »

Dick Israel, nangangailangan ng tulong

NABULABOG ang social media sa pagkalat ng mga retrato ni Dick Israel, o Ricardo Mitchaca (sa tunay na buhay), 68, at nakilala bilang isa samahuhusay na kontrabidang aktor ng kanyang henerasyon. Humihingi ng tulong si Israel dahil isa siya sa 12 pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa sunog na nangyari sa Caloocan City noong Sabado. Wala raw naisalbang kagamitan si …

Read More »

Lloydie at Teri, wagi sa NYAFF

‘THE Philippine’s biggest star!’ Ganito kung ilarawan ng New York Asian Film Festival sa kanilang official Facebook page ang actor na si John Lloyd Cruz na tumanggap ng Star Asia award dahil sa kanyang magaling na pagganap sa Honor Thy Father ni Erik Matti. Si Cruz ang kauna-unahang Filipino at Southeast Asian actor na tumanggap ng award mula sa NYAFF …

Read More »

Pusang si Browser hinayaang manatili sa Texas Library (Desisyon binaliktad ng Texas town council)

BOMOTO ang Texas town council para hindi mapatalsik ang pusa mula sa local library, binaliktad ang kanilang naunang desisyon, nagbabasura sa posibleng ‘cat-astrophe.’ Makaraan batikusin nang galit na cat lovers, inirekonsidera ng White Settlement town council ang 2-1 decision na nagpapatalsik si Browser mula sa library at bomoto ‘unanimously’ para mahayaang manatili ang pusa, ayon kay WFAA reporter Lauren Zakalik. …

Read More »

Feng Shui problem suriin

ANG major clue sa potensyal na pagiging epektibo ng feng shui ay kung ang iyong problema ay nagsimula makaraan ang paglilipat ng bahay o makaraang magsagawa ng pagbabago sa bahay. Tingnan kung maaari mong i-ugnay ang epekto ng paglilipat sa iyong emosyon sa feng shui ng inyong bagong bahay. Ang isa pang clue ay ang kasaysayan ng inyong bahay. Kung …

Read More »

Ang Zodiac Mo (July 05, 2016)

Aries  (April 18-May 13) Magpatupad ng mga hakbang na magpapabuti ng iyong pamumuhay. Taurus  (May 13-June 21) Mainam ang araw ngayon sa pakikisalamuha sa mga kaibigan at pamilya. Gemini  (June 21-July 20) Ang pakikipag-meeting at pagbiyahe para sa professional activities ay tiyak na magkakaroon nang magandang resulta. Cancer  (July 20-Aug. 10) Maganda ang araw ngayon para sa impormasyon at negosasyon. …

Read More »

Panaginip mo, Inerpret ko: Tubig sa panaginip

Gud mowning po, Pwd p0 b mgtan0ng… an0 p0 ibg zavhn ng 2big z panaginip (09079967160) To 09079967160, Ang tubig ay sagisag ng iyong unconscious at ng iyong emotional state of mind. Ang tubig ay ang living essence of the psyche at ang daloy ng life energy. Ito ay simbolo rin ng spirituality, knowledge, healing at refreshment. Kung ang tubig …

Read More »

A Dyok A Day: Hindi kumakain ng mga hayop sa gubat

ISANG lalaki ang naglalakad sa kakahuyan pero huli na nang namalayan niyang siya ay naliligaw. Sa loob ng dalawang araw wala siyang ginawa kundi ang umikot nang umikot para hanapin kung nasaan ang daan palabas sa kakahuyan. Sa panahong iyon ay walang kinakain o iniinom man lang hanggang abutin nang ma-tinding gutom ang lalaki. Sa isang batuhan, nakita niya ang …

Read More »

Gilas haharapin si Parker

KULANG ang France dahil paparating pa lang si NBA player Nicolas Batum pero paniguradong dehado pa rin ang Gilas Pilipinas sa salpukan nila ngayong gabi sa simula ng 2016 International Basketball Federation Olympic Qualifying Tournament sa SM MOA Arena sa Pasay City. Nasa Group B ang Philippine Team at France na pinamumunuan ni San Antonio Spurs star point guard Tony …

Read More »