Saturday , November 23 2024

hataw tabloid

AFP alertado na

ITINAAS na ni AFP Chief of Staff General Ricardo Visaya ang buong puwersa ng Sandatahang Lakas ng Filipinas sa red alert status. Kasunod nang pagtaas ng alerto, mahigpit ang bilin ni Visaya sa lahat ng area commanders na makipag ugnayan sa kanilang counterpart, ang PNP. Bukod sa PNP, nais ng chief of staff na makipag-coordinate din ang area commanders sa …

Read More »

Tatlong tao sa Davao blast tinutukoy na

HINDI pa maituturing na mga suspek sa Davao blast ang tatlong indibidwal na itinuturing ng pambansang pulisya bilang ‘person of interest.’ Ayon kay PRO-11 spokesperson, Chief Insp. Andrea Dela Cerna, nasa proseso pa ang pulisya ngayon sa pangangalap ng ebidensiya lalo sa tatlong indibidwal na posibleng may kinalaman sa madugong pagsabog. Sinabi ni Dela Cerna, sa ngayon hindi pa nila …

Read More »

Drug pusher na konektado kay Kerwin, arestado

NAARESTO ng mga pulis sa Ormoc City ang isang hinihinalang drug pusher na sinasabing konektado kay Kerwin Espinosa, itinuturing na drug lord sa Visayas. Nadakip si Leonardo Guino sa kanyang bahay sa Brgy. Tambulilid, at nakompiska ang ilang pekete ng hinihinalang shabu, mga drug paraphernalia at .38 kalibreng revolver. Ang suspek ay kapatid ni Noki Guino, sinasabing matalik na kaibigan …

Read More »

Task Force on Davao blast inilarga ng DoJ chief

INIUTOS ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre nitong Sabado ang pagbuo ng task force na magsisiyasat sa naganap na pagsabog sa Davao City nitong Biyernes. Tiniyak ni Aguirre, makikipagtulungan ang Department of Justice sa National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang law enforcement agencies para matukoy at makasuhan ang mga nasa likod ng pagsabog sa Roxas Night Market. “I have …

Read More »

Travel advisory inisyu ng 5 bansa

plane Control Tower

NAG-ISYU ang limang bansa ng travel warnings sa kanilang mga kababayan na nasa bansa, kasunod nang pagsabog sa Davao City na ikinamatay ng 15 katao at ikinasugat ng maraming biktima. Kabilang dito ang mga bansang Australia, United States, United Kingdom, Canada at Singapore. Muling pinaalalahanan ng naturang mga bansa ang kanilang mga kababayan kaugnay sa idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte …

Read More »

BoC, tutulong sa pagbabantay sa seguridad ng bansa

customs BOC

TUTULONG ang Bureau of Customs sa pagbabantay sa seguridad ng bansa  matapos maganap ang pagsabog sa Davao City nitong Biyernes ng gabi na ikinamatay ng 14 at 79 ang malubhang nasu-gatan. Ayon kay Customs Enforcement Officer-In-Charge Arnel Alcaraz, kaagad niyang inilagay sa red alert ang   400 Customs police, ilang oras matapos ang pagsabog sa night market sa Davao. Sinabi ni …

Read More »

US-backed ASG itinuro ng KMU

TAHASANG tinukoy ng militanteng grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) na ang Estados Unidos ang nasa likod ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) na nambomba sa Davao City kamakalawa ng gabi na ikinamatay ng 15 katao at ikinasugat ng 80 iba pa. Sa kalatas, sinabi ni KMU secretary-general Elmer Labog, naniniwala ang mga obrero na ang pag-atake ng ASG sa Davao …

Read More »

Davao bombing inako ng ASG (Muling aatake)

ZAMBOANGA CITY – Inako ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang responsibilidad sa pagpapasabog sa Davao City nitong Biyernes ng gabi. Sinabi ni ASG spokesperson Abu Rami, ang Davao attack ay “call for unity to all mujahideen in the country” sa gitna ng all-out offensive ng military laban sa grupo. Ayon kay Rami, ang pag-atake sa Davao ay hindi bahagi ng …

Read More »

Nationwide full alert iniutos ng PNP chief

ronald bato dela rosa pnp

INIUTOS ni PNP chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang full alert status sa buong bansa. Ito ay kaugnay sa nangyaring pagsabog nitong Biyernes ng gabi sa Davao City. Sa memorandum directive na ipinalabas ni PNP chief, lahat ng regional police directors ay dapat paigtingin at palakasin ang lahat ng kanilang police operations. Habang nasa double alert ang lahat …

Read More »

Seguridad sa NAIA hinigpitan

MAAASAHAN ang mas mahigpit na seguridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), kasunod ng pagsabog sa Davao City. Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) chief Ed Monreal, nagtaas sila ng full alert sa paliparan upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero. Bunsod nang direktiba, kanselado muna ang day-off at bakasyon ng airport security personnel. Kaugnay nito, pinayuhan nila ang …

Read More »

OFWs ligtas pa sa Zika — DoH

NANANATILING ligtas sa Zika virus ang mga kababayan natin sa Singapore. Ito ang iniulat ni Health Sec. Paulyn Jean Rosell-Ubial, kasunod nang naitatalang mga kaso ng naturang sakit sa Singapore sa nakalipas na mga araw. Giit ni Ubial, tuloy-tuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng embahada roon, bukod sa regular na komunikasyon sa kanilang counterpart sa nasabing bansa. Pinayuhan …

Read More »

Bading arestado sa nireyp na 15-anyos dalagita

ARESTADO ng mga awtoridad ang isang 20-anyos choreographer sa Taguig City makaraan akusahang hinalay ang tinuturuan niya ng pagsasayaw na isang 15-anyos dalagita. Ngunit giit ng suspek na si Christian Mendez, hindi totoo ang paratang dahil isa siyang bading na walang interes sa mga babae. Mismong ang ina ng 15-anyos na biktima ang dumulog sa CIDG para madakip si Mendez …

Read More »

Pagtaas ng kaso ng leptospirosis ikinaalarma

PANAHON na ng tag-ulan kasunod ng mga pagbaha. Bunsod nito, muling nanganganib ang mga mamamayan na malubog sa tubig-baha na kontaminado ng ihi ng daga, ayon kay Ruth Marie Atienza, chief operating officer ng MAPECON Philippines, Inc., ang foremost authority ng pest control sa bansa. Ito aniya ay magiging dahilan nang muling pagtaas ng kaso ng leptospirosis na dulot ng …

Read More »

Mga pasaway na kuliglig, pedicab at tricycle

YANIG ni Bong Ramos

NAWALA ang mga vendor sa kahabaan ng Recto Avenue sa Divisoria at sa Blumentrit pero ang pumalit naman ay sandamakmak na pasaway na mga pedicab, tricycle at kuliglig na naghambalang at nakabalagbag sa halos lahat ng kanto sa mga nasabing lugar. Mukhang nagkaroon ng kanya-kanyang terminal at pila na para bang inari at nabili na nila ang kalsada mula sa …

Read More »

Kampanya ng BOC vs smuggling droga puspusan na

SA loob ng dalawang linggo, mahigit 30 container vans na pinaghihinalaang may laman na smuggled goods, dalawang kilo ng cocaine, dalawang libong piraso ng ecstasy tablets, at ilang gramo ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs Enforcement Group. Kahapon, nasabat sa Diosdado Macapagal International Airport sa Angeles City ang isang American national mula Sao Paolo, Brazil …

Read More »

Absolute pardon kay Robin Padilla (Posible kay Duterte)

KABILANG ang aktor na si Robin Padilla sa listahan ng Board of Pardons and Parole (BPP) na posibleng gawaran ng executive clemency ni Pangulong Rodrigo Duterte. Inirekomenda ng BPP ang review sa kaso ng 87 inmates na mabibigyan ng executive clemency, kabilang si Padilla, sa pamamagitan ng ‘notice’ na nilagdaan ng kanilang executive director na si Reynaldo Bayang. Matatandaan, hinatulan …

Read More »

Pagbisita ni Digong Kay GMA kinansela (Sa Pampanga)

BUNSOD nang masamang panahon, kinansela ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagbisita kay dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo kahapon. Inianunsiyo ni Marciano Paynor, hepe ng Presidential Protocol Office, ang kanselasyon nang pagbisita ng pangulo. Nauna rito, inimbitahan ni Arroyo si Pangulong Duterte para makisaya sa kanila sa pista ng St. Augustine na siyang patron saint ng …

Read More »

30 preso itinakas ng ISIS/Maute group sa Marawi jail

prison

SINALAKAY ng hinihinalang mga miyembro ng ISIS-inspired Maute Group ang Lanao del Sur Provincial Jail sa Brgy. Mapandi sa Marawi City at itinakas ang 30 preso. Kabilang sa mga nakatakas ang walong hinihinalang miyembro ng Maute group na naaresto sa bayan ng Lumbayanague, kabilang sina Hassim Balawag Maute alyas Apple Jehad, Abul Jabbar Tominaman Macabading, Jamil Batoa Amerul at Muhammad …

Read More »

Rep. Espino pinayuhang mag-leave sa Kamara

MAKABUBUTING mag-leave pansamantala si Pangasinan Rep. Amado Espino Jr., makaraan madawit ang kanyang pangalan sa inilabas na drug matrix ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Deputy Speaker at Capiz Rep. Fredenil Castro, ito ang pinakamagandang dapat gawin ni Cong. Espino para maklaro ang kanyang pangalan. Ayon kay Castro, pansamantalang hahalili kay Espino ang tinatawag na caretaker congressman kapag pinili niyang …

Read More »

Utos ni Digong sa AFP, PNP: Misuari huwag galawin

INIUTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sundalo at pulis na huwag gagalawin at pabayaan si MNLF chairman Nur Misuari sakaling lumabas sa kanyang pinagtataguan sa Jolo, Sulu. Magugunitang nagtatago si Misuari kasunod nang nangyaring pag-atake ng kanyang grupo sa Zamboanga City noong Setyembre 2013. Sinabi ni Pangulong Duterte, maysakit at matanda na si Misuari kaya hindi na tatakbo pa. …

Read More »

4 pulis na bihag ng NPA pinalaya (Suporta sa ceasefire)

BUTUAN CITY – Makaraan palayain kamakalawa ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) si PO1 Richard Yu ng Carmen, Surigao del Sur, pinalaya kahapon ang apat pulis na binihag din ng rebeldeng grupo sa Brgy. Cagtinae, Malimono, Surigao del Norte. Ayon sa nagpakilalang si Ka Oto, sinasabing tagapagsalita ng Guerilla Front Comiittee-16 ng NPA, pinalaya nila sina PO2 Caleb Sinaca, …

Read More »

Ex-MMDA chair umiwas sa De Lima Warren romance

TUMANGGI si dating MMDA chairman Francis Tolentino na magbigay ng reaksiyon sa pagkakabanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ang nagkuwento sa sinasabing bagong boyfriend ni Sen. Leila de Lima. Sinabi ni Tolentino kahapon, huwag munang magkomento lalo pa’t kaarawan ni Sen. De Lima. Ayon kay Tolentino, mas mabuting pag-usapan ang isyu ng emergency power at flood mitigation bago ang …

Read More »

Kaso vs De Lima et al ikinakasa na — Panelo

INIHAHANDA na ang kaso laban kay Senador Leila de Lima at iba pang mga personalidad na kasama sa ibinulgar na matrix ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Atty. Salvador Panelo, Chief Legal Counsel ni Duterte, abala sila ngayon sa paghahanda ng mga ebidensiya na magdidiin kay De Lima at iba pang may kinalaman sa mga drug lord sa bansa. Ayon …

Read More »

Poultry ng mayor shabu laboratory? (Sa Pangasinan)

DAGUPAN CITY – Kusang ipina-inspeksiyon ni Asingan Pangasinan Mayor Heidi Ganigan-Chua ang pag-aaring poultry farm ng kanilang pamilya para patunayang hindi sila sangkot sa illegal na droga. Inimbitahan mismo ng alkalde ang mga pulis kasama ang mga miyembro ng media para ipakita sa publiko na walang katotohanan ang mga paratang laban sa kanya. Nais ng alkalde na matapos na ang …

Read More »

20 kaso laban sa Espinosa drug group isinampa na

TACLOBAN CITY – Aabot sa 20 kaso ang isinampa kahapon sa korte laban sa pamilyang Espinosa kabilang ang alkalde ng Albuera, Leyte na si Mayor Rolando Espinosa at ang anak niyang itinuturong top drug lord sa Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa. Kabilang sa isinampang mga kaso ay kaugnay sa ilegal na droga makaraan makuha ang hinihinalang shabu sa bahay …

Read More »