Sunday , December 14 2025

hataw tabloid

Martial law victims may kompensasyon (300 sa 4,000 claimants)

IPAMAMAHAGI na ang paunang bayad ng kom-pensasyon sa mga biktima ng martial law, sa Lunes, ayon sa Human Rights Violation Claims Board (HRVCB) Simula sa Lunes, 300 mula sa unang 4,000 claimants ang makatatanggap ng kalahati ng kanilang kompensasyon, na naaayon sa batas. Ang claimants ay makatatanggap ng mo-netary reparation at may claims na may pinal nang desisyon. “Meaning, that …

Read More »

150 bahay sa Cavite natupok

fire sunog bombero

DASMARIÑAS – Uma-bot sa 150 kabahayan ang natupok nang masunog ang isang residential area, nitong Sabado ng mada-ling araw. Umabot sa ika-apat na alarma ang sunog na sumiklab sa Sanitary Compound, Brgy. Sta. Lucia, Dasmariñas City, Cavite. Patuloy ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection sa pinagmulan ng apoy, ngunit hinihinalang mula ito sa bahay ng isang residenteng nakaiwan nang …

Read More »

Sumali sa Gawad KWF sa Sanaysay 2017!

Tuntunin. Ang Gawad KWF sa Sanaysay ay bukás sa lahat maliban sa mga kawani ng KWF at kanilang kaanak. Ang paksa ng sanaysay ay maaaring pagtalakay ng konsepto o resulta ng saliksik sa larang na agham-pangkalikasan, agham panlipunan, matematika, o mga katulad nito. Kailangang nasusulat sa Filipino ang lahok, orihinal, hindi pa nailalathala, at hindi rin salin mula sa ibang …

Read More »

PINOY OFW ng 8TriMedia Broadcasting Network sa Radio DZRJ (810 Khz/AM)

NAGING panauhin kamakailan nina Hannah Señeres (ikalawa sa kanan) at Bing “Gemma Gumamela” Comiso (ikalawa sa kaliwa) sa kanilang prgramang PINOY OFW ng 8TriMedia Broadcasting Network sa Radio DZRJ (810 Khz/AM) ang kilalang OFW advocate sa Jeddah at social media manager ng Office of the Presidential Spokesman na si Frank Resma (gitna). Nasa larawan din si broadcaster at Hataw columnist …

Read More »

26 preso namatay sa sakit at siksikan sa kulungan

dead prison

UMABOT 26 preso sa iba’t ibang kulungan sa Metro Manila, ang namatay dahil sa sakit bunga nang siksikang mga kulungan. Ayon kay National Ca-pital Region Police Office (NCRPO) chief, Director Oscar Albayalde, simula 1 Hulyo 2016 nang magsimula silang makapagtala ng mga namamatay na preso. Dagdag ni Albayalde, biglang lumobo ang bilang ng mga nakakulong dahil sa kampanya sa ilegal …

Read More »

19 ASG member sumuko sa Basilan

ZAMBOANGA CITY – Nasa 19 aktibong kasapi ng teroristang Abu Sayyaf ang panibagong sumuko sa tropa ng pamahalaan sa lalawigan ng Basilan. Ayon kay Western Mindanao Commander (WestMinCom) Lt. Gen. Carlito Galvez Jr., kabilang sa mga nagbalik-loob sa pamahalaan ang dalawang Abu Sayyaf sub-leader, na kinilalang sina Nur Hassan Lahaman alyas Hassan, at Mudz-Ar Angkun alyas Mapad Ladjaman. Kasama nilang …

Read More »

Arestadong ASG tigbak sa parak (Nagtangkang tumakas)

dead gun

CEBU CITY – Patay ang isang miyembro ng Abu Sayyaf group (ASG) na nahuli sa Brgy. Tan-awan, Tubigon sa probinsiya ng Bohol kamakalawa, makaraan tangkang tumakas sa Bohol Provincial Police Office (BPPO), kahapon ng madaling-araw. Ayon kay Police Regional Office-7 director, Chief Supt. Noli Talino, bandang 2:00 am, habang ibinabiyahe ang Abu Sayyaf member patungo sa bayan ng Cortes para …

Read More »

Pagkamatay ng ASG member, ipinabubusisi ni Gen. Bato

INIUTOS ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa ang imbestigasyon sa pagkamatay nang naares-tong Abu Sayyaf member sa Bohol na si Saad Samad Kiram alyas Abu Saad, habang nasa kustodiya ng mga pulis. Ayon kay PRO-7 Director Chief Supt. Noli Taliño, inatasan niya ang provincial police director ng Bohol, para pangunahan ang imbestigasyon partikular ang mga pulis na kasama …

Read More »

Secret jail sa Tondo, bubusisiin ng Senado

NAKATAKDANG imbestigahan sa Senado sa susunod na linggo ang “secret jail” na natuklasan sa police station sa Tondo habang iniinspeksiyon ng Commission on Human Rights (CHR). Ayon kay Sen. Bam Aquino, siyang naghain ng resolusyon para imbestigahan ang isyu, nagbigay ng commitment si Sen. Panfilo Lacson, pinuno ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, hinggil dito. Tiniyak aniya …

Read More »

X-Factor Phils finalist Mark Mabasa, pinahanga at pinakilig pati DJ-hosts ng 88.5 Shibuya Cross-FM sa Tokyo

MARAMI na rin palang fans ang X-Factor Philippines at Macau Kotai Jazz Festival finalist na si Mark Mabasa kahit sa bansang Japan. Noong Marso ay nagtungo si Mark sa Japan para bisitahin ang ilang malapit na kamag-anak na roon naninirahan. Pero ‘di sinasadyang nakatagpo ng world class singer na si Mark ang isang dating Pinay entertainer at malapit na kaibigan …

Read More »

Romeo Vasquez, pumanaw na sa edad 78

NAMATAY na sa edad 78 ang veteran actor na si Romeo “Bobby” Vasquez. Kinompirma ito kahapon sa Instagram post ng apo ni Vasquez na si  Alyanna Martinez. Aniya, magkasama na ngayon ang kanyang Lolo Bobby at inang si Liezl sa langit. “Reunited now in heaven with Mama on her 32nd wedding anniversary #LoloBobby,” ani Alyanna sa retratong inilagay. Sumikat bilang …

Read More »

Nora at Jaclyn, rarampa sa AIFFA 2017

IMBITADO ang Superstar na si Nora Aunor at Cannes 2016 Best Actress Jaclyn Jose sa ASEAN International Film Festival and Awards (AIFFA) 2017, na gaganapin sa  Kuching, Malaysia ngayong May 4-6, at ayon sa kanilang mga kampo, kompirmadong dadalo ang dalawang multi-awarded actresses. Si Nora ay bilang special presenter ng AIFFA Lifetime Achievement Award recipient sa awards night (hindi pa …

Read More »

Jail officer nalunod sa paruparo

KORONADAL CITY – Binawian ng buhay ang isang jail officer ng Cotabato City nang malunod sa Hidak Falls sa Brgy. Kematu, Tboli, South Cotabato, kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Leo Solinap, 37, residente ng Koronadal City. Ayon sa report, kinukuhaan ng video ng biktima ang isang paruparo na lumilipad sa lugar nang siya ay madulas at tulu-yang nahulog sa talon. …

Read More »

‘Massage therapist’ nangmolestiya ng buntis

boobs

INARESTO ang isang lalaking masahista makaraan molestiyahin ang isang buntis habang minamasahe sa isang spa sa Parañaque City, nitong Martes ng gabi. Salaysay ng 28-anyos biktimang itinago sa alyas na Toni, Lunes nang siya ay magpamasahe sa 19-anyos na si Arwin John Martinez. Nagpresenta aniya si Martinez na magmasahe ngunit kanyang napansin na kakaiba ang naging pagmamasahe sa kanya ng …

Read More »

Atong no. 1 target ni Digong (Sa giyera kontra ilegal na sugal) — PCSO

TINUKOY ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na ang  jai-alai operator na si Atong Ang ang “primary target” ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa kanyang Executive Order No. 13 na nagdedeklara ng all-out war sa illegal gambling. Sa isang statement ay binigyang-diin ni PCSO Chairman Jose Jorge Corpuz na ang state-sanctioned Small Town Lottery (STL) ang tanging numbers game na …

Read More »

Tanong ng whistleblowers: P8-M ni Robredo galing kanino?

INOBLIGA kahapon ng Whistleblowers Association of the Philippines (WAP) si Bise Presidente Leni Robredo na isapubliko ang tunay na pinag-kuhaan ng P8 milyon na kanyang ipinambayad sa Korte Suprema bilang cash deposit sa counter protest na isinampa niya sa poll complaint ni da-ting Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Si Robredo ay naghabol kahapon ng umaga sa limang araw na palugit …

Read More »

Ilegal ‘di beybi kay Duterte — Aguirre

TINIYAK ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na hindi kailanman kokonsintihin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga gawaing ilegal sa kanyang administrasyon. “I believe that PRRD will not tolerate any illegal act,” giit ng Kalihim sa naging mahigpit  na direktiba ng Pangulo laban sa mga ilegal na gawain. Kaugnay nito, binalaan ni Aguirre ang mga patuloy na lumilinya sa ilegal na …

Read More »

Digong dapat nang durugin si Bato

MARAMI nang sablay si Chief PNP Bato dela Rosa. Ang nakapagtataka lang ay kung bakit patuloy itong kinokonsinti ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, gayong matingkad pa sa sikat ng araw ang kanyang mga kapalpakan. At ang pinakahuling kapalpakan nito ang ginawang pagkiling sa mga pulis sa Manila Police District Station 1 sa Raxabago, Tondo, na naglagay ng “secret cell” para …

Read More »

P4+ rollback sa LPG ipinatupad

oil lpg money

EPEKTIBO ang rollback sa presyo ng kada kilo ng li-quefied petroleum gas (LPG) dakong 12:01 am kahapon. Ang kompanyang Pet-ron ay may rollback na P4.85  sa kada kilo ng karaniwang gasul at Fiesta Gas o katumbas ng P53.35 sa kada tangke, may bigat na 11 kgs. Papalo sa P2.73 ang rollback sa kada litro ng extreme auto LPG, ang Solane …

Read More »

Pagdurog sa Abu Sayyaf ‘di aabot ng 6-buwan

NAGBABALA ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa teroristang grupong Abu Sayyaf, na kayang buwagin ng militar ang kanilang puwersa bago pa man matapos ang anim buwan deadline. Naniniwala si AFP chief General Eduardo Año, ang pagkamatay ni Abu Sayyaf sub-leader Alhabsy Misaya ay malaking bagay para tuluyang matalo ang puwersa ng teroristang grupo. Ayon kay Año, si Mi-saya …

Read More »

De Lima dinalaw ng alyadong senador sa PNP detention cell

PERSONAL na dinalaw ng mga kasamahang senador na kanyang alyado, si Sen. Leila de Lima sa detention facility sa Camp Crame, Quezon City. Kabilang sa mga bumisita kay De Lima sina Sen. Antonio Trillanes IV, at Sen. Kiko Pangilinan, habang sumunod sina Senate Minority Leader Franklin Drilon, at Sen. Risa Hontiveros. Ilan sa sinasabing napag-usapan sa kanilang pagpupulong ang tungkol …

Read More »

Washington dumipensa sa imbitasyon ni Trump kay Duterte

WASHINGTON – Ipinaliwanag ng Washington ang intensiyon ng pag-imbita ni US Pres. Donald Trump kay Pangulong Rodrigo Duterte na bumisita sa White House. Magugunitang makaraan ang ASEAN Leaders’ Summit nitong Sabado, nagsagawa ng ‘friendly call’ kay Pangulong Duterte si Trump at tinalakay ang anti-drug war ng Filipinas at alyansa ng dalawang bansa. Sinabi ni White House chief of staff Reince …

Read More »

50,000 contractual employees nabigyan ng regular position – Bello

TINATAYANG 50,000 contractual employees ang nabigyan ng re-gular na posisyon sa ilalim ng Duterte administration. Pagmamalaki ito ni Labor Sec. Silvestre Bello sa Araw ng Paggawa kahapon. Aniya, karamihan sa mga manggagawang nabigyan ng regular na posisyon ay mula sa mga kompanyang tumugon sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa “endo” o kontraktuwalisasyon. Samantala, dahil kulang umano ang inspector …

Read More »

10.4-M Pinoys jobless

TINATAYANG 10.4 milyong Filipino ang nanatiling walang trabaho sa unang quarter ng 2017, ayon sa inilabas na resulta ng opinion poll, kasabay ng pagdiriwang ng bansa sa unang Labor Day sa ilalim ng admi-nistrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon din sa nasabing survey ng Social Weather Stations (SWS), isinagawa mula 25 hanggang 28 ng Marso, bumaba ang “net optimism” sa …

Read More »

Kilos protesta humugos sa kalsada (Obrero bigo sa unang Labor Day ni Digong )

SINALUBONG ng mga manggagawa ng kilos-protesta ang pagdiriwang ng Labor Day sa Filipinas. Tinatayang 2,300 miyembro ng urban poor group na Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), ang nagmartsa patungong Welcome Rotonda mula Agham Road sa Quezon City. Bitbit ng nasabing grupo ang volture na effigy na may disenyong inihalintulad sa watawat ng Estados Unidos. Ayon sa Kadamay, hiling nila sa …

Read More »