CAMP OLIVAS, Pampanga – Arestado ang isang hi-nihinalang hitman at dalawa pang kasama sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng Central Luzon Anti-Illegal Task Group kamakalawa ng gabi sa City of San Fernando. Kinilala ang mga suspek na sina Archie Tulabot alyas Banog, 30, sinasabing miyembro ng gun for hire group; Felipe Elorde, 18, at Dany Lennon, 22, pawang …
Read More »Tindera ng gulay bugbog-sarado sa rapist sa Albay
DARAGA, Albay – Bugbog-sarado ang isang biyuda na tindera ng gulay sa Daraga, Albay sa lalaking tangkang gumahasa sa kanya sa nasabing lugar. Kuwento ng biktima, dakong 4:00 am nitong Linggo, habang naglalakad siya bitbit ang kanyang mga panindang gulay, nang makasalubong niya ang 20-anyos suspek. Bigla aniya siyang sinakal, tinakpan ang bibig at tinangkang gahasain. Nakatakas aniya siya nang …
Read More »Kaylan tatapusin ang problema sa trapiko?
PUMASOK na ang taong 2017, pero hanggang ngayon ay pa-tuloy pa rin ang kalbaryo ng taongbayan sa malalang problema ng trapiko sa Metro Manila. Halos pitong buwan na ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at ang problema sa usapin ng trapiko ay tila walang solusyon. Masasabing walang ginagawang aksiyon ang pamunuan ng Department of Transportation para resolbahin ang problema …
Read More »Amazing: ‘Patay’ na lolo nabuhay
NAGULANTANG ang pamilya at mga nakikipaglibing nang biglang bumangon ang isang ‘patay’ na matandang lalaki habang ibinababa na sa hukay ang kanyang kabaong. Ang 75-anyos pensioner, ay “tumigil sa paghinga” at lumamig na ang mga paa at kamay kaya inakala ng kanyang anak na si Huang, at mga kaanak, na siya ay patay na. Mahinang-mahina na ang matanda kaya inakala …
Read More »2017 Good Luck Tips: Ox Zodiac Sign
ANG 2017 ay inaasahang magdadala ng excellent energy sa Ox people base sa kanilang very good relationship sa enerhiya ng Rooster (ang Ox ay ikinokonsiderang best friend at kaalyado ng Rooster). Walang ‘restriction’ sa mighty Ox! Magkakaroon ng walang hanggang mga oportunidad, kaya panatilihin ang balanse, ang pagiging matiyaga at paglalaan ng oras sa pagpapahinga ay napakahalaga para sa iyo …
Read More »Ang Zodiac Mo (Jan 17, 2017)
Aries (April 18-May 13) May maiisip na ideya kung paano haharapin ang pang-araw-araw na gawain. Taurus (May 13-June 21) Ang buong araw ay ilalaan sa sistematikong pag-oorganisa ng mga aktibidad. Gemini (June 21-July 20) Maaaring maging abala sa mga gawaing bahay ngayon. Cancer (July 20-Aug. 10) Iminumungkahi ng mga bituin na manatiling alerto sa lahat ng sandali. Leo (Aug. 10-Sept. …
Read More »Panaginip mo, Interpret ko: Nakabaril tumakas
Ang kanang kamay ay nagre-represent ng masculine and active attributes. Ito ay maaari rin namang may kinalaman sa desisyon na may kaugnayan sa pagiging right o tama. Kung sa panaginip naman ay nakitang natanggal o naputol ang kanang kamay, nagpapakita ito na hindi mo naipaparating ang iyong point of view, na ikaw ay hindi naiintindihan ng ibang mga tao. Maaaring …
Read More »A Dyok A Day
Holdaper: Holdap ito, akin na gamit mo? Babae: (Sumigaw) Rape! Rape! Rape! Holdaper: Ano’ng rape? Holdap nga ‘to e! Babae: Nagsa-suggest lang naman e. *** Isang babae sa gilid ng rooftop… Pulis: Miss huwag! May solusyon ang lahat ng prblema! Babae: Huwag kang makialam! ‘Di ako maka-SEND! *** Boss: Bakit ka magli-leave? Tonyo: Mag-aasawa na po ako! Boss: At sinong …
Read More »Pacquiao-Marquez V, posible sa dulo ng taon
POSIBLENG maganap ang ikalimang pagtatagpo ng mapait na magkaribal na sina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez, ayon mismo sa Pambansang Kamao. Inamin ni Pacquiao na hiniling niya sa Department of Tourism ang P3 bilyon upang tulungan siyang pondohan ang naturang laban na gaganapin mismo sa Filipinas. Nauna nang sinabi ng DOT na kung prominente at ibang lebel ang makakalaban …
Read More »Alab rumekta sa ikatlong sunod na panalo sa ABL
PATULOY ang pag-akyat ng Alab Pilipinas sa pedestal ng Asean Basketball League. At isa sa mga ginawa nilang dantayan ang nagdedepensang kampeon na Westports Malaysia Dragons, 65-54, kamakalawa sa mismong bahay nila na House of Champions, Gem-in Mall in Cyberjaya, Malaysia. Bagamat hindi nakakuha ng karaniwang numero mula sa pambatong Rayray Parks Jr., na nagkasya sa 9 puntos, sinalo ni …
Read More »Biktima ng Pasig LPG station blast pumanaw na
PUMANAW na ang isa sa mga biktima nang pagsabog ng LPG refilling station sa Pasig City, bunsod ng 98 porsiyentong pagkasunog ng kanyang katawan. Ayon kay Sr. Insp. Anthony Arroyo, Arson Investigation chief ng Pasig Fire Department, ang biktima ay binawian ng buhay habang nilala-patan ng lunas sa Philippine General Hospital makaraan ang pagsabog ng Regasco LPG refilling station. Mahigit …
Read More »Paalam “CrimeBuster” Mario Alcala
IHIHIMLAY sa kanyang huling hantungan ang labi ng beteranong journalist na si MARIO R. ALCALA, bukas sa Forest Lake Memorial Park na matatagpuan sa Brgy. San Vicente, Biñan City, Laguna, ganap na 1:00 pm matapos ang Banal na Misa sa umaga. Pumanaw si Mario Alcala nitong 7 Enero 2017 sa edad na 61-anyos. Bago pumanaw, siya ay columnist ng daily …
Read More »Presyo ng bilihin asikasuhin
HABANG suportado ng mga ordinaryong mamamayan ang mga programa ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, lalo na ang giyera laban sa droga at korupsiyon, hindi dapat kalimutan ng Pangulo at ng kanyang Gabinete ang isa pang bagay na sadya namang malapit sa bituka ng taongbayan: ang presyo ng mga pangunahing bilihin. Ngayon pa lang ay dama na ang matataas na presyo …
Read More »23 katao nalapnos sa sumingaw na LPG station
UMABOT sa 23 katao ang nalapnos ang katawan makaraan mag-leak ang LPG refilling station sa Pasig City, nagresulta sa pagkalat ng apoy at nadamay ang dalawang kalapit na gas station, hardware at ilang kabahayan nitong Miyerkoles ng madaling-araw. Ayon sa Public Information Office ng Pasig City government, ang 23 biktima ay isinugod sa iba’t ibang pagamutan dahil sa third-degree burns …
Read More »Ban sa foreign act, movies iminungkahi
IMINUNGKAHI ng batikang kompositor at mang-aawit na si Anthony Castelo ang pagkakaroon ng pansamantalang ban sa mga foreign artist sa Filipinas upang bigyang pagkakataong makabangon ang humihinang lokal na industriya. Nanawagan si Castelo kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng kapuwa mang-aawit na si Freddie Aguilar na kamakailan lang ay itinalagang Presidential Adviser on Culture and Arts. Paliwanag ni Castelo, …
Read More »Live Jamming with Percy Lapid
DUE TO INSISTENT PUBLIC DEMAND. Pumailanglang na ang mas pinahabang ‘Live Jamming with Percy Lapid’ matapos paunlakan ng 8TriMedia Broacasting Network management ang hiling ng maraming followers at listeners na mapapakinggan sa bago nitong oras, tuwing Linggo ng gabi, 11:00 pm – 2:00 am, sa makasaysayang himpilan ng DZRJ-Radyo Bandido (810 Khz). Naging tampok na panauhin nitong Linggo sa simula …
Read More »Saludo sa PNP
WALANG kaguluhan at matahimik na nairaos ang taunang prusisyon ng Itim na Nazareno. Dinagsa pa rin ng mga milyong deboto ang tinaguriang Traslacion sa kabila nang banta ng terorismo na una nang sinabi ng mga awtoridad. Isang pasasalamat sa bumubuo ng Philippine National Police (PNP) sa pangunguna ni Chief PNP Director General Ronald “Bato” dela Rosa at Armed Forces of …
Read More »1.4-M deboto lumahok sa traslacion — PNP-NCR
INIULAT ng National Capital Regional Police Office (NCRPO), tinatayang umabot sa 1.4 milyong deboto ang nakibahagi sa prusisyon ng itim na Na-zareno sa lungsod ng Maynila. Ang nasabing datos ng NCR police ay batay sa mga dumalo mula sa Quirino Grandstand sa Rizal Park, nagsimula ng 5:30 am hanggang 2:00 pm kahapon. Sa bagal ng andas dahil sa kapal ng …
Read More »Duterte nakiisa sa Pista ng Itim na Nazareno
NAKIISA si Pangulong Rodrigo Duterte sa paggunita ng Pista ng Poong Nazareno kahapon. Sa kanyang mensahe, sinabi ni Pangulong Duterte, hanga siya sa matinding pananampalataya ng milyong deboto ng Black Nazarene, na puspusan ang pagpapaha-yag ng pasasalamat, pe-tisyon at sakripisyo. Ayon kay Pangulong Duterte, ang ganitong pagpapakita ng pana-nampalataya at walang kapagurang taimtim na pagdarasal ay kahalintulad nang masidhing kampanya …
Read More »1-km radius signal jam sa andas — PNP-NCR (Malacañang complex apektado rin)
IPINATUPAD ang one kilometer radius signal jamming sa mobile phones mula sa andas at no-fly zone sa ibabaw ng Quiapo at karatig-lugar sa Maynila kahapon. Ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga dumalo sa traslacion ng Itim na Nazareno. Kaugnay nito, nananatili ang assesment ng Philippine National Police (PNP) na walang “clear at present danger” sa traslacion ng Itim …
Read More »Walang chopper sa aerial monitoring (Gen. Bato desmayado)
DESMAYADO si PNP Chief, Director General Ronald Dela Rosa dahil walang chopper ang PNP para sa pagsasagawa ng aerial monitoring para maobserbahan ang traslacion. Sinabi ni Dela Rosa, wala nang pakinabang ang mga segunda-manong choppers ng PNP na binili noong 2009. Ayon kay PNP chief, “beyond economic repair” na ang dalawang Robinsons choppers, ibig sabihin ay mas magastos pang ipagawa …
Read More »PNP chief pinagkaguluhan sa traslacion
INIKOT ni PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa ang mismong Andas o karosa ng Poong Nazareno upang inspeksiyonin at personal na makita ang situwasyon sa isinagawang traslacion kahapon. Ngunit pinagkaguluhan siya ng mga deboto nang makita siya sa lugar. Kanya-kanyang kuha ng larawan ang mga deboto sa PNP chief. Nasa ilalim ng Quezon Boulevard ang Andas nang magtungo si …
Read More »US14-M grant ng China ibibili ng Bangka (Hindi armas)
GENERAL SANTOS CITY – Hindi na bibili ng dagdag na mga armas ang gobyerno sa $14 milyon grant na ibibigay ng China sa Filipinas. Ito ang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorezana kahapon. Ayon sa kalihim, nauna nilang plano ang pagbili sana ng maraming armas para sa mga CAFGU at sa mga pulis ngunit hindi na itutuloy dahil marami pang …
Read More »Libreng rehabilitasyon isinusulong ni speaker Alvarez
NANAWAGAN si House Speaker Pantaleon Alvarez na suportahan ang iba’t ibang samahan na nagkakaloob ng libreng rehabilitasyon sa mga nalulong sa ipinagbabawal na droga. Aniya, ito ay upang mapanatili ang pagtatagumpay sa mahigpit na kampanya ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte laban sa ipinagbabawal na gamot. Nais din ng speaker na mai-salba ang mga kabataan sa posibilidad ng pagkasugapa sa droga at …
Read More »2 patay sa truck vs motorsiklo sa Cagayan
TUGUEGARAO CITY – Patay ang dalawa katao sa banggaan ng truck at motorsiklo sa bayan ng Solana, Cagayan kamakalawa. Kinilala ang mga biktimang sina Joey Balisi at Ryan Sonido, kapwa residente ng Solana. Ayon sa mga awtoridad, nag-overtake ang truck na minamaneho ni Jerome Erjas sa isang sasakyan kaya niya nabangga ang kasalubong na motorsiklo na sakay ang dalawang biktima. …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com